Chapter 18
HINILOT HILOT ko ang mga binti ko na masakit. Mula pa umaga hanggang ngayon hapon ay nag-eensayo kami sa pagrampa. Suot suot pa din ang ubod na taas na takong na sapatos na binili ko. Hindi ko muna gagamitin ang bigay ni Nike at sa mismong araw ng pageant ko na lang mismo isusuot ang mga ito. Syempre sa nakalulang presyo ng mga ito ay talaga naman na iniingatan ko yung tipong hanggang ngayon ay nasa kahon pa din at nasa loob pa din ng dust bag nila at nilagay ko pa sa tabi ko mismo para lang masiguro na okay ang mga ito.
"Panda! Gusto mo ng ointment? Tubig?" agad na tanong sa akin ni Nike pagkalapit nito sa akin. Napangiti naman ako sa itsura nito. Nakasimpleng t-shirt at pants lang ito na tinernuhan ng sneakers. May mga supot din itong dala at isa-isa na nilabas ang mga dala nito.
"Tubig na lang, Nike. Thank you." nakangiting sabi ko at inabutan ako nito ng isang bote ng mineral na water. Agad na ininom ko ito sa pagod ko kanina. Kinuha naman nito ang panyo sa bulsa nito at pinunasan pa ang nasa noo ko. Ngingiti ngiti naman ako habang tinitignan ito. Oo at matangkad naman si Nike pero dahil sa suot kong heels ay medyo mas mataas ako dito kaya naman taas talaga ito ng braso mapunasan lang ang noo ko.
Kung titignan kami, mukha kaming magjowa na talagang naka alalay ang boyfriend sa mala dyosa niyang girlfriend. Alam ko naman na di kami ni Nike. Pero talagang kinikilig ang dyosa cells ko!
"Grabe yung kay Tami noh? Ang swerte niya." rinig kong bulungan ng ibang mga tao doon. Oo naman at swerte ako kasi nga si Nike ang---
"Ang sipag ng P.A. niya. Talagang asikaso na asikaso siya sa lahat ng bagay." sabi nito. Lihim na napasimangot naman ako. Yun ba ang tingin nila kay Nike? P.A, ko lang?
"Baka naman boyfriend niya yun?" sabi naman ng isa pa. At talagang napangiti naman ako. Aba sa wakas may nakaisip na siguro boyfriend ko siya at---
"Pero imposible eh. Sa ganda niya? Tapos mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang boyfriend? Literal na beauty and the beast sila? Sinayang niya ang lahi kumbaga sa kanin na ehh mas gusto yung palay pa tapos mukhang kababaon lang sa lupa." komento pa ng isa at mga nagsitawanan pa sila at naglakad na palayo. Matalim ko silang tinignan.
"Kung makapagsalita sila akala mo ang gaganda nila di hamak naman na mga chaka." ngitngi
"Okay ka lang, Panda?" alalang tanong ni Nike sa akin. "Simangot na simangot ka. Sige ka papangit ka, hala ka." pananakot nito sa akin. Tinakpan ko naman ang bibig ko at muntik ng tumawa dito.
Ako pa talaga ang sinabihan nitong si Nike. Ehh hello! Nakasimangot o hindi o kahit ano pa ang ekspresyon ko, mananatili akong dyosa!
"Ohh ngayon naman tatawa tawa ka dyan." takang sabi pa nito. "Ikaw ba ay dating takas sa mental?"
Bigla naman akong tumawa. Nababaliw na nga ako. Dahil ito ako simpleng bagay lang natutuwa na ako basta galing kay Nike.
"Baka nga." naiiling na sabi ko. Mukha naman itong nagulat sa sinabi ko. Kahit ganyan ang mukha Nike natutukoy ko na ang expression nito kasi yung iba akala kasi di nagpapalit ng ekspresyon ang mukha nito eh.
"Hala! Paanong nandito ka kung takas ka?" Lumingon lingon sa paligid at hinatak ako sa likod ng isang upuan. "Lika tago tayo. Baka may makakita sa'yo at isumbong ka. Lalaban ka pa sa pageent!" nababahala ito at di mapakali. Napailing na lang ako dito. Kinalabit ko ito sa balikat at lumingon sa akin. Niyakap ko naman ito.
"Okay lang ako, wag ka masyado mag-alala dyan, Nike." sabi ko habang nakayakap dito. Naramdaman ko naman ang paghagod nito sa likod ko.
"Sigurado ka?" tumango ako dito. Lumayo ako at ngumiti dito. Tumayo ako at nilahad ang kamay ko para makatayo ito.
BINABASA MO ANG
Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.
ChickLitMusic and Lyrics #2 Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sayo Hindi alam kung ano ba ang nadudulot dulot nito Hindi ka naman gwapo Macho, 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y oo oo Sabi ng barkada, wag nalang daw sana Ngunit sabi ng puso'y oo oo...