Chapter 5

1.5K 73 5
                                    


DAY 3

Hinihintay ko ngayon si Timothy na sunduin ako. May usapan kasi kami na pupunta kami ngayon dun sa coffee shop. Natapos ko na kasi kagabi yung librong binabasa ko at wala naman akong bago kaya napagdesisyunan kong pumunta nalang dun.

Wala naman talaga akong balak isama siya kaso nung tinatanong ko sa kanya yung address,since I didn't pay attention yesterday, ay ayaw niyang sabihin. Sasamahan niya nalang daw ako.

Maya-maya lang ay may narinig akong humintong kotse kaya sumilip ako sa bintana para tignan kung siya na ba yun.

Hindi niya iyon kotse, hinintay ko kung siya ba ang lalabas pero hindi si Timothy kundi si Theo ang bumaba.

Ano naman kayang kailangan ng boyfriend ni Shane dito sa bahay ko?

Pinagbuksan ko siya ng pinto pero hindi na ako nag-abalang papasukin siya sa loob. Hindi kasi ako nagpapapasok ng kung sino-sinu lang sa bahay ko.

"Good Morning bestfriend ni Shane!!" muntik na akong mapangiwi dahil sa lakas ng boses niya. Para siyang si Shane sa sobrang lakas ng boses.

Naiimagine ko palang kung paano sila mag-usap kung magkasama sila parang pakiramdam ko mabibingi na ako.

Inalis ko iyon sa isip ko at tinignan ko nalang si Theo.

"Anong kailangan mo?"

"Wow! Sabi ko na nga ba ay masungit ka eh! Sabi kasi ni Shane mabait ka daw tapos sabi naman ni Tim sweet ka. Tsk sabi ko na nga ba at ako ang tama eh, ang galing ko talaga" umiling-iling pa siya na parang bilib na bilib sa sarili niya

Ang haba ng sinabi niya pero wala naman doon ang sagot sa tanong ko.

Ano nga bang ini-expect ko? Parehas lang sila ni Shane na hindi matinong kausap

"Kung wala kang kailangan sa akin, makakaalis ka na" isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan niya yun.

"Ihhh hindi ako pwedeng umalis. Atsaka ikaw ang may kailangan sa akin"

Pinagsasasabi nito?

"Mali ka ng napuntahan, wala akong kailangan sayo" itutuloy ko na sana ang pagsara sa pinto pero pinigilan niya nanaman ako.

"Sabi ni Timothy ihatid daw kita sa coffee shop, kaya yun yung gagawin ko. May gagawin kasi siya kaya hindi ka niya mahahatid, pero wag kang magtatampo ah kasi napilitan lang talaga siya dun sa gagawin niya. Nakakainis naman kasi yung manager namin eh, bakasyon nga dapat namin pero ang dami pa ring kailangang gawin. Kaya ayun nandito nga ako para ihatid ka"

Tinignan ko lang siya habang blanko ang ekspresyon pagkatapos niyang magsalita.

"Ok" yan lang ang sinabi ko na nagpanganga naman sa kanya.

"Ok?Yan lang ang sasabihin mo?Ang dami-dami ko kayang sinabi muntik na nga akong maubusan ng hininga tapos---" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay tinalikuran ko na siya at pumasok sa loob ng bahay para kunin ang bag ko.

"Ihatid mo na ako" dumiretso na ako sa kotse niya at binuksan ang pinto sa passenger seat

Sumunod din naman siya sa akin at nginitian niya pa ako ng malaki bago niya ini-start.

Hilig ba talaga nilang ngumiti?

Nang magsimula na siyang magdrive ay nagsimula na rin siyang magkwento ng magkwento, halos walang tigil na kwento. Hindi ko nalang pinansin ang mga pinagsasasabi niya at nagfocus nalang ako ng pagtingin sa mga dinadaanan namin, para sa susunod ay hindi ko na kailangang magpahatid sa kahit sino sa kanila.

"Alam mo sa buong grupo namin, kami ni Timothy ang pareho ng ugali"

Napaismid ako sa sinabi niya

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon