Palinga-linga ako sa paligid.
Pamilyar saakin ang lugar ngunit di ko matandaan kong saan ko ba ito nakita. Nasa tapat ako ngayon ng isang bahay. Malaki at luma na ito.
Nasaan na naman ba ako?
Kanina pa ako litong-lito sa nangyayari. Ang tanging natatandaan ko lang ay nasa opisina ako kasama sila Sean at maging sila Sir Rocky. But right now? Where the hell am I?
Bigla akong natigil noong may maalala ako.
My necklace. The pendant. Memories. Dispell. Seal.
Nag-angat ako ng tingin sa bahay na nasa harapan ko.
Don't tell me ito iyon? Yung memories na sinasabi nila sa akin. Yung batang Sophia.
Si Sean.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Hindi maari. Hindi pwede.
Agad akong napatingin sa pinto nang bahay noong may nakita akong pamilyar lalaking pumasok don.
Si Sheprid!
Agad kong sinundan si Sheprid at laking gulat ko noong makita ko sila Lola at Lola doon. Nasa sala sila. Dumapo ang paningin ko sa batang si Sophia na tahimik na nakahiga at natutulog. At halos mapamura ako noong makita ko si Benedict Stone kasama ang asawa nito! Stone! Sila yung namamahala sa buong Zhepria. Ang pamilya nila ang representante sa Council ng Kingdom of Tereshle.
Anong ginagawa nila dito?
"Sheprid, gawin mo ang dapat mong gawin." malungkot na turan ni Benedict Stone kay Sheprid. Tahimik lang ang asawa nito sa tabi habang hinahaplos ang mukha ng anak.
"Benedict, di kaya mas mahihirapan si Sophia kung ilalayo niyo siya sa puder ninyo?" tanong ni Sheprid sa kay Benedict Stone.
Ilalayo si Sophia? Bakit? Ang bata-bata pa niya!
"Ayaw ko man pero ito na lang ang tanging paraan, Sheprid. Hindi pa namin tukoy ang mga espiya at kaaway na nakapalibot ng Zhepria. Ang itago sa ligtas na lugar ang tanging taga-pagmana ang siyang mayroon ako sa isipan," paliwanag ni Benedict Stone dito.
Malungkot kong binalingan ang batang si Sophia.
"Sa tingin mo ay magiging ligtas siya? Alam mo kung anong mayron ang anak mo. Hindi siya isang simpleng attributer lang!" ani pa Sheprid.
"Alam ko iyon," sambit muli ni Benedict Stone sabay tingin sa anak na natutulog. "Pero hindi ko siya kayang ibigay sa Council para sa pansariling interes nila. Hindi ko kaya."
Napatigil ako. Pansariling interes ng Council? Ano bang mayron kay Sophia? Come on, she's just a kid!
"Fine, I'll do it." pinal na turan ni Sheprid. "Mawawala lahat ng memorya niya at maibabalik lamang ito kung ako mismo ang magdispell nito."
Tumango lamang si Benedict Stone samantalang umiiyak na ang asawa niya sa tabi nito. Tahimik lamang sila Lolo at Lola. Mayamaya pa'y lumapit na si Sheprid kay Sophia. Then he enchant something. Few minutes later ay natapos na ito.
"The princess of Zhepria is now gone," wika ni Sheprid at bumalik nang puwesto niya kanina.
"Althea. From now on, her name is Althea."
Rinig kong sabi ng ina ni Sofia. I frozed. Did she just said my name?
No!
Maingat kong ibinukas ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang di pamilyar na silid. Where am I?
I sighed and stare blankly at the ceiling.
Sophia.
Ako si Sophia Stone.
Taga pagmana ng trono ng bayan ng Zhepria.
Hindi ako si Althea.
