"Aray! Dahan-dahan naman, Rhea!"
Reklamo ko sa kaibigan habang nakadapa sa kama. Nagpapahilot ako sa kanga ng likod ko ngayon. Ang sakit ng katawan ko! Damn! Bugbog-sarado ito sa naganap na duel namin ni Sydney kanina. Mukhang naisahan nga kami ni Sir Rocky kanina. Mas matagal ang duel namin ni Sydney kaysa sa kay Sean at Joseph!
Ang daya lang!
"Ba't ba kasi nagpatama ka nang husto? Iyan tuloy, nanakit ang buong katawan mo," pangangaral ni Rhea sa akin. I just rolled my eyes. Like duh! Alangan namang makaiwas pa ako sa naging atake ni Sydney kanina.
Naalala ko pa noong napalibutan na ako ng water balls niya. Kapwa pagod na kaming dalawa. May mga sugat na din si Sydney gawa ng wind blades na pinaulan ko sa kanya kanina. Kaya naman bilang ganti niya sa akin ay pinagtitira niya ako ng water balls niya. Kaya ito ako ngayon, bugbog ang buong katawan. Ang sakit kaya ng mga tama sa akin!
"Ayan, okay na yan! Ipahinga mo na lang ang katawan mo," wika pa ni Rhea sabay lakad patungo sa kama niya. Tumihaya ako sa higaan. Napadaig pa ako sa sakit nang tumama ang likod ko sa malambot na kama. I sighed and looked at the ceiling.
"Althea?"
"Hmm?"
"Kumusta na kaya sila sa Zhepria?" mahinang tanong niya sa akin. Natigilan ako dahil sa naging tanong niya.
"Sana naman ay maayos lang sila doon," ani pa nito at nahiga na. "Goodnight, Althea." Iyon ang huling narinig ko sa kaibigan. Namayani na ang katahimikan sa loob ng kwarto namin ngayon.
Ang Zhepria? Kumusta na sila?
Panatag akong walang masamang mangyayari kay lolo at lola. Malakas silang dalawa kahit nabibilang lang sila sa uri ng Randus. Sila ang nagpalaki sa akin mula noong bata pa ako. Sila na ang nakagisnan ko at alam ko ang kakayahan nila bilang Zheprian.
I sighed. Napapikit ako at dinama ang katahimikan ng gabi.
Ni minsan ay di ko nakita ang mga magulang ko. Di rin ako nangulit sa kay lolo at lola tungkol sa bagay na ito. Para saan pa ang pagtatanong ko? Iniwan nila ako kina lolo at lola ng walang pasabi. Ni imahe nila ay di ko matandaan. I'm a blank state when it comes to my parents.
Napabuntong hininga ako nang makaramdam ako ng lungkot sa loob ko. Dapat sanay na ako sa ganitong pakiramdam. Matagal na panahon na ang lumipas. I need to be strong for my own good. Sabi pa nga nila lola, ako lang ang tanging makakasalba sa sarili ko. Dapat di ako makitaan ng kahinaan. Kaya naman gumawa ako ng pader palibot sa sarili ko. Maging si Rhea ay di ko tuluyang pinapasok sa sistema ko. Oo, kaibigan ko siya pero kailangan matutunan kong dumistansya sa mga taong nakapaligid saakin.
'Althea, gising.'
Napamulat ako sa bahagyang yugyog ni Lola Carmen sa akin. Antok na antok pa ako. Anong oras na ba?
'Althea, come on, apo. Kailangan mong makaalis. Ngayon din. Tumungo ka sa Mount Zenda. Wag kang bababa ng bundok hangga't di mo naririnig ang tawag namin sayo. Naiintindihan mo ba?" Nag-aalalang wika ni Lola sa akin.
'La. May problema ba?'
'Wag nang madaming tanong. Nasa labas na ang Lolo Carlos mo. Bangon na.'
Wala sa sariling sumunod ako sa nais ni Lola. Hinatid pa nila ako patungo sa bukana ng bundok. Sanay na ako sa Mount Zenda kaya walang problema sa akin ang nais nito. Pero, anong dahilan nila? At sa ganitong oras pa talaga?
'Kahit anong mangyari ay huwag kang bababa, Althea. Naiintindihan mo ba ? Sige na. Mag-ingat ka.'
Iyon lang ang huling bilin ni Lola Carmen sa akin at naglakad na ako paakyat ng bundok. Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng mahinang mga yapak.
BINABASA MO ANG
PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]
FantasyKingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangarap na ni Althea ang makapasok sa Tereshle Academy, ang nag-iisang paaralan kung saan sasanayin at pap...