Kabanata 6: Wind Attributer

104K 4.2K 711
                                    

"Come on. Kaya mo yan, Althea. Concentrate."

I closed my eyes.

Kanina pa ako dito sa training room. Nagpaiwan kasi ako kina Sir Rocky at sa tatlong kagrupo ko. Since wala naman akong ibang schedule today, I decided to train on my own.

I can feel the energy on my feet. Kaunting-konti na lang at mapeperfect ko na ito.

I closed my fist firmly. Napamulat ako nang naramdaman kong natapos na ang isang skill ko. I looked at my feet and I smiled when I saw the little wings behind of it. Unlike sa unang skills na hinasa ko, mas complicated ang isang to. Maliit nga siya pero mas kailangan ng matinding concentration to make it perfect.

"Now, let's fly little wings," mahinang sambit ko at ngumiti. I took few steps forward then naramdaman kong lumulutang na ako. It felt so damn good whenever you achieved something. Ilang skills na ba ang kaya kong gawin sa wind attribute ko? Mukhang marami na rin. Resulta ito nang halos araw-araw na training sa Mount Zenda. Plus the fact na overflowing ang wind energy ko kaya naman di ako kinakapos ng kapangyarihan. Unlike sa ibang wind attributers, they need to gather enough wind energy to perfect a specific skill.

Nagpalutang-lutang ako sa ere. Mabuti na lang talaga ay masyadong malawak itong training room kaya naman ay malaya akong nakakalipad. Nagawa ko pa ngang bilisan ang lipad ko.

Nang mapagod ako sa pinag-gagagawa, napagdesisyonan kong umalis na sa training room. I need to rest.

Tahimik akong naglalakad sa hallway nang may narining ako.

'Sophia'

Napatigil ako. Napatingin ako sa tahimik na hallway at napakunot ng noo.

What was that?

Pinakiramdaman ko ang paligid ko. I'm pretty sure may narinig ako. I stay still. Trying to concentrate and enhance my hearing sense. Pero noong lumipas na ang ilang minuto nang katahimikan, napagdesisyonan kong maglakad ulit.

Baka guni-guni ko lang?

From the training room ay ilang building pa ang madaraanan ko bago makarating sa dorm namin. Sino ba kasi nakaisip sa kanila na kailangan nasa malayo ang training room? Nakakapagod kayang maglakad!

'Sophia.'

Napatigil muli ako sa paglalakad noong marinig kong muli ang boses na iyon!

Boses babae.

Sophia.

Sinong Sophia?

Hahakbang na sana ulit ako nang may narinig akong kakaibang ingay sa paligid. Nagpalinga-linga ako. Ngayon ay nagkusang naging alerto ang hearing sense ko! What now, senses? Ano na naman ito?

Naglakad ako patungo sa ingay na naririnig ko. It's not clear to me kung anong ingay ang naririnig ko ngayon. Parang static sound lang ito. And I hate it if I can't hear clearly. Feeling ko kasi may mali sa ability ko kaya naman minabuti kong tingnan kong anong mayroon.

Dinala ako ng mga paa ko sa pinakadulong parte ng Academy. Kunot-noo kong tiningnan ang masukal na gubat sa harapan ko. May ganitong lugar pala ang Tereshle Academy?

'Sophia. Dito.'

Lalong kumunot ang noo ko sa narinig. Hindi lang pangalang Sophia ang binanggit nito! May karugtong na! Pero ano raw? Dito? Saan dito? Inilibot ko ang tingin ko. Dulong parte na talaga ito ng academy. Wala nang mga building at kung ano pa. Mayamaya pa'y nakarinig ako ng mga yapak. Mukhang tapos na ang klase ng mga kapwa ko studyante. I can hear their footsteps now, their talk and all.

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon