"Stop following me, Mr. Strike!"
Kanina pa ako naiirita sa lalaking ito. Kanina pa siya nakasunod sa akin! And worst, hindi siya nagsasalita!
Umiiling lang ito at di pinapansin ang mga sinasabi ko sa kanya! Mayamaya pa'y huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Babalik na ako sa Mount Zenda. Please. Leave me alone," mahinahong sambit ko dito. Sana lang ay makuha ito sa pakiusap. I don't him being around!
"I can't leave you alone, Althea," mahinang wika nito.
Thanks God at tumigil na itong tawagin akong Sophia at yung freaking 'your highness' thing. Naririndi na rin kasi ang tenga ko doon!
"Bahala ka nga!" I hissed sabay activated my second special ability then summoned my wind. Bahala siya sa buhay niya!
Agad akong umupo sa isang malaking ugat ng isang puno dito sa Mount Zenda. Hapon na ngayon. At sa tansya ko ay malapit na ring dumilim. I need to rest. Tama na siguro ang impormasyong nakuha ko ngayong araw.
Tumayo na ako sa pagkakaupo at nagtungo sa lugar na palaging tinutulugan ko. Para itong mini cave. Malinis ito at ligtas. Walang mababangis na hayop ang nakakapasok dito dahil sa wind barrier na ginagawa ko sa pinaka entrance nito. I consider this place as my territory.
Nang mahiga ako ay agad kong pinagtagpi-tagpi ang mga impormasyong meron ako.
The Eiwerds are the rebels of the Kingdom. Ang mga miyembro daw ng rebelyon na ito ay galing sa ibat-ibang division ng Tereshle. Aundros. Zhepria. Lynus. Enthrea.
Sila yung tipong gustong umangat at gustong lampasan ang kakayanan ng Council. The Council Members are the strongest in the Kingdom of Tereshle. They rule and maintain the peace and order of the kingdom. I wonder kong ano ang ginagawa nila to stop this rebel Eiwerds. Wala naman silang ginagawang masama wika pa ng isang taong napagtanungan ko. Well, thats weird! These people are the rebels and they intend to do bad or worst things. Or else, they're just waiting for the right time to do their plans?
At base na rin sa mga sinabi ng iilang napagtanungan ko din kanina sa bayan, isang Aundros daw ang namumuno ng rebelyong ito at walang ni isa ang may alam kung nasaan ang kuta nila. Basta na lang daw silang kukuha ng malalakas na attributer at gagawing miyembro at lalaban sa Council.
And that's conclude one thing.
They wanted me because I'm strong. They wanted me because I am Sophia Stone. Heir of the Zhepria. They wanted Zhepria on their side. And I'm not fool to let them get what they want.
At regarding naman sa issue ng Council at nang aking ama, yan ang di ko pa alam.
One at a time, Althea. Isa-isa lang.
Focus on the Eiwerds!
Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko nong makaramdam ako ng matinding kapangyarihan.
Holy shit! Kanino iyon?
Naalarma agad ang mga senses ko. Maging ang overflowing na kapangyarihang mayron ako ay nakahanda na sa mangyayari.
Pinakinggan ko ang paligid. Natural at walang kakaiba sa paligid. Pero still, nasa malapit ko lang ang may-ari ng kapangyarihang nararamdaman ko ngayon.
Agad akong napaupo sa pagkakahiga ko ng may narinig akong iilang kaluskos sa labas.
Ilang segundo pa ang nakalipas ay mas malinaw na sa pandinig ko ang ingay na meron sa labas ng kuwebang kinaroroonan ko. May tao sa labas nito!
Good thing may wind barrier dun sa may pinaka entrance. The intruders can't easily destroy those.
Tumayo na ako at isinaklay ang backpack sa likod ko. May mga importanteng bagay ang nasa bag ko, di ko ito maaring iwan lang dito.
Dahan-dahan akong nagtungo sa entrance ng mini cave.
Tahimik.
Wala na ang ingay na naririnig ko kanina. Pinakiramdam ko muna ang paligid. Wala na rin yung kapangyarihang naramdaman ko kanina. Agad kong tinanggal ang wind barrier na ginawa ko at lumabas na sa mini cave.
Bumungad saakin ang madilim na paligid. I scanned the whole place.
Agad akong gumawa ng wind shield noong may naramdaman akong may umatake sa bandang kanan ko.
Kitang kita ko ang mga umuulang mga pana sa gawi ko. Shit! The Eiwerds! Ganito din sila noong nasa Mount Helgion kami! Pero bigla na lamang tumigil ang pagbulusog ng mga pana sa akin. Pinalibutan ko ang sarili ko ng wind shield. Mahirap na. I need to be alert. I won't let my guards down!
Bigla na namang tumahimik ang paligid. Hell! Ano bang nangyayari? Kanina lang may naramdaman akong malakas na kapangyarihan. May mga ingay na narinig galing sa ibang tao. Biglang tumahimik ang paligid tapos may umatake na naman sa akin. And then, here it goes again. Tahimik na naman. What the hell is happening ?
"They're gone."
Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Adam Strike!
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Still, di ko parin tinatanggal ang wind barrier na meron ako.
"Trabaho kong bantayan at tulungan ka, Althea," sagot nito na siyanh ikinainis ko na naman. I don't his help!
"Hindi mo ako kailangan bantayan at lalong lalo na ang tulungan, Adam Strike. Kaya ko ang sarili ko."
Ano bang problema ng mga tao sa paligid ko. They all wanted me to be safe. They treated me like I'm a freaking glass that is so fragile! Hell, I'm not like that, okay! I can take care of myself. Ba't di nila makuha iyon?
Agad naman akong naging alerto noong naramdaman kong muli ang matinding kapangyarihan. Nagpalingon-lingon ako. Shit! Kaninong kapangyarihan ba ito?
Napalingon naman ako kay Adam nong marinig ko siyang nagmura. Para itong may iniinda sa kanyang braso. At halos pangilabutan ako sa nakikita ko ngayon. His arm!
Napaatras ako dahil don.
"What are you?" agarang tanong ko. Umatras muli ako at inihanda ang sarili sa maaring gawin ng lalaking ito.
"Relax. It's just me. I won't harm you," mabilisang sagot naman nito at bahagyang napakunot ang noo dahil marahil sa nararamdaman niya galing sa braso nito. Mahigpit nitong hinahawan ngayon.
"I'm asking you, Adam Strike! What are you? Ano yang nasa braso mo? And that magic! Ano ang kapangyarihan mo?"
Napatingin akong muli sa braso niya. Nababalutan ito ng kulay itim na enerhiya.
What the hell?
I frozed.
Yung matinding kapangyarihang kanina ko pang nararamdaman. Siya iyon! Hindi ako maaring magkamali!
"That was you?" nag-aalangang tanong ko dito.
"I didn't meant to scare you, Althea. Pero kailangan kong gawin yun para matalo ang ilang Eiwerds sa paligid kanina," paliwanag niya at napadaing muli.
Mayamaya pa'y kitang-kita ko ang dahan-dahang pagkawala ng itim na kulay sa braso niya. It's fading away at bumabalik na ito sa natural na kulay niya.
"What kind of power is that, Adam?" mariing tanong ko. "You're not an attribute user. Anong meron ka?"
"It's one of the cursed magic, Althea. At alam kong may idea ka dito dahil sa librong dala-dala mo."
Natigilan ako sa narinig ko. Alam niya! Alam niyang nasa akin ang librong Creation! Hell!
The cursed magic! I can't believe it do exist. Akala ko hanggang libro lang ito. And here, Adam Strike, claims to have that magic.
"What kind of cursed magic is that?" I calmly asked. Bahagya siyang tumigil at di agad sinagot ang tanong ko.
He sighed.
"Death."
Oh my God! No way!
BINABASA MO ANG
PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]
FantasiKingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangarap na ni Althea ang makapasok sa Tereshle Academy, ang nag-iisang paaralan kung saan sasanayin at pap...