Kabanata 21: Memories

83.9K 3.4K 203
                                    

Kita kong natigilan si Sean noong banggitin ko ang pangalan niya. Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Litong-lito na ako. I need a freaking break from all of this!

"Principal Tyler," rinig kong wika ni Sean. Please, Sean.

I heard him sighed.

Mukhang nagdadalawang isip siya sa kung anong sasabihin niya.

"Sean, huwag mong sabihing di natin itutuloy ito? Like what you've said earlier, it's time. Wala na tayong ibang choice para matigil pa ang pag-atake nila kay Miss Magnus."

Nakatingin lang ako sa kawalan. Pagod na ako. Tama na ang nangyari ngayong araw sa akin. Gusto ko nang lumabas sa silid na ito. Alam kong wala na ang kapangyarihan ni Sheprid sa akin pero ayaw gumalaw ng katawan ko! Damn it!

"She's not ready," ani ni Sean na siyang lalong ikinalito ko. Ready? Ready for what?

"Look, Sean. Ikaw na mismo ang nagsabing mas lalong naging determinado ang mga Eiwerds na makuha siya," ngayon ay maging si Sir Rocky ay nakisali na sa usapan.

Eiwerds! Sila na naman!

I'm totally drained right now! Gusto kong sumingit na rin sa usapan pero ayaw sumunod ang katawan ko sa nais ko!

"But she's not ready!" Sean hissed. This time I closed my eyes. Inipon ko lahat ng natitirang lakas ko para makapagsalita.

"What do you want me to do?" I asked. Natigilan silang lahat. I stare blankly to them. "Come on, tell me para matapos na ito."

"Sheprid. Tell her," utos ni Principal Tyler. Tumango naman si Sheprid saka lumapit sa akin. Pagod ko siyang tiningnan. Do it, wizard. Para matapos na!

"Press the pendant, Miss Magnus. I'll dispell the seal," anito. Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Seal? What seal?

"Do it, Miss Magnus," utos nitong muli sa akin. I sighed. I guess I don't have any other choice here. Do it, Althea. Just do it!

I closed my eyes then pressed the pendat. I heard Sheprid enchant something. Ilang minuto pa ay bigla akong nanghina. Shit! What's this? Nanatiling nakapikit ang mga mata ko hanggang sa halos mawalan ako nang balanse. Damn!

I gasped for an air. Kinakapos ako ng hininga!

"Shit! Althea!"

Rining kong tawag ni Sean sa pangalan ko. I wanted to open my eyes but I can't, nanghihina na talaga ako! Bigla akong napaluhod dahil sa kawalan ng lakas. Patuloy pa rin si Sheprid sa ginagawa niya hanggang mawalan na ako ng malay.

"SEAN!"

Napatingin ako sa batang babaeng tumawag sa lalaking nag ngangalang Sean. Wait! Sean? Agad akong napatingin sa lalaking tinawag ng batang babae.

The hell! Si Sean nga! Ang bata pa niya. Sa tingin ko ay sampung taong gulang pa lang ata itong Sean na ito. Nakangiti itong nakatingin sa batang babae. His smile. He never smile at me like that. He never did.

"Sophia," banggit nito sa pangalan ng batang babae. Sophia? So, this is Sophia?

Nakangiting lumapit si Sophia kay Sean. May dala itong mukhang lalagyan ng pagkain. Napatingin ako sa kabuuan ni Sophia. She's pretty. Bata palang ito pero ang ganda na niya. She's wearing a gown. I looked at Sean. A tuxedo, huh? May party bang pupuntahan ang mga ito?

"Look, Sean," nakangiting sambit nito. "Galing akong kitchen and I saw this." Inabot ni Sophia ang dala-dalang lagayan ng pagkain kay Sean.

"Silly, kumuha ka na naman nito? Sophia, mayamaya ay masisimula na ang birthday party mo. Dapat di kana nagpuslit nito." Nakangiting wika ni Sean. Sumimagot naman si Sophia.

"Ayaw mo niyan?" nakangusong tanong nito kay Sean.

Napangiti ako sa dalawang bata. They're cute! I wonder kong na saan na si Sophia ngayon?

Napapikit agad ako noong makaramdam ako nang pagkahilo. The hell!

"Sino kayo?"

Agad nagmulat ang mga mata ko.

Si Sophia!

Kunot noong tiningnan ko ang tatlong lalaking nakapalibot dito. Sino sila? Kung titingnan ang mga ito ay mukhang nakakatakot. Nakangisi pa ito habang nakatingin sa batang babae. Shit!

"Wag kayong lalapit," takot na bulalas ni Sophia sa tatlo.

"Sumama ka nalang sa amin, mahal na prinsesa."

Natigilan ako. Prinsesa? Si Sophia? I looked at the little girl. Mas bata itong tingnan kay Sean at sa tansya ko ay mga pito o walong taong gulang pa lang ito.

"Di ako sasama sa inyo!" sigaw ni Sophia sabay kumpas ng kamay niya.

Wind! She's a wind attributer! In an instant, tumilapon ang tatlong lalaki sa lakas ng hanging pinakawalan ni Sophia.

I froze. That power. I know that power!

Gulat kong tiningnan si Sophia nong mawalan ito ng malay. She's so young. Di kinaya ng katawan niya ang lakas ng attribute na mayron siya.

Just like me!

Nakaramdam ulit ako ng matinding pagkahilo. Not again!

Ano bang nangyayari saakin. At nasaan ba ako? Ano itong mga nakikita ko?

Si Sean.

Si Sophia? Sino siya? Bakit ko nakikita ang mga ito?

Third Person POV

"How is she?"

Seryosong tanong ni Sean kay Sheprid. Nasa isang pribadong silid sila ngayon kung saan nakahiga ng si Althea. Ilang oras na itong walang malay. Ani pa ni Sheprid ay normal lang daw ito. Epekto ito ng pag-dispell ng seal sa memorya ng babae.

"May maalala na kaya siya pagkagising niya, Master?" nag-aalalang tanong naman ni Sydney.

"Yes, her memories will be back. Simula noong pagkabata hanggang sa panahong nawala ang memorya niya," sagot naman  ni Sheprid. "This kid really did impressed me. Noon pa man ay hanga na ako sa kung mayron siya," wika pa nito sabay tingin sa walang malay na si Althea. Mayamaya pa'y nagpaalam na ito sa tatlo na lalabas muna sa silid at sila nalang muna ang bahala sa kaibigan nila.

Tahimik nilang pinagmamasdan si Althea. Nakikita nila kung paano mangunot ang noo ng babae. She's sleeping yet may kakaibang expression ang mukha nito.

"Sean, I'm scared," mahinang bulalas ni Sydney. Tahimik lang si Sean at Joseph sa tabi nito.

"What if she ran away after she remember everything?" Sydney asked then sigh. Walang kasiguraduhan ang ginawa nila. Alam nilang di pa handa ang babae para malaman ang katotohanan. Pero wala na silang ibang pagpipilian pa. They must do something para sa kaligtasan ng babae. At isa na roon ang maalala niya ang lahat-lahat.

"I will not let that thing happen again, Syd. Matagal nating hinintay ang pagkakataong ito. Matagal din siyang itinago ng kanyang ama sa atin. And now she's with us, I'll make sure she'll stay with us," mariing sambit nito sa kaibigan.

"Paano kung bumalik siya sa Zhepria?" tanong naman ni Joseph.

Katahimikan.

"I'll go with her."

A/N:

Hello guys! Yan na! Nandito na yung twist ng story. HAHAHA Marami-rami pa po ang mangyayare, so stay tuned ! LulxD

Thanks for reading. You guys are awesome ! Hugs !

-Dyosa xD

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon