KN.13

178 18 21
                                    

Chapter 13



ILANG beses kong sinuri ang itsura ko sa salamin. Pero wala eh. Kahit anong ikot ko talaga...

"Ang ganda, ganda ko. Isa talaga akong tunay na dyosa from my anit to my hinliliit sa talampakan." sabi ko sabay flipped sa buhok ko. Nakarinig naman ako ng katok.

"Ate Tami, tapusin mo na ang illusyon mo at nandyan na daw yung sundo mo." sigaw ni Mackerel mula sa may labas at agad na napasimangot ako. Pero mabilis din akong napangiti. 

Nandyan na si Nike!

Humarap muli ako sa salamin at siniguro ko na walang makakapantay sa kadyosahan ko ngayon gabi.

Lumabas naman ako ng kwarto ko. Nasa may hagdan pa lang ako ay huminga na ako ng malalim dahil gusto kong pakalmahin ang nagmamarathon kong puso. Siniguro kong maganda----sagad ang kagandahan ko at talagang nagpabango ako ng todo. Dahan-dahan naman akong bumaba at ng makarating ako sa pinakababa ay agad na nagflipped ako ng buhok ko.

"Sorry sa paghihintay Ni---" napatigil naman ako ng makita ko na hindi si Nike ang susundo sa akin.

"Ohh hi Tami! Pinapasundo ka sa akin ni Nike." nakangiting sabi ni Bruno.

"Ohh." mabilis na sabi ko. Humarap naman ako kina Mama at Ate Karel na halatang kinikilig kay Bruno.

"Ma, Pa, Ate, Macky, alis na po ako." paalam ko sa kanila. Agad naman na lumapit si Mama. Pero hindi sa akin kundi kay Bruno.

"Naku iho, balik ka ha? Sana hindi ka matrauma sa anak ko." paalala nito. Ngumiti naman si Bruno dito. Pinaikot ko naman ang mga mata ko. Lumabas na kami at pinagbukas ako nito ng pinto at pumasok na ako. Pumasok na din ito sa driver's seat at nagmaneho na.



TAHIMIK naman ang biyahe namin at nakatingin lang ako sa bintana. Huminga akong malalim at naglakas loob na magtanong dito.

"Uhmm... Bruno? Si Nike pala?"

"Ayiiee namimiss niya." nang-aasar na sabi nito at sumulyap pa sa rearview mirror. Hindi naman ako nakaimik dun. Kasi alam ko sa sarili ko na totoo naman. Gusto ko talaga makita si Nike. Kaya nga nalungkot ako ng malaman ko na hindi si Nike ang sumundo sa akin.

"Malapit na ba?" tanong ko na lang. Sinabi lang nito na malapit na kami. Ilang saglit lang ay nakarating na kami. Pinagbuksan ako ng pinto nito. Sa harap pa lang ay halata na sobrang engrande ng party.

Nagkalat ang mga media at mga photographers sa paligid. Pumasok naman ako at talagang pinakita ang killer smile ko. Syempre kailangan ko na magpakitang gilas din. Kailangan kong iangat ang pagiging dyosa ko.

"Tami, dito ka nga pala uupo. Bilin ni Nike kasi." sabi nito at pinaupo ako sa harapan. Lumingon lingon ako at masasabi ko na mga kilalang tao ang nandito. Abala ako sa pagtingin-tingin kaya nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko.

"Hello Ate Panda!" masayang sabi ni Ysa at agad na niyakap ako. Pagkalayo nito sa akin ay pinasadahan ko ng tingin ito mula ulo hanggang paa. Mabuti na lang at medyo nahawakan ko ang baba ko kundi bumaba ito. Ang ganda ganda at sexy ni Ysa sa suot nitong red cocktail dress. Pero mas nagulat ako sa ikli ng buhok nito at sa pilat sa may pisngi nito.

"Hi Ysa! Kumusta ka? Buti nandito ka at least may kakilala ako." nakangiting sabi ko dito. Ngumiti naman ito at umupo sa tabi ko.

"Inivite din ako ni Nikey Baby." simpleng sabi nito.

"Speaking of Nike, nasaan nga pala yun?" tanong ko dito. Sasagot na sana ito ng biglang nagdilim at may spotlight na tumutok sa stage. Isang lalaki ang nakatayo dun.

"Hello everyone. Ladies and gentlemen. Welcome to the Annual Party and New Product Release of the Sotelo-Romuez Group." unang sabi nito. Nagpalakpakan naman kami. Palingon-lingon naman ako at hinahanap pa din si Nike.

Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon