CHAPTER 08
"THAT is two hundred fifty thousand, Sir." nakangiting sabi ng sales crew. Napanganga ako. Literal na napanganga ako.
Para sa isang necklace... two hundred fifty thousand na agad?!
"Nike, tara na---"
"Okay. Here's my card." sabi lang nito at inabot ang card nito. Nagulat ako. Bibilhin niya talaga yun?
Agad na binalot naman ng sales clerk yun ay matapos maiswipe ang card nito ay ibinigay na sa amin ang necklace. Nagpasalamat naman kami at tulala pa din ako hanggang sa umalis
Tumingin naman si Nike sa wrist watch nito. "Medyo gabi na pala. Tara ikot muna tayo? Pero bili muna tayong ice cream or kain tayo ng cake meryenda natin." nakangiting sabi nito. Tumango na lang ako dito.
Yung totoo, Nike? Sino ka ba? Member kaya ng yakuza to?
HINDI AKO magkandaugaga sa pamimili kung anong cake at iba pang sweets ang kakainin ko dito sa Superman's Bakery and Sweets. Lahat kasi talaga mukhang masarap eh.
"Kung anong gusto, sabihin mo lang tapos iuwi mo na lang sa inyo para may pasalubong ka sa family mo." sabi ni Nike na nasa tabi ko. Abot tenga naman na ngumiti ako.
"Talaga?" paniniguro ko at tumango naman ito. "Okay. Uhmm, itong Eight Taste na para ipang-uuwi ko." tukoy ko sa isang cake na may different eight slices ng cake na nakatatak na best seller ng store. "Tapos isang slice ng blueberry cheesecake at strawberry shortcake."
Eight Taste.
Strawberry shortcake
Blueberry cheesecake
BINABASA MO ANG
Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.
Chick-LitMusic and Lyrics #2 Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sayo Hindi alam kung ano ba ang nadudulot dulot nito Hindi ka naman gwapo Macho, 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y oo oo Sabi ng barkada, wag nalang daw sana Ngunit sabi ng puso'y oo oo...