Chapter 11

1.1K 61 5
                                    


3 days

Tatlong araw kaming lahat magbabakasyon, yun lang ang isinagot ni