Kunot-noo kong tinititigan si Rhea habang paikot-ikot ito sa harapan ng salamin. She's wearing a pink long dress. Ang ganda niya kaso mukha siyang timang kakaikot sa harapan ng salamin.
"Rhea. Stop! Nahihilo na ako kakatingin sa'yo," ani ko dito at umiling na lamang. Tumigil siya at masama akong tiningnan.
"Imbes na pansinin mo ako, why not go to your bathroom, take a shower and dress up already?" anito at umikot na naman sa harapan ng salamin. I rolled my eyes on her sabay higa sa kama ko. Natigilan si Rhea sa ginagawa at napabaling muli sa akin. Napapadyak siya sa sahig dahil hindi ko sinunod ang nais niya.
I smirked. Bahala siya.
It's been a month since I destroyed the Eiwerds. Sabi nila daddy ay wala na ito ngayon. It doesn't exist anymore. Iyong mga natirang buhay na Eiwerds ay hinuli at kinulong. The council even thanked me for what I have done. I was a big help to them.
Pero hindi pa rin nila alam na nagtataglay ako ng cursed magic. They only knew that I was the long lost Princess of Zhepria, Sophia Stone.
Minsan napapaisip ako. What if the Council knows my cursed magic back then? Gagamitin ba talaga nila ako para sa pansariling interes nila? They seemed nice to me now and I don't feel any danger towards them, unlike with Titus.
Napikit na lang ako noong maramdaman ko ang kapangyarihan ng isa ko pang kaibigan. Oh no, she's coming.
And there, bumukas ang pinto ng silid ko. Sydney Wale. One of my best of friends.
"Hi Rhea! Where's Al.. Althea!" bungad ni Sydney sa amin. Di ko iminulat ang mga mata ko. Bahala silang dalawa diyan.
"Oh my God, Althea! Anong oras na! Wake up you, missy!" she hissed.
"Nako, sinabihan ko na iyan. Kaso ipinikit niya lang ang mga mata niya. Tigas ng ulo talaga!" Si Rhea naman ang nagsalita. I mentally laughed. Sorry friends. Sarap niyo kasing inisin.
"Althea Magnus. Get up!"
Naramdaman kong lumapit si Sydney sa akin at hinila ang kamay ko para makatayo na. I slowly opened my eyes. Nakita ko ang naiiritang mga mata ni Sydney. Inirapan niya pa ako.
Tiningnan ko ang kabuuan niya. She's wearing a dark blue gown. Bagay sa kanya.
Napaupo na ako mula sa pagkakahiga.
"You two look great. Sige. Magsilayas na kayo sa kwarto ko. Mag-aayos na ako," pagtataboy ko sa dalawa. "Don't worry, I won't be late on my own party. So, go, ladies! Layas!"
Parehong umirap sa akin ang dalawa bago lumabas ng silid ko. Natawa na lamang ako sa inasal nila.
Noon, mahirap akong patawanin o pangitiin man lang. I builed walls around me. But look at me right now. Isang maliit na bagay lang ay napapangiti na ako. Maybe because tanggap ko na talaga kung sino talaga ako. Kung noon naguguluhan ako sa pagkatao ko, ngayon, I found my true self.
I am Althea Magnus of Zhepria. A Randus. And I am Sophia Stone. Princess of Zhepria.
I looked at myself infront of the mirror.
I smiled.
I'm wearing a white long dress. Kapit na kapit ito sa katawan ko. Nakatali pataas ang mahaba kong buhak. Bahagyan kong inayos ang mahaba ngunit manipis na manggas nito at umikot sa harapan ng salamin.
I wonder if he likes it.
I froze.
Shit ka, Althea!
Really? Talagang naisip mo pa iyon? Napailing na lang ako sa naiisip.
But seriously, magugustuhan niya kaya?
BINABASA MO ANG
PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]
FantasíaKingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangarap na ni Althea ang makapasok sa Tereshle Academy, ang nag-iisang paaralan kung saan sasanayin at pap...