Chapter 3

1.9K 81 17
                                    


DAY 2

Maaga ako nagising ngayong araw dahil balak kong mag-jogging. Lagi ko yung ginagawa once a week,every saturday. 4:00 am ako nagising para maghanda at ngayon nga ay palabas na ako ng bahay, itinatali ko nalang ang sintas ng sapatos ko.

Nang matapos na ako sa pagtali ay lumabas na ako at agad naman akong binati ng malamig na hangin.

"Good Morning" muntik ko ng mabitawan ang phone ko, magsusuot kasi sana ako ng earphone at magpapatugtog, nang biglang may nagsalita.

I know that voice, pero imposible namang siya yun. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at hindi nga ako nagkamali.

"Anong ginagawa mo dito?" itinago ko ang iritasyon sa boses ko at pinalabas itong parang wala akong pakialam

"Sasamahan kitang mag-jogging, hiningi ko kasi ang number ni Shane kay Theo para magtanong tungkol sayo,and she said that you jog every Saturday at exactly 5 am.Kaya nandito ako" itinaas taas niya pa ang kilay niya habang sinasabi yan. Inirapan ko nalang siya at isinuot na ang earphone.

Nagsimula na akong mag-jog at sumunod naman siya sa akin.

Humanda ka talaga sa akin Shane!

Pero teka, dapat hindi ako mainis kay Shane kasi wala dapat akong pakialam kahit kasama ko ngayon itong lalaking ito. Tama, hindi ako naiinis kay Shane sa sinabi niya sa bwiset na ito dahil wala akong pakialam...

Nagpatuloy na lang ako sa pagtakbo at hindi na pinansin ang presensya niya, hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating ako sa park na malapit sa lugar namin. Marami na ring nagjo-jogging sa paligid, may mga nagtitinda na rin ng pagkain para pang-almusal. Tumigil ako sa pagtakbo at naglakad papunta sa nagtitinda ng pancakes, bumili ako ng dalawa.

"Oh" Iniabot ko sa kanya ang isang pancake at tinanguan siya na kunin yun. Tinignan niya muna yung pancake, binalik and tingin sa akin, at binalik ulit sa pancake.

Antagal namang kunin, nangangawit na ko

"Kung ayaw mo di wag" ibababa ko na sana ang kamay ko, kasi nga nangangawit na ko, nang bigla siyang ngumiti at kinuha and pancake.

"Thanks" nakatitig ako sa kanya habang kumakain siya. Tsk kumakain nalang nagpapacute pa, kung makangiti akala mo nag-i-endorse ng pancakes. Tinanggal ko na ang tingin ko sa kanya bago niya pa ako mahuli, mamaya kung ano pang isipin niya.

"Ito lang almusal mo?" tapos na akong kumain kaya hinihintay ko nalang siya para makabalik na ko sa bahay ng nagtanong siya niyan

"Hindi, naisipan ko lang bumili" tinalikuran ko na siya at naglakad na pauwi, hindi ako pwedeng mag-jog kasi kumain ako. Hindi naman talaga ako bumibili ng pagkain sa park, kasi nga hindi ako makakatakbo pauwi, pero dahil kasama ko siya at naisip kong baka gutom siya dahil maaga siya pumunta sa bahay ay bumili ako.

"Gusto mo ipagluto kita ng breakfast?I'm a good cook" nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi man lang siya nilingon

"No thanks, I can cook my own food" at hindi ako basta-bastang kumakain ng luto ng iba, malay ko ba kung may lason yun

Hindi pa rin siya tumigil sa kakasalita at ipinipilit pa rin sa akin na ipagluluto niya ako dahil masarap daw ang luto niya. Hindi ko nalang siya pinansin kahit rinding-rindi na ako sa boses niya.

"Wow, ang linis naman ng bahay ko. Do you live here alone?" naupo siya sa maliit na sofa at itinaas pa ang paa niya. Ang kapal talaga ng mukha, pumasok na nga siya sa bahay ko ng walang permiso tapos feel at home pa siya.

Napailing nalang ako at dumiretso na sa kusina. Walang pader na naghihiwalay sa sala at kusina ko kaya kitang kita ko ang pangingialam niya sa mga gamit ko, habang naghahanda ako ng almusal.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon