Napahawak ako sa ulo ko noong biglang sumakit ulit iyon. Crap! Kulang na kulang talaga ako sa tulog!
Madaling-araw na kasi akong natapos kakabasa ng librong nakita ko sa library, iyong 'Creation'. Di ko iyon tinigilan kagabi hangga't di ko natatapos. Timing naman na di puwedeng humiram ng libro sa library kaya no choice ako kundi gamitin ang special ability ko para lang makapagbasa ako. At iyon nga, halos magpakita na ang araw noong matapos ko iyong basahin.
I checked the time, one in the afternoon. Damn! Inaantok pa talaga ako!
Humiga ulit ako sa kama ko. Wala na roon sa Rhea sa kwarto, malamang abala na naman ang isang iyon. Doble ang pag-aaral at pageensayo ang ginagawa ng kaibigan ko. She wished to be on a higher rank. She always dream of it.
Creation. Attribute. Special Ability. Magic.
I smiled. Ngayon di na magiging boring mga susunod na araw ko dito sa Academy.
Mariin akong pumikit at pinakiramdaman muna ang ulo ko. Medyo kumikirot pa ito dahil sa kakulangan nang tulog. Maging ang mga mata ko ay ramdam ko ang hapdi nito. I sighed. Dahan-dahan akong tumayo sa kinahihigaan ako. Without second thoughts, I took a quick bath. Mabilis akong kumilos at noong matapos ako ay lumabas na ako sa kwarto. Ni hindi pa ako nakakapag-agahan at tanghalian ngayon but heck, I'm excited kaya mamaya na lang ako kakain. It can wait!
Pakalat-kalat ngayon ang mga estudyante. Six days to go, foundation day na ng academy. Talagang walang pasok ngayong week at todo ensayo na lang ang ginagawa ng mga estudyante.
Tumungo na ako sa training room ng klase namin. Pagkabukas ko roon ay agad akong may naramdamang kakaiba sa loob ko. I touch my chest then scanned the place. Noon pagbinubuksan ko ang pintong ito ay agad kong makikita ang ngisi ni Joseph, ang malditang pagmumukha ni Sydney at ang cold and deadly stares ni Sean. Ngayon. Wala. I feel alone. Empty. Again.
I sighed.
Now, I'm totally fucked up! Napasok na talaga nilang tatlo ang sistema ko! Damnit. Nice, Althea. Nice!
Tuluyan na akong pumasok sa training room. Kailangang kong magfocus. I don't need some distraction today. I need to perfect that skill.
I need to.
Five days. Limang araw na lang at foundation day na. Lalong naging abala ang lahat dahil doon. Maging sila Ma'am Laureen at Sir Rocky ay mukhang abala na rin. Di ko kasi sila nakikita na pakalat-kalat sa academy.
Hinihingal akong napaupo sa sahig ng training room. Ito ang pangalawang araw ng pag-eensayo ko. Gamit ang mga impormasyong nakuha ko sa librong Creation ay unti-unti kong nakukuha kong paano gawin ang skill na iyon. Pero, hell, ang hirap pala. Halos kapusin ako nang hininga pag isinasagawa ko iyon. Mas nahihirapan pa ako dahil mas sanay akong pinapalabas ang buong lakas ko. Dito, kailangan kong makontrol nang husto ang attribute na mayroon ako kung talagang nais kong maperfect ang skill na ito.
I sighed.
Napatingin ako sa mga kamay ko. May mga sugat at galos iyon. Kung makikita ito ngayon ng tatlo malamang mamumura na naman ako nang mga iyon. Sasabihan na naman nila ako tungkol sa pagiging reckless ko at ...
Agad akong natigilan sa mga naiisip ko. I took a deep breathe. Kailangan kong mag concentrate at magfocus dito. Come on, Althea. Focus!
Four days. Apat na araw na lang nang paghahanda para sa event ng academy. Di ko na rin halos makausap si Rhea. Seryoso talaga siya sa pagsali sa competition.
"Ahhhhhhh!"
Sigaw ko nang maramdaman ko ang nanunuot na sakit sa katawan ko. Hell! Mas mahirap talagang gawin ito. To perfect this skill, I need more than a concentration and focus here. And it's my stamina! Bigla akong napaluhod sa sakit na namamayani sa katawan ko. Shit! I think kailangan ko nang ipahinga ang katawan ko. Mukhang naabuso ko naman ang katawang ito.
I groaned with the pain. Crap! I'm beaten!
