Ang Simula

276K 6.5K 3.2K
                                    

Pikit mata kong sinalubong ang mahinang ihip ng hangin dito sa gitna ng kagubatan ng Zhepria.

Sa gitna nang nagtatayuang matataas na puno, dito ako nagpapalipas ng oras. Di ko alintana ang sakit ng mga binti ko kakalakad makarating lang dito. Maging ang mga mababangis na hayop ay di ko rin pinagkakaabalahang isipin. This is my safe zone. Mount Zenda. Sa bundok na ito ako halos namamalagi. Umuwi lang ako tuwing gusto at namimiss ko na ang pamilya ko. Ayos lang naman kila lola ang mamalagi ako dito sa Mount Zenda. Sabi pa nga niya ay para masanay ako at para na rin mahasa ko ang attribute na mayron ako.

Wind.

Iyan ang meron ako.

Kapangyarihan ng hangin. Kapangyarihang di ko alam kung saan nanggaling, kung saan nagmula.

Ayon sa kuwento nila Lola sa akin, lahat ng naninirahan sa bayan ng Zhepria ay may ganitong kapangyarihan, kapangyarihan ng hangin. Natural sa isang Zheprian ang magkaroon ng ganitong kapangyarihan.

Nababase rin sa lakas ng attribute na taglay namin ang estado nang pamumuhay na mayroon kami dito sa Zhepria. Kung may malakas kang taglay na attribute, malamang nasa mataas ka na uri ng mamamayan ng bayan na ito. At ayon na rin sa mga impormasyong sinabi nila lolo at lola sa akin, may tatlong uri ng lebel ang mayron dito sa bayan ng Zhepria.

Una, ang Ynus o ang pinakamalakas na uri. Sila ang mga mararangyang tao ng bayan namin. Sila rin ang mamumuno sa bayan at ang nagpapanatili sa kapayapaang mayroon ang buong Zhepria.

Ang Lerna o ang pangalawang uri. Hindi mahirap pero hindi rin kasing lebel ng mga Ynus. Kung baga, nasa gitnang lebel o uri ng mamamayan sila. Ang iilang miyembro ng Lerna ay sikat na negosyante sa sentro ng Zhepria. Sila ang bumubuhay sa kalakalan ng buong bayan.

At ang huling uri, ang Randus. Mahina sa lahat nang mahihinang uri. Ang pinakamababang uri na mayroon ang Zhepria. At sa pagkakaalam ko ay ganoon din ang mga uri sa iba pang bayan ng Tereshle, ang Aundros, Lynus at Enthrea. Ang tatlong uri na iyon ang bumubuo sa apat na bayan ng Tereshle.

Kami? Nasa Randus na uri kami nabibilang. Mahina sa lahat nang mahihina. Ang pinakamababang lebel ng mamamayan sa Zhepria. Mahina. Walang binatbat.

Well, iyon ang alam nila. Iyon lang.

Palakasan ang usapan para makaangat ka sa buhay. Kung di mo kayang palakasin ang attribute na taglay mo, magtitiis kang mamuhay sa pinaka-simpleng pamamaraan. Kung papalarin kang maging malakas, puwes, aangat ang estado mo sa Zhepria at maging sa buong Tereshle.

"Althea!"

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Rhea. Matalik kong kaibigan dito sa Zhepria. Humahangos itong lumapit sa gawi ko. Malamang napagod ito kakaakyat dito sa Mount Zenda.

"Nasa plasa na ang mga represante ng Academy! Tara na't baka di tayo makahabol. Sayang ang pagkakataong na to, Althea! Minsan sa limang taon lang ito nagaganap sa apat na bayan ng Tereshle! Bilis na!" mabilis na wika nito sabay talikod sa akin at nagmamadaling bumaba ng bundok.

Napangiti ako.

Sa wakas, matutupad ko na ang matagal ko nang pangarap.

Itinaas ko ang aking isang kamay. Ramdam ko ang enerhiyang nananalaytay dito.

Tereshle Academy.

Ngayon ay makakapasok na rin ako dito. At titiyakin kong ipapakita ko sa lahat kung ano ang kaya kong gawin.

A/N:

Hello!

Ngayon palang ay magpapasalamat na ako dahil binigyan mo ng time ang story ko na to. Hindi po ito perfect, marami po itong flaws. And I'm sure may iilang grammatically error. But still, alam ko pong mag eenjoy kayo.

Happy reading everyone!

Much love,

Ladyaries

P.S. I'm currently editing the whole story. Thank you so much!

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon