CHAPTER 07
ILANG ulit kong tinitignan at nagpapaikot-ikot sa salamin para suriin ang sarili ko. Pero isa lang talaga ang nakikita ko.
"Isa talaga akong dyosa!" buong paghanga kong sabi habang nakatingin sa salamin.
"Isa ka talagang ambisyosa!" biglang singit ni Mackerel sa may pinto ko at agad na binato ito ng unan.
"Hayop ka. Lumayas ka sa paningin ko." at tinignan ito ng masama.
"Hindi ako hayop. Sa pogi kong 'to." at ngumisi lang. Inirapan ko naman ito. "Pinapatanong ni Mama kung dito ka maghahapunan mamaya." sabi nito. Napaisip naman ako. Kung mall kami pupunta, malamang na baka hindi na.
"Hindi na." sabi ko.
"Okay. Copy that, Ate Ambisyosa!" sabio nito at tumalilis na ng takbo. Nanggigil na bumuga ako ng hangin. Bigla naman tumunog ang cellphone ko. Agad na kinuha ko yun.
BEAST.
Tami, anong oras kita susunduin sa inyo?
Kumabog naman ang dibdib ko.
Nagtext lang kumabog agad?
Mabilis akong umiling.
Ako:
Sige sunduin---
Bigla kong naalala na nasa bahay nga pala si Mackerel. Isa pa naman dakilang tsismoso yun. Mahirap na at baka makita nito si Nike. Baka ipagduldulan sa mukha ko ang mga sinabi nila. Kaya agad kong binura yun at nagtext ng iba.
Ako:
No. Kita na lang tayo sa mall.
Sabi ko lang. Matapos nun ay bumaba na ako at nagpaalam at pagkalabas ng bahay ay mabuti na lang at may taxi agad na sumakay kaya nakaalis agad ako.
PAGKABABA ko pa lang sa taxi ay napansin ko na nagtinginan agad sa akin ang mga kalalakihan.
Ohh well. Can't blame them. May isa kasing dyosa na bumaba sa lupa.
At talagang nirampa ko ang kagandahan at kadyosahan ko. Nilagay ko ang kamay ko sa buhok ko at akmang iflip ko na ang buhok ko ng may biglang tumawag sa akin.
"Panda! Kanina pa kita inaantay!" biglang sabi ni Nike at lumakad pa punta sa akin. Simpleng sinuklay ko na lang ang buhok ko.
"Yan yung boyfriend?"
"Hala sayang naman."
"Opposite attracts eh."
Rinig kong bulungan ng mga tao sa paligid. Yung totoo? Paano naging bulungan kung rinig naman? Joke ba yun?
"Panda. Dapat sinundo na lang kita." sabi ni Nike ng makalapit sa akin. Pinanlakihan ko ito ng mga mata.
"Sabi ng wag mo akong tawaging panda!" mahina ngunit mariinn na sabi ko.
"Maglulunch na pala. Kain na muna nito." sabi nito na nakatingin sa relo nito. Huminga akong malalim. Kung naiipon ko lang talaga ito. Malamang kasing lalim na nung kay Sadako ito.
BINABASA MO ANG
Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.
ChickLitMusic and Lyrics #2 Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sayo Hindi alam kung ano ba ang nadudulot dulot nito Hindi ka naman gwapo Macho, 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y oo oo Sabi ng barkada, wag nalang daw sana Ngunit sabi ng puso'y oo oo...