Di ko namalayan ang mabilis na paglipas ng araw. Naging busy ako sa training room at buong araw na nag-eensanyo. Lumalabas lang ako doon kapag pagod at matutulog na at pagkagising ko ay deretso naman ako ulit doon. Ni pagkain ay nakakaligtaan ko na rin. Iyon ang naging routine ko sa nagdaang araw.
Nagising ako dahil sa tili ni Rhea sa loob ng kwarto namin. Today is the foundation day here at Tereshle Academy.
"Holy, Althea! Anong nangyari sa mga kamay mo?" histerikal na tanong niya sabay hablot ng kamay ko. Napapikit ako noong maramdaman ko ang kirot mula roon. Damnit! Rhea!
"Ano bang pinag-gagagawa mo habang abala ako para sa kompetisyon ko? Hah? Look at your hands! Ang daming sugat! And worst, namamaga siya, Althea!"
"Rhea, tone down your voice please," pakiusap ko sa kaibigan ko pero mukhang di niya ako pinansin. Lalong lumakas ang boses niya habang pinapagalitan ako dahil sa nangyari sa mga kamay ko.
"Althea naman, pinapabayaan mo na naman ang sarili mo! Nagsisimula ka na naman sa habit na yan," napasimangot ito at marahang hinaplos ang kamay ko. Ngayon ay mas mahinahon na ito habang nakatingin sa mga sugat ko.
"I'm fine, Rhea," sambit ko sabay tayo sa kinahihigaan ko. "By the way, goodluck pala. I'm sure you'll impress the judges later," nakangiting turan ko dito.
Rhea sighed then look at me.
"Thanks, Althea. But first, let's heal your hands. Di ako makakapag focus mamaya if alam kong ganyan ang kalagayan mo. Come on. Mag-ayos ka na. Sa labas lang ako maghihintay," sambit niya sabay labas sa kwarto namin. Napakagat na lamang ako ng labi at sinunod ang gusto niya. Iyon din naman talaga ang plano ko ngayong araw, ang magpahinga at magpagaling lang. Wala akong planong manuod nang laro dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.
"Miss Magnus, ilang araw kang nagtraining at naging ganito ang mga kamay mo?" tanong ng nurse sa akin. Tahimik lang akong nakamasid sa kanya. Nasa clinic na kami ni Rhea ngayon at dahil wala ang head nurse ngayon sa clinic, di agad magagamot ang sugat ko. Nilinisan lang ng available na nurse ang mga iyon at binalot ng puting tela. It was alright, though. Bahagyang nabawasan ang kirot sa kamay ko.
Nagpasalamat na kaming dalawa ni Rhea noong matapos na ang nurse sa akin at nagsimula nang maglakad patungo sa pinaka-arena ng Academy. Nagkibit-balikat na lamang ako at hindi na lamang umimik.
This is it. The most awaited event of the year.
"Gosh! Kinakabahan na ako."
Napalingon ako kay Rhea noong magsalita siya. I can hear her heartbeats here. Ang bilis nito. Kinakabahan nga talaga siya.
"Don't be. You're one of the best wind attributer I know," sambit ko dito.
Napatawa naman siya sa sinabi ko.
"Joke iyon, Althea? Ako lang kaya ang kaibigan mo sa Zhepria kaya malamang ako lang ang kakilala mo na wind attributer, noh."
"Nah," umiling ako dito at tinapik ito sa balikat. "You're good, Rhea. At alam kong kaya mong maging one of the best of Zhepria," nakita kong napangiti siya sa sinabi ko. Alam ko ang kakayahan ni Rhea. She might not be strong as I am, I know she can be a powerful attributer someday.
"Oo na. Ikaw ang pinaka the best and I'm the second best! Ang cool!" masiglang wika nito at kumapit sa braso ko. Now, I know she's fine. She's calmer than earlier. I wonder kong ano ang gagawin niya mamaya.
"Althea!"
Bigla akong napalingon sa tumawag sa pangalan ko.
I frozed when I saw three familiar faces. Si Joseph ang tumawag sa pangalan ko. Napakunot ang noo ko dito. Kumakaway pa ito habang nakangiti sa akin. They're walking towards us now. Agad kong ipinasok ang dalawang kamay ko sa bulsa ng vest ko at sinalubong ang tatlo ng blankong ekspresyon. Mahirap na. Pagagalitan na naman nila ako nito kung malaman nila ang ginawa ko.
I sighed.
They're back.
BINABASA MO ANG
PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]
FantasiKingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangarap na ni Althea ang makapasok sa Tereshle Academy, ang nag-iisang paaralan kung saan sasanayin at pap...