Kabanata 12: Emosyon

98.1K 4K 187
                                    

Three days.

Iyon lang ang ibinigay sa aming araw para tapusin ang punishment na mayroon kami. Like, hello? Nasa malayong parte ng Tereshle ang Mount Helgion!

Mount Helgion. Isa ito sa kinatatakutang bundok na mayron ang Tereshle. Kaya nga cursed mountain ang banyag dito. At once makapasok na kayo dito, tiyak na di na kayo makakalabas sa bundok na ito.

I wonder why? Wild animals? Or it's because of that cursed wizard, Sheprid? Who knows.

Alas tres ng madaling-araw pa lang ay nagsimula na kaming maglakbay. Oo. Maglakbay talaga. Iyan ang kanina pang sinasabi ni Joseph. As a part of our punishment, kailangan naming maglakad para makarating sa Mount Helgion! Great! Just great! Wala namang problema sa akin iyon. Sanay ako sa ganitong set-up. Maglakad nang maglakad. Pero ang mga kasama ko, except for Joseph na mukhang enjoy na enjoy sa dinadaanan namin, ay mga nakabasungot ang mukha. Lalo na si Sydney!

"Guys! Pahinga muna tayo," sambit nito sa amin. Tumigil ito sa paglalakad kaya maging kami ay natigil din. Nasa bandang huli ako ng grupo. Nasa unahan ang tahimik na si Sean, next is Sydney then Joseph.

"Syd, we only have three days to finish this punishment. Ilang oras pa lang tayong naglalakad. Let's go," wika ni Sean habang nakatuon sa harapan ang paningin at nagpatuloy sa paglalakad. Kung lalakarin lang kasi namin ang daan patungong Mount Helgion, malamang gagabihin kami. We need to move faster. Hindi kami puwedeng gabihin sa daan.

Tiningnan ko si Sydney na napangumuso na lang dahil di siya nakapagpahinga. Tumayo na ito at naglakad muli.

Tahimik kong pinagmasdan ang tatlo. This three, alam kong iba't-iba ang mga pag-uugali namin. We came from different division and possessed different attributes. We're different from each other but felt like we're matched to each other. Magulo pero iyon ang totoo. Sa loob ng ilang araw ay naging panatag ang loob ko sa tatlong ito. I do trust them, a little. And I'm afraid na baka mas lumalim pa ang koneksiyon ko sa kanila.

I sighed.

I think I need to distance myself from them. Mahirap na.

Ilang oras ang lumipas at patuloy pa rin kami sa paglalakad. It's already eight in the morning. Wala pa kaming pahinga. Napapagod na ako. Ramdam ko din ang pagod ng mga kasama ko. I can hear their breathing. Hindi na normal ang mga iyon.

"Let's take a rest here," napatigil ako noong marinig ko ang sinabi ni Sean. Sa wakas!

Agad akong naupo at inunat ang mga paa. It feels good. Nakakapagod kaya! Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko. Agad akong inabutan ni Joseph ng tubig at tinanggap iyon. I drink till the last drop. Nakakauhaw.

"Althea."

Napalingon ako noong tawagin ako ni Sydney. Nakatingin ito sa akin ngayon. Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang tugon sa pagtawag niya sa pangalan ko.

"So, may dalawa kang special ability?" tanong nito.

I rolled my eyes mentally.

Akala ko pa naman nakalimutan na niya ang tungkol doon. Nawalan kasi kami ng oras para pag-usapan ang bagay na iyon pagkatapos nang meeting namin kay Ma'am Lauren. I was thinking na wala na iyon sa kanya, sa kanila. At mukhang mali ako.

What now? Do I need to tell them?

Tiningnan ko ang tatlo, tahimik sila. Nag-aabang sa sasabihin ko. Napabuntong-hininga na lamang ako bago sumagot. Wala naman yatang mawawala sa akin kung magkwento ako sa kanila, diba? Few details will be fine. I guess.

"Yes. I have. But I can create another one. Just like what happened last time," sagot ko dito habang di inaalis ang paningin sa kanilang tatlo. I want to see their reactions.

Napatango lang si Sydney at Joseph. Si Sean naman ay matamang nakatitig sa akin.

"Paano? Paano mo nagawa iyon?" nag-aalangang tanong pa ni Sydney sa akin. Paano nga ba? I don't have an idea. Napailing ako sa kanya. "Hindi ko din alam. Noong bata pa ako, ang alam ko lang ay isa akong wind attributer. Isang Randus. Mahina," napatigil ako sa pagsasalita. Really, Althea? Nagkwekwento ka ngayon sa mga ito? Tiningnan ko sila. Tila ba naghihintay sila sa susunod ko pang sasabihin. Ilang araw pa lang naman ako sa Tereshle Academy, pero bakit tila pinakakatiwalaan ko ang tatlong ito?

"Dahil nga nabibilang kami sa mga Randus, pilit kong pinalakas ang attribute ko. Mag-isa akong nag-eensayo sa Mount Zenda. Ito na rin ang nagsilbing pangalawang tahanan ko. Araw-araw akong nag-sasanay hanggang matuklasan ko na may taglay akong special ability. My hearing sense ability was a big shocked to me. Twelve years old ako noon. Akala ko nababaliw na ako noong mga panahong iyon. Walang katahimikan. Pinuwersa ko ngang ishut-down ang ability ko noon, ang resulta, nawalan ako ng malay ng ilang araw."

Mahina akong napatawa sa alaalang meron ako ngayon.

"Then what happened?" seryosong tanong ni Joseph sa akin. Aba't akalain mong attentive ang isang ito.

"Nagising na lamang ako noon na nasa bahay na ako. Nakita raw ako ni Lolo Carlos na walang malay sa gubat kaya inuwi ako. Then, they explained to me everything about my ability. Na kailangan ko iyong kontrolin nang maayos para hindi na ako mawalan ulit nang malay. Masyadong overflowing din ang attribute ko at di kinakaya ng katawan ko," pagpapatuloy ko sa kwento ko.

"Your another ability? Paano mo natuklasan naman?" tanong ni Sydney.

Wow, ah! Talagang gusto nilang malaman lahat! Well, nasimulan ko na ito kaya naman tatapusin ko na lang.

"Isang gabi noon, pilit akong pinaalis nila Lolo at Lola sa bahay. Pumunta raw ako sa Mount Zenda at wag bababa hangga't di ko maririnig ang boses nila na tinatawag ang pangalan ko. Wala akong nagawa noon, sumunod ako sa nais nila. Pero di pa ako nakakalayo noon ay may narinig na ako na mga pagsabog mula sa baba ng bundok. Dahil sa pangambang baka mapano ang pamilya ko, bumababa ako sa Mount Zenda. Little did I know, activated na pala ang isang ability ko. No one saw me fight with the villians. Nawala lang ang invisibility ko nong nasiguro kong ligtas na ang paligid."

"Sino ang sumugod sa inyo noong gabing iyon?" seryosong tanong ni Sean na ikinabigla at ikinatigil ko.

"Sean, ano ba?" suway ni Sydney sa kanya na ikinakunot naman ng noo ko.

"Wind attributers. Taga Zhepria," sagot ko sabay baling kay Sean. Seryoso pa rin ang mukha nito habang di ako nilulubayan ng tingin.

"Sa susunod, sundin mo ang gusto ng mga taong nasa paligid mo. Don't forget that you're such a reckless one. Mapapahamak ka," sambit nito na nagpataas ng kilay ko.

Teka! Ano na naman ang pinagsasabi nito?

"Sean! Manahimik ka na lang diyan!" pagalit na turan ni Sydney.

"Let's go. Sayang ang oras," tumayo na si Sean at nagsimula na namang maglakad.

Minsan talaga'y di ko makuha ang ugali ng isang ito. Ay mali pala! Kailan man ay di ko siya maiintindihan! Masyadong komplikado ang utak ng lalaking ito! Buhol-buhol! Buwesit siya! Nakakaasar na talaga siya!

"Wala. Naninibago lang ako. Ngayon ka lang nagpakita ng emosyon. At ang nakakatawa pa, asar at galit ito. Sa iisang tao."

Napatigil ako noong maalala ko ang sinabi ni Rhea sa akin. Emosyon? Kay Sean ba ang tinutukoy niya? Unbelievable! Agad kong ipinikit ang mga mata ko at mahinang iniling ang ulo ko. Stop, Althea! Nababaliw lang iyong kaibigan mong iyon kaya kung anu-ano ang napapansin at pinagsasasabi!

Tumayo na rin ako at sinundan ang tatlo sa paglalakad. I sighed. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Now what? Ano nang mangyayari? Alam kong unti-unti nang nakakapasok sa sistema ko ang tatlo and I'm afraid sa magiging resulta nito.

'Althea, apo. Makinig ka. Maraming masamang loob ang puwedeng manakit at gamitin ka dahil sa taglay mong attribute at abilities. Kaya kailangan mong mag-ingat. Piliin mo ang taong pagkakatiwalaan mo. Kilalanin mo sila bago mo sila papasukin sa buhay mo. Althea, special ka. Tandaan mo yan. Kailangan mong ingatan ang kung anong mayroon ka. Iyan ang susi, Althea. Ang susi.'

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon