Kabanata 14: Heal

92.6K 4K 262
                                    

Panay ang buntong hininga ni Sydney habang naglalakad kami patungo sa bahay ni Sheprid.

It's already 9PM. Still, naglalakad pa rin kaming apat sa gitna ng masukal na gubat ng Mount Helgion. Simula noong nagkasagutan kami ni Sean kanina ay di na ito umimik. Matapos kong banggitin na mukhang nakita ko si Sheprid ay agad akong tinalikuran niya at nagsimulang maglakad. Sumunod naman kaming tatlo sa kanya. After all, he's still our group leader.

Napapailing na lamang ako tuwing naaalala ko ang nangyari kanina. Yung pag atake sa amin. Yung mga intruders na taga Aundros, na ngayon ay di ko pa nababanggit sa mga kasama ko. Yung lalaking nakamasid kanina sa akin. At yung pag-aalala ni Sean dahil sa pagkawala ko kanina.

Kaya kong protektahan ang sarili ko at may tiwala naman ako sa kakayahan ko. Alam ko na alam ni Sean kung anong klaseng kapangyarihan mayron ako. Siya pa nga ang nagsabi na isa akong extraordinary na attributer. Kaya naman nagtataka talaga ako sa inasal niya kanina sa akin.

Napalingon ako kay Sydney noong sabay kaming napabuntong hininga. I even saw a little smile on her lips. Still, I maintain my straight face. Isa pa tong ikinababahala ko. Napapalapit na talaga ako sa tatlo!

Napatigil ako sa paglalakad ng may naramdaman akong kakaiba sa paligid. Malalim na ang gabi kaya di ko na maaninag ang itsura ng paligid. Tumigil din ang tatlo sa kanilang paglalakad.

"I think we're here," malamig na anunsyo ni Sean. His colder right now and I hate it! Kahit nasasanay na ako sa pag-uugali nito, still, pag alam kong may hindi tama, hindi na ako napapakali.

Napatingin ako sa unahan namin. Kunot noo kong pinagmasdan iyon.

Isang bahay.

Ito na marahil ang bahay nang nag-iisang cursed wizard ng Tereshle, si Sheprid.

"Let's go,"yaya sa amin ni Sean at nagpatuloy na siya sa paglalakad patungo sa pintuan ng bahay. Kung titingnang maiigi, isa lamang itong normal na bahay. Gaya ng mga bahay sa Zhepria, bahay naming mga Randus. Simple at walang ibang palamuti. Gawa sa pinaghalong marmol at kahoy ang kabuuan nito. Sa gawing kanan nito ay may isang malaking puno samantalang puro halaman naman ang nasa kabilang parte nito.

Akmang kakatatok si Sean sa pintuan ng bahay noong bigla itong bumukas. Shit!

Nakatingin kaming tatlo nila Joseph at Sydney. I even heard Sydney's thought, 'Damn this place.'

Si Sean ang unang pumasok sa loob ng bahay. Sumunod si Sydney, ako at panghuli si Joseph. Pagkatapak ni Joseph sa sahig ng bahay ay agad nagsara ang pintuan nito. I alerted myself. Pinakiramdaman ko ang paligid at alam kong ganoon din ang ginagawa ng tatlo. Tahimik naming pinagmamasdan ang loob ng bahay. Ang simpleng itsura nito sa labas ay ibang-iba dito sa loob. May limang pinto dito sa loob. Marahil ay kwarto ang mga iyon. May sala sa bandang kaliwa at may mini-kitchen ito sa bandang kanan. Napatingin ako sa kesame. Napaawang ang mga labi ko. A freaking chandelier! Mukhang mali ako nong iniisip ko na katulad ito sa mga bahay sa Zhepria. A Randus can't afford to buy a freaking chandelier for petesake!

"Kanina ko pa kayo hinihintay, kids."

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Ramdam ko ang pamilyar na kapangyarihan na nabuhay sa mga kamay ko ngayon, yung kapangyarihan ko!

Mataman kong pinagmasdan ang lalaki. Mukhang kalalabas lang ng taong ito mula sa isang silid. He's tall. Mukhang nasa late forties na ang edad and he's wearing a cloak and hat! Confirm! Siya yung lalaking nakita ko kanina sa gubat habang nakikipaglaban ako!

"Master."

Nakita kong sabay-sabay na nagbow ang tatlo kong kasama kaya naman ay kunot noo ko silang tiningnan. What the hell are they doing? And wait, did they just mention the word 'Master' infront of this man?

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon