KN.17

49 3 12
                                    

Chapter 17



NAKASANDAL ako sa railings ng yate at ninanamnam ang sariwang hangin at syempre ang kagandahan ko--- walang halong charot yun. Pero syempre ang pakiramdam na nasa tabi ko si Nike. Wala ang asungot na si Liza dahil na din sa pinatawag na ito ng boss nito. Good for me. Bad for her.

Tumingin ako kay Nike. Nakapatong ang mga braso nito sa rails. Nakabukas ang polo nito at hinahangin. Mula sa mamacho nitong mga braso. Sa eight pack abs nito. Sa buhok nito na hinahangin. Dahan-dahan sa mukha nito. At mabilis na bumalik na lang ang mga mata ko sa asul na kalangitan.

Hayaya pag-ibig, nakakabaliw... ng mata...

"Nag-eenjoy ka ba, Panda?" biglang tanong naman ni Nike at agad na bumaling ako dito.

"Oo naman. I mean, super enjoy nga ako." masayang sabi ko and flashing my ohh so white pambato sa toothpaste commercial na mga ngipin. Tumango lang ito at tumingin sa karagatan. Ignoring my flashy smile. Napanguso naman ako. "Ikaw ba, nag-eenjoy na kasama ako?"

Mabilis na tumingin ito ng tuwid sa aking mga mata. "Syempre, Panda. Masaya ako na kasama kita. Alam mo bang ikaw lang ang inaya ko na sumakay kay Neptune?" Kumabog ang dibdib ko. Napatuwid naman ako at umayos ng tayo. Nagflip muna ako ng mala model so commercial ng shampoo at ipinatong ang siko ko sa rails at nagpangalumbaba. 

"Talaga?" at pinapungay ko pa ang mga mata ko. Mabilis naman na tumango ito. Mas lalong lumaki ang ngiti ko. Pero agad na napasimangot din ako ng may maalala ako. "Bakit nandito si Liza kanina? Inimbitahan mo din ba siya?"

Umilin si Nike. "Hindi ko din alam bakit siya nandito kanina. Baka nung nakita niya si Bruno sumabay na siya dito." paliwanag nito. Napatango lang ako. Napayuko. Ano nga naman ang karapatan ko an magreklamo. Yate naman ito ni Nike. Siya naman ang magdedesiyon kung sino ang gusto nito imbitahan.

Naramdaman ko ang hinlalaki nito sa baba ko at masuyo na tinaas ang mukha ko. "Galit ka ba, Panda? Wag kang mag-alala. Sa susunod wala na ibang makakapunta dito kundi ikaw lang." 

Hindi ko man mapigilan pero nakaramdam ako ng kilig sa sinabi nito. Talaga kasing parang pinaramdam nito sa akin na napakaespesyal ko para dito. Ayaw man umasa ng napakabusilak kong puso, hindi ko naman mapigilan na hindi mahulog kay Nike.

Oo na. Aaminin ko naman. Dati talaga yung mga gwapo na macho ang tipo ko. Syempre sa ganda at sexy na taglay ko, kailangan yung medyo abot lang sa level ko ang dapat na partner ko kasi nga mas mataas pa din naman dapat ako kasi nga highest level talaga ang kagandahan na taglay ko at walang makakapantay doon.

Pero kung sa highest level lang din ng kagandahan at kasexyhan ang pag-uusapan, syempre mag-iisip pa ba tayo ng iba dyan? Walang iba kundi ako na yun. May pagdududa pa ba? Syempre walang wala. As in zero yan.

Pero kung sa kabutihang loob, lampaso ako ni Nike doon. Kanyang-kanya ang korona. Kaya siguro kahit anong nakikita sa mata, iba ang nakikita ng puso ko.

"Panda? Tami?" tawag pansin ni Nike. Napakurap naman ako. Kanina pa ba ako natulala kay Nike? My gaasss at talagang natutulala na ako kay Nike.

"Uhm. Sorry. Were you saying something?" Ohh di ba bigla akong napa english na di ko na din alam kung tama o mali ba ang sabi ko.

"Sabi ko, may nabalitaan ako na magbubukas na ang beauty pageant na Binibining Pilipina para sa taong ito. Tinatanong ko kung gusto mo sumali---" Hindi na nito natapos ang sasabihin ng bigla na lang ako tumili. "Hala siya sinapian na ata." mahinang bulong ni Nike.

"Oh my geee! Hindi na dapat pa tinatanong yan kasi sasali ako dahil alam ko sa sarili ko na ako na ang ang rerepresenta sa minamahal kong bayang sinilangan na pinagmulan ng isang dyosa na katulad ko!" puno ng kumpiyansang sabi ko. Aba natural lang. Sabi nga nila kung ano gusto mo, dapat claim it na.

Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon