Kabanata 2: Special Ability

132K 4.9K 525
                                    

Sa mahigit isang daang nagpakita ng mga wind attributes nila, bente lamang ang nakapasa sa mga taga Zhepria. At kasama na kaming dalawa ni Rhea doon.

"Althea, ang galing mo talaga! Iyon ba ang araw-araw na pinaggagagawa mo sa kagubatan?" Masiglang tanong ni Rhea sa akin. Hindi ko ito kinibo. I just nod at her as my response.

Tiningnan ko ang mga kasamahan ko. Ang sasaya nilang lahat. Sa wakas, makakatapak na rin kami sa nag-iisang Academy ng Tereshle.

"Congratulations, Zheprians!"

Napukaw ako noong may nagsalita. Isa itong lalaki na sa tansya ko ay nasa middle twenties na ang edad. He's tall. Medyo tan ang kutis. May hikaw sa kaliwang tenga. Nakasuot ito ng itim na cloak.

"My name is Rocky. You can call me Teacher Rocky. Isa ako sa iilang guro ng Tereshle Academy." Pakilala nito sa amin.

Napansin ko ang tatlong taong nasa likuran niya. Yung tatlong representatives ng Academy na siyang naging judges namin kanina. Naka itim na cloak din ang mga ito. Uniform?

"And by the way, the one who judged you earlier are my students," sambit ni Teacher Rocky sabay baling sa tatlong nasa likuran nito. Students? So, tama nga ang hinala ko kanina. Magkasing edad lang kami ng mga ito. Studyante lang din pala sila ng Academy gaya namin.

"This is Joseph Dawn from the division of Enthrea," pakilala niya sa lalaking palangiti sa tatlo. Tumingin ito sa akin at bahagyang itinango ang ulo kaya naman tinaasan ko ito ng kilay. Kita ko ang pag-iling nito. "Sydney Wale of Lynus division," iyong babae naman ang ipinakilala nito. Lynus? Water attribute,! "And lastly, this is Sean Miller, the heir of the Aundros division."

Napatingin ako sa tatlo. Lalo sa ipinakilalang heir ng Aundros, ang mga fire attributers ng Tereshle. They came from the different divisions of Tereshle. Different attributes. I wonder kung nagkakasundo-sundo ba ang tatlo. Usually kasi pagmakakaiba-iba, asayan mong di magkakasundo-sundo ito.

May ilan pang sinabi at binilin si Teacher Rocky sa amin. Panay tango lang ang nagawa ko at hiniling na matapos na agad ang pinagsasabi nito.

"So, let's go everyone. Nasa train na ang mga gamit niyo. Pupunta na tayo sa Academy," nakangiti wika nito sa amin at nagsimula nang maglakad.

This is it! Finally!

I took a deep breathe.

Goodbye for a while muna Zhepria.

Matagal ko nang gustong mapadpad sa Tereshle Academy. Mula noong matuklasan ko ang taglay na kapangyarihan, pinangarap ko nang maging parte nito. Kaya naman noong malaman nila Lolo at Lola na nakapasa ako sa pinaka-screening ng academy ay tuwang-tuwa ang dalawa. I just wished na magiging maayos ang lagay nila habang wala ako. Kahit naman sanay na sila sa akin na palaging wala sa bahay ay iba pa rin ang sitwasyon ngayon. Malayo ako sa kanila. Di ko agad maririnig ang tawag nila sa akin kung sakaling kailangan nila nang tulong ko.

Napasandal ako sa upuan ng train na sinasakyan namin ngayon patungong academy. Malayo-layo ang academy sa Tereshle pinakasentro ng Tereshle. Ilang kilometro ang layo nito kaya naman mahigit isang araw ang naging biyahe namin patungo roon.

Sa Tereshle Academy dinadala ang mga kabataang kagaya ko na may potential na palakasin ang kanyang taglay na attributes. Doon ito mamamalagi hangga't di pa makontrol at mabihasa ng tuluyan ang attributes na taglay nito.

Sa pagkakaalam ko ay yung ibang studyante doon ay simula limang taong gulang ay nasa academy na. Sila marahil ang mga Ynus na may marangyang pamumuhay. Let's jut say, they can easily enrolled to the academy because of their family status. Di kagaya namin, kailangan pang ipakita sa lahat that we have the capabilities and we deserve to be part of the Tereshle Academy.

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon