Nagkakagulo ang mga taong bayan noong madatnan ko ang mga ito sa sentro. Halos di magkanda-ugaga ang mga magulang ng mga magpapakita ng attributes nila sa tatlong representatives ng Academy.
Napatingin ako sa hawak kong bilog na papel.
143.
Ang tagal ko pa pala.
Ang masaklap ay ako pa ang huli sa lahat ng taong magpapakita ng attribute samantalang si Rhea ay pang labing-pito sa pila! Mukhang nagmadali talaga ang kaibigan ko para mauna sa numero.
Lihim akong nagmamasid sa paligid ko. Minsan lang ako mapadpad dito sa sentro at hindi ko maitatanggi ang gandang taglay nito. Lumaki ako sa bundok ng Mount Zenda at talagang hindi ako sanay sa gandang mayroon ang Zhepria.
Halos makatulog ako kakahintay na tawagin ang numero o ang pangalan ko. Gusto ko ngang kurutin ang sarili ko para lang magising ang diwa ko. I was sure na may sapat akong enerhiya ngayong araw ngunit sadyang tinamaan ako ng antok sa puntong ito.
"So, number seventeen."
Napakurap ako noong marinig kong tawagin ang numero ni Rhea.
"Show us what you've got," rinig kong wika ng isa sa tatlong prenteng nakaupo sa harap ng entablado. Agad akong napatingin kay Rhea. Halatang kinakabahan ito. Dahan-dahan itong umakyat sa entablado at puwesto sa gitna nito. Hilaw na ngiti ang ipinakita nito sa mga kaharap. Bahagyang inayos nito ang suot na damit at bumuntong hininga ito bago iginalaw ang dalawang kamay.
Naging tahimik ang lahat at nag-aabang sa gagawin ni Rhea. I know her for so long at mukhang alam ko na ang gagawin niya. In an instant, Rhea was sorrounded by her attribute. Hindi nagtagal ay lumatang na ito sa ere.
Just like what I'm expecting from her.
I smiled.
Halatang gulat ang mga taong bayan sa ipinakita ng kaibigan ko. Sino ba kasi ang mag-aakala na ang isang Randus na kagaya niya, kagaya namin ay magagawa iyon? All they know was that we're just a normal and weak Zheprian. Walang lakas. Na sayang lang ang ability na taglay at mayroon kami. They know nothing about us. Nothing.
Pagkatapos noong pagpapakita ni Rhea ng kanyang attribute ay binigyan siya ng isang puting papel ng isa sa mga kawal na nakatayo sa gilid. Tinanggap naman niya ito sabay baba sa entablado.
Halos lahat ata ng mga nagpakita ng wind attribute ay ang tanging ginawa lang ay magpalutang ng mga bagay, maliban kay Rhea na ang sarili mismo ang pinalutang niya. Iiling-iling pa nga ang tatlong represante ng Academy pagpumapalpak ang mga ito.
"Number 143," wika ng isang kawal.
Napayos ako nang upo at napatingin sa gitna ng entablado. Mukhang ako na yata ang magpapakitang gilas ngayon. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at inayos ang suot na damit.
Pansin ko rin ang titig ng mga tao sa paligid ko. Halos lahat ay kunot noong nakatingin sa akin. Marahil ay di nila ako kilala. Minsan lang talaga ako mapapad sa sentro ng bayan ng Zhepria. Palagi lang ako nasa bahay nila Lola at sa Mount Zenda which is nasa pinaka-dulong bahagi ng bayan namin.
I can hear their voices as they whisper, clearly. I smiled. Mukhang wala talaga ni isa dito ang nakakakilala sa akin maliban sa kaibigan ko.
"Hi," bati ko sa tatlong nakaupo sa harap ng entablado. Dalawang lalake at isang babae ang naroon. Mukha silang kasing edad ko lamang. Ang isang lalaki ay nakatingin sa akin, kunot noo at mayamaya pa ay biglang ngumiti ito. Ang babae naman ay tahimik na pinagmamasdan ako at ang isang lalaki ay nakatakip ang mukha ng isang sombrero at kung di ako nagkakamali ay tulog ito.
BINABASA MO ANG
PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]
FantasíaKingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangarap na ni Althea ang makapasok sa Tereshle Academy, ang nag-iisang paaralan kung saan sasanayin at pap...