Chapter 19

986 52 6
                                    


"Then i-mix mo na.Hey! Isang side lang!" inagaw ko sa kanya yung bowl at ako na ng naghalo.

"Dapat iisang side lang yung paghalo at hindi lang kahit papaano kasi makakaapekto yun sa texture"

"Ganun?Ang dami naman palang arte ng baking" natawa nalang ako nang bigla siyang ngumuso.

Ang cute cute niya lang ngayon dahil ang daming flour sa mukha niya. Bago kami nagsimula kanina ay binalaan ko na agad siya na wag siyang magkamaling  gayahin yung mga cliche sa palabas na nagpupunasan ng harina tapos naghahabulan. Ang corny kaya nun.

"Ganyan talaga syempre para maganda yung result" iniabot ko na sa kanya yung mixture at hinayaan na siyang gawin pa yung iba.

Nang inilagay niya na sa oven yung nagawa niya ay umupo muna kami sa counter para maghintay.

"When did you learn how to bake?" Tanong niya sa akin habang kunwari tinatanggal niya sa mukha ko yung mga harina pero ang totoo ay kinakalat niya naman dahil panay harina pa rin yung kamay niya.

Hinampas ko yung kamay niya at tinignan siya ng masama na nagpatawa sa kanya. Pinunasan niya na rin yung kamay niya at pinakita iyon sa akin, tumango naman ako at sinagot na ying tanong niya

"I think it was when I was 11 years old..." Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla siyang tumayo at pumwesto sa likod ko. Tinignan ko siya pero sinenyasan niya akong magpatuloy lang, habang siya naman ay nagsimulang may gawin na kung ano sa buhok ko. Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy.

"Yun nga, diba sabi ko sayo hindi ako lumalabas sa bahay dati kaya nagpaturo nalang ako kay Auntie Anding magbake para naman may gawin ako"

"So baking was like your first friend?" Iniharap niya ako sa kanya at inilagay ang kamay niya sa counter kaya parang nakakulog ako sa braso niya

"Sort of" hinawakan ko ang buhok ko para alamin kung anong ginawa niya at nagulat ako ng nakapang binraid niya yun

"Marunong ka mag-braid?" Yeah, alam ko nagtanong ao ng obvious pero bakit ba? Eh sa na-amaze ako eh

Sa mga libro ko lang kasi nai-encounter yung mga lalaking marunong magtali ng buhok ng babae. Yung iba kasi sinasabi pang bakla lang daw yun. But for us girls it's cool, or is it just me? Ah basta!

"I used to do it to my sister"

"You have a sister?" gulat na tanong ko sa kanya. Bakit hindi ko alam. Well, come to think of it, parang wala nga akong masyadong alam sa kanya. Tss tapos ako ang dami ko nang ikinuwento tapos siya wala pa. Kainis.

"Yap, I'm 2 years older than her. Dalawa lang kaming magkapatid, her name's Faith" nakangiti niya sabi sa akin. Halatang close talaga sila nung kapatid niya

"Miss ko na nga yun eh, nung lumipat kasi ako sa Manila ay minsan nalang ako umuwi sa amin" nalungkot ang mata niya bigla kaya naman kinawit ko ang braso ko sa batok niya at nginitian siya.

"Gusto ko tuloy siyang makilala. Sigurado akong mabait siya hindi tulad mo" natawa nalang siya sa sinabi ko at mas lumapit pa sa akin

"I'll introduce you to her- no- I'll introduce you to my whole family. Soon" parang may biglang nagbago sa pakiramdam ko pero tinago ko agad yun at pinilit kong ngumiti sa kanya.

"I'll look forward to that" tinulak ko siya palayo sa akin at kunwari nalang na nilapitan yung oven kahit may iba akong iniisip.

Soon daw. Eh ang alam ko last day na namin ngayon, so kailan yung soon na yun?

Don't tell me?

Nah, hindi niya naman siguro gagawin yun. Hindi niya naman siguro pipiliin na magpatuloy kami diba?

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon