Kabanata 18: Walk-Out

88.3K 3.8K 689
                                    

"Welcome to the 65th Tereshe Academy Foundation Days!"

Malakas na hiyaw ng emcee para sa opening ng foundation days celebration ng Academy. Noong nasa Zhepria pa ako, palagi kong naririnig sa usap-usapan na talagang maganda at masaya ang selebrasyong ito. Dito makikita ang improvements na naachieved ng mga estudyanteng nag-aaral dito.

At sa loob ng isang buwang pamamalagi ko dito, I can say na malaki talagang pinagbago ko. Mula sa isang simpleng Randus, ngayon ay miyembro na sa nag-iisang mataas na klase ng Tereshle Academy, ang Shendra.

Sa unang araw hanggang sa ika-apat na araw ng selebrasyon, nakatuon ang lahat sa Attribute Presentation Competition. Tanging Undra at Tiendra lamang ang maaaring lumahok sa kompetisyong ito. Kaming mga Shenda ay maituturing overqualified dito. Sa pang lima at pang-anim araw naman ay may magaganap na treasure hunt. Dito ay maaring sumali ang kahit sinong studyante from Undra at Tiendra including us, the Shendra. Bawat grupo ay kailangang may apat na myembro which is pabor sa amin dahil apat lang kami sa Shendra. At sa huling araw na naman, dito magaganap ang Grand Tereshe Ball. All faculties and students of the Academy must attend the ball. Maging ang mga magulang ng mga estudyante ay imbitado at ang pinaka importanteng guests ng ball, the council.

"Whoa!"

Napatingin ako sa gitna nang arena. May isang estudyante ngayon ang nagpapakitang gilas. Isang lalaking fire attributer from Undras. He's making small fire balls. Lumulutang ito sa mga kamay niya at pag gumalaw ang mga kamay nito, agad namang sumusunod ang mga iyon. Mataman kong tiningnan ang lalaki. Halata ang pagcoconcentrate nito sa ginagawa niya. Sa maliit na bagay na nagagawa niya sa attribute niya, I can say that it was already an achievement to his part. Di man siya kagaya namin na may kakaibang level ang attribute, still, he's doing his best.

Natapos ang buong araw nang iyon lang ang nangyari. Nakaupo ako sa upuang nakalaan para sa akin. Nasa bandang baba kami ng arena kasama ang iilang faculties at mahahalagang personnel ng Academy. Natapos rin ang araw na di kami nag usap-usap nila Sean, Sydney at Joseph dahil naka focus kami sa panunuod sa mga presentasyon. At natapos rin ang araw na di nakagpresent si Rhea. I wonder kong pang ilan siyang magpapakitang gilas. Sa dami pa naman ng kalahok, malamang matatagalan din ang isang iyon.

Tahimik akong naglalakad papuntang training room. Actually kaming apat ang pinapunta ni Sir Rocky roon. I bet, tungkol ito sa gaganaping treasure hunt sa panglima at anim na araw ng selebrasyon ng Academy. Mukhang sasali talaga ang klase namin dito.

Nasa unahan ko ang tatlo. They kept on exchanging opinions regarding sa mga kasali sa competitions samantala ako ay naka-straight face lang na nakatingin sa kawalan.

"So, how's the vacation guys?"

Bungad ni Sir Rocky sa amin pagkapasok sa training room.

Vacation, huh? So, nagbakasyon pala ang mga ito? That's nice.

"Nah. That was not a vacation, sir. That was a big torture for us. Alam mo naman sir na mas gugustuhin pa naming nasa loob ng Academy kaysa sa labas," sagot ni Sydney sabay cross ng braso niya. Nakasimangot ito habang nakatingin sa guro namin.

"That was your responsibility, Sydney," nakangiting wika pa ni Sir Rocky dito. Di na umimik si Sydney sa itinuran ni Sir Rocky. Tama naman kasi ito. Sydney just rolled her eyes to our teacher without uttering any words.

"Well, kung kayo ay nagbakasyon..." Sir Rocky chuckled first when Sydney rolled her eyes again. "Don't you know na may isa dito na nagtraining mag-isa while you guys were busy with your responsibilities in your respective towns?"

Now, it's my time to roll my eyes at him! Seriously? So, he's not totally busy for the past few days. Alam naman pala nito ang pinaggagawa ko dito.

"Si Althea, sir?" takang tanong ni Sydney dito sabay tingin sa akin na nakakunot ang noo.

"Yes," sagot ni sir Rocky sabay talikod sa amin. "Pag-usapan niyong mabuti ang tungkol sa paligsahang sasalihan ng klase niyo. May aasikasuhin lang ako saglit," aniya at nagsimula nang maglakad ngunit agad din namang natigilan. "And by the way," lumingon itong muli sabay seryosong tiningnan ang mukha ko patungo sa mga nakatagong mga kamay ko na kanina pa nasa loob ng vest ko. I frozed. Oh boy! Shit! "Joseph, do me a favor. Heal her wounds. Wala ang head nurse na may healing power kanina sa clinic. Make sure to recover her wounds today."

Iyon lang ang sinabi ni sir at tuluyang lumabas na sa training room.

Masamang tingin ang ibinigay sa akin ng mga kasama ko.

"What did you do this time, woman?" malamig na tanong ni Sean sa akin.

"Sean, stop it. Don't start," saway agad ni Sydney dito.

"Let me see your hands, Althea," utos ni Joseph sa akin sabay lahad ng kamay niya. Napataas ang isang kilay ko dito at umiling sa kanya.

"I'm good, Joseph. No need to heal me," walang buhay na wika ko at mariing ikinuyom ang mga kamay.

"I insist! Give me your hands," natigilan ako sa tono ng pananalita niya. Seryoso ngayon si Joseph. Walang bahid ka kapilyuhan ang itsura nito. I sighed then surrendered. Fine, masakit na masyado ang mga kamay ko. Kung hindi ito magagamot ngayon, tiyak na hindi ako papatulugin nito mamaya.

Inilabas ko ang mga nakatagong kamay mula sa vest na suot ko. Agad nangunot ang mga noo ng tatlo noong  makita ang mga kamay ko.

"Nagpunta na ako kanina sa clinic. Pero walang duty na nurse na may healing ability, so, first aid lang ang nakuha ko," Paliwanag ko. I know wala dapat akong ipaliwanag sa kanila. But hell! I felt guilty for some unknown reason. Damn!

Agad kinuha ni Joseph ang kamay ko at pinagaling iyon. Wala itong salitang sinambit at matamang nakatingin lamang sa mga kamay ko. Nang tuluyan nang naghilom ang mga sugat ko ay saka naman nagsalita si Sean.

"We're doing everything to protect you but all you want to do is to harm yourself, woman."

Napatingin ako kay Sean.

Ano raw? Protect me? Pinagsasasabi nito?

"Look Sean, wala akong naintindihan sa mga sinabi mo ngayon at wala akong oras para alamin pa kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. But to protect me? Sean, hindi na ako bata para protektahan ng kahit sino man," mahinahong wika ko dito. Ayaw ko nang away ngayon. I am drained! At kababalik lang din nila. Ayaw ko mang aminin, pero namiss ko ang presensya nila!

"Hindi ko kailangan ng proteksyon. Kaya ko ang sarili ko at ..."

Di ko na natapos ang dapat sasabihin ko nang magsalita muli ito.

"Hindi mo nga kailangan pero iyon ang gusto naming ibigay sayo. Deal with it!" turan niya. "And please. Be responsible naman. Kung wala kang pake sa mangyayari sayo, puwes, hindi kami. We value and treasure you!"

Pagkasabi niya noon ay agad siya lumabas sa training room. Like hell! Ano bang pinagsasabi nang isang iyon? Tiningnan ko si Sydney at Joseph at napataas ang isang kilay ko sa dalawa. Nagkibit balikat lang ang dalawa sa akin at hindi na nagkomento sa ginawa ni Sean.

Damn this! I really hate the guts of that guy!

"I'm going."

Paalam ko sa dalawa.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Sydney sa akin. Natigil ako sa paglalakad at noong nasa pintuan na ako, nilingon ko silang dalawa. I sighed before answering.

"Hahanapin ko yung nagwalk-out. Ako lang may karapatang gumanoon sa grupo," I answered then leave the room.

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon