"Magpahinga na kayo. Bukas na tayo mag-usap, kids. Go. Take some rest."
Matapos akong pagalingin ni Sheprid kanina ay inanyayahan niya kaming maghapunan. At ngayon naman ay pinapagpahinga na niya kami. Bukas na daw naming pag-usapan ang pakay namin na sa tingin ko ay mukhang alam na naman yata niya.
Tig-iisa kami ng kwarto. Maliit lang ito kumpara sa kwartong mayron kami sa academy. Pero kong tutuusin, mas komportable ako sa ganitong environment. Mas simple, mas maganda. Mas sanay ako sa ganito.
Nahiga na ako sa kama. Gusto na ng katawan ko ang magpahinga, pagod na pagod ako sa naging paglalakbay namin kanina. Idagdag pa ang naging laban ko sa mga taga-Aundros. Pagod ako ngunit ang diwa ko ay gising na gising pa. I closed my eyes. Silence filled the room and somehow, I find it relaxing.
Ilang minuto na ang lumipas mula ng nahiga ako at ipinikit ang mga mata ko pero di pa rin ako nakakatulog. Iniisip ko pa rin ang mga salitang binitawan ni Sheprid kanina sa akin.
May gusto ng kapangyarihan ko? Sino naman sila? At bakit ako? Di lang naman yata ako ang mayroong ganitong attribute, ah! And I bet Sean and the rest of Shendra are much way better and stronger than me, duh!
Napatampal ako sa noo ko. Oh, shit! I freaking want to sleep.
'Please, do take care of yourself, woman. Alam kong naririnig mo ako ngayon kaya ako na ang nakikiusap sa'yo. Kunting ingat naman. Be safe kung ayaw mong may nag-aalala at nakikialam sa'yo.'
Napatigil ako noong marinig ko ang boses ni Sean. Here we go again. Talking to me through his thought.
'Sleep now, Althea.'
Napangiti ako sa narinig ko. Di ko alam pero para akong robot na napasunod ni Sean sa nais niya. Agad akong nakaramdam nang antok at nakatulog.
"So, the Academy wants me back, huh?" nakangising wika ni Sheprid sa amin. Maaga pa lang ay gising na kaming lahat. Habang kumakain kami ay napag-usapan na namin ang tunay na pakay namin sa kanya.
"Yes, Master. Di namin alam ang dahilan kung bakit. Basta kailangan ka pong sumama sa amin pabalik sa academy," paliwanag ni Sydney dito.
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. I hope pumayag si Sheprid. Gusto ko na rin kasing makauwi. May dalawang araw pa kami to do our punishment pero mas okay sana if matatapos na ngayong araw ito. I sighed.
"I know this day will come. Pero di ko inaasahang mas mapapaaga pala," sambit ni Sheprid. Narinig ko ang buntong hininga niya. "Gusto ko sanang sumabay sa inyo pabalik ng academy, but I'm afraid I can't, kids."
Napa-angat ako ng tingin at napabaling kay Sheprid dahil sinabi niya. No way! Kabilin-bilinan ni Ma'am Laureen at Sir Rocky na huwag kaming babalik sa academy kung hindi kasama ang wizard na ito. Shit!
"But Master, we would like to inform you that this is not our mission, but this is a part of our punishment. We'll wait," seryosong turan ni Sean na ikinailing ko.
"Pero tatlong araw lang ang mayroon tayo, Sean. At pangalawang araw na natin ngayon," sabat ko sa usapan.
Napatingin silang apat sa kin. Kanina pa ako tahimik at nakikinig lang sa usapan nila. Mukhang hindi nila inaasahang magsasalita at makikigulo ako sa kanila.
"Hihintayin natin si Master Sheprid. Mas lalo tayong pagagalitan kong bumalik tayo na di siya kasama," mahinahong wika niya. Nakatingin lamang ito sa akin, like his usual expression, of course!
No hell way! Ilang araw pa kaming mamamalagi dito kung ganoon?
"Well, if you'll wait for me, then bukas na bukas din ay aalis tayo. May kailangan lang naman akong kumpirmahin," wika ni Sheprid na kinakunotan ko ng noo.
BINABASA MO ANG
PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]
FantasíaKingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangarap na ni Althea ang makapasok sa Tereshle Academy, ang nag-iisang paaralan kung saan sasanayin at pap...