Napahawak ako sa pisngi ko. Tears! Hindi na ako naglakas loob na pigilan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. They wanted to flow, so I'll let them. Tahimik akong umiiyak sa silid. Ni hikbi ay walang kumawala sa labi ko. Tanging luha lang sa aking mga mata ay mayroon ako ngayon. Ni hindi ko alam kung para saan ang mga luha na ito. Para sa mga alaalang bumalik sa akin o dahil sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam.
I feel betrayed. A thousand times.
Buong buhay ko akala ko ako si Althea Magnus. Taga Zhepria. Isang Randus. Naghirap ako sa loob ng sampung taon. Tapos ngayon malalaman kong ako si Sophia Stone. Ang tinuturing prinsesa ng bayang kinagisnan ko! Wow! What a slap to me!
Si Lolo at Lola, no, hindi ko sila kaanu-ano. They we're the best Zheprians we have in our mansion. Noon pa man ay palaging kasama na sila ng ama ko, si Benedict Stone. Pinaka-pinagkakatiwalaan kaya marahil sa kanila niya ako hinabilin. Kaya pala malakas sila. Takang-taka pa ako noon. Malakas silang wind attributer pero bakit nasa Randus na lebel lang sila? Ang galing nilang magtago. Ni hindi man lang ako nagtaka. All I knew was they wanted a simple life. At iyon nga ang mapabilang sa mahihina at mahirap na Randus. Low profile, it is!
I put my right hand on my chest. My heart feels like it has a knife stab on it. Masakit! They lied to me. Hindi ko matanggap ang katotohanang tinanggal nila ang memorya ko para lang iligtas ako. Shit!
Si Sean, Sydney at Joseph. Mga matatalik kong kaibigan noon pa man. Alam kaya nila ang nangyari sa akin? Malamang! Idea ni Sean ang ibalik na ang alaala ko. Malamang may alam sila at di nila sinabi sa akin the moment na nakita nila ulit ako sa Zhepria!
I calm myself noong may narinig akong mga yapak na palapit sa kwartong inuukupahan ko. I even hear them talk. Shit!
Ang tatlo!
I immediately close my eyes the moment they entered the room.
"Kailan kaya gigising si Althea? Grand Ball na mamaya." rinig kong sambit ni Joseph.
Grand Ball? So, it means apat na araw na ang nakalipas noong nangyari? Noong dinispell ni Sheprid ang seal sa kuwintas ko!
"Sana naman okay lang siya. Sana maalala na niya ang lahat," mahinang wika naman ni Sydney. "Ang hirap kayang pigilan ang sarili kong huwag magdaldal sa kanya," pahabol pa nito.
Kaya ba tinatarayan mo na lang ako instead na sabihin sa akin ang totoo?
"Let's go," rinig kong sambit ni Sean. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Para itong lalabas sa rib case ko! Ang boses niya. Noon pa man ay iba na ang turingan namin sa isa't-isa. Something special. Mga bata pa kami noon kaya di ko alam kung ano iyon. But right now? I think I can name it already.
"Pero kararating lang natin, Sean. Dito lang muna tayo," angal agad ni Sydney.
"No. Darating ang pamilya natin. Pati ang malalaking miyembro ng Council. We only have an hour to prepare. Let's go," sambit ulit ni Sean. Mas inigihan ko ang pagpikit ko. Ramdam ko na may tumititig sa akin. I know it's him.
Hanggang makalabas sa kwarto ang tatlo ay nanitili akong nakapikit. Ilang minuto pa ay napagdesisyunan ko nang dumilat.
Grand Ball. Nandito ang Council. My father is a member of the Council. They're here.
Now what? What to do, Althea?
Agad akong natigilan sa pag-iisip. I sighed.
Althea.
Right! I am Althea Magnus! Matagal nang wala si Sophia Stone! Matagal na nilang binura kung sino si Sophia Stone!
The Sophia Stone of Zhepria is long gone.
Long gone!
BINABASA MO ANG
PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]
FantasyKingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangarap na ni Althea ang makapasok sa Tereshle Academy, ang nag-iisang paaralan kung saan sasanayin at pap...