Chapter 15

876 49 6
                                    


Day 9

Last day namin ngayon dito sa Tierra Cielo kaya naman nagyaya kami nila Shane na pumunta sa resort nila Tobi, hindi pa naman sure kung mamaya kami aalis o bukas na ng umaga pero mas maganda pa rin na sure. We wouldn't miss the chance to go to Isabella Hotel and Resorts.

Maaga pa lang ay pumunta na kami, maaga rin akong nagising dahil nga gusto kong masulit ang huling araw namin sa isla. Ang suot kong damit ay yung isa sa mga pinamili namin nila Shane kaya medyo hindi ako komportable, nagdala pa ako ng kumot pangtakip sa sarili ko na tinawanan naman nila.

"Wow!" agad bumaba si Shane sa sasakyan at tumalon talon sa harap ng hotel.

I stared in awe at the hotel. I expected it to be beautiful given that it's famous and well known but I didn't think that it was this breathtakingly beautiful. Naghahalo ng mabuti ang structure ng buong hotel sa nature na nakapaligid pati na rin sa dagat.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kumot at mas tinitigan pa ang view. Ang sarap sanang picturan kaso ang sabi ni Kyle ay pinagbabawal daw yun dahil baka daw ilabas. The Resort want to keep it's view a mystery to the tourist. Magandang idea naman talaga yun dahil mas macu-curious ang mga tao at mas gugustuhing makita ang resort na limited lang ang pinapakita sa mga brochure. And the brochure that Kyle gave to us earlier didn't give this hotel enough justice.

At kung maganda tignan kanina nung nasa labas palang kami, mas maganda naman nung pumasok na kami sa loob. The inside of the hotel has the touch of Spanish Era yet it also has that contemporary design. Nakaka-amaze kung paanong sobrang nag-complement yung dalawa nang hindi nagsasapawan.

Lumapit si Kyle sa front desk habang kami ay naiwang nakatayo lang at tinitignan ang buong hotel.

Mukha namang hindi na makapaghintay sila Brian, Theo, Nathan at Shane dahil tumakbo na sila sa may labasan papunta ata sa may beach. Nilibot ko ang tingin ko at bago ko lang napansin na may mga guest na tumitingin sa amin specifically sa akin dahil siguro sa get up ko.

Hindi ko nalang pinansin yung mga nawi-wirduhang tingin, nagtataka siguro sila kung bakit may nakabalot sa aking kumot gayong pupunta ako sa isang resort. Paki ba nila? At paki ko rin ba sa kanila? Mas niyakap ko ang kumot sa katawan ko at pag-angat ko ng tingin ay si JK na nakangiti ang bumungad sa akin.

"Bakit?"

Magsasalita na sana siya pero biglang dumating si Kyle na hawak ang susi para sa kwarto na pansamantalang gagamitin namin. Hinanap niya sila Shane at nang sinabi naming nasa may dagat na ay sinundo niya muna ang mga ito bago kami dumiretso sa kwarto. Iisang kwarto lang para sa aming lahat dahil iiwan lang naman namin ang gamit dito at magpapalit ng damit.

"You're not allowed to wear two-piece" bulong ni JK sa akin bago siya dumiretso sa pwesto kung nasaan ang mga lalaki.

As if naman kailangan niya pa kong sabihan nun, hindi talaga ako magsusuot ng two piece! Kung pwede nga lang na hindi na ako magpalit-- oo nga noh? Bakit pa ba ko magpapalit?

Nakapagdesisyun na ako na hindi na ako magbibihis nang bigla akong hinila nila Stephanie at Shane papuntang banyo.

"Hey!" I protest but they didn't seem to listen

"Boys mauna na kaming magbihis ah!" hindi pa nakakatango yung mga lalaki kay Stephanie ay sinarado na nila ang pinto ng banyo.

"What the?" iniabot sa akin ni Steph ang isang pair ng swimwear na tinignan ko lang.

"Pinili namin yan para sa'yo Clairey kaya isuot mo yan ah!"

Naglakad siya papunta sa isang side ng banyo kung saan may shower curtain at iniharang niya yun para makapagbihis na siya.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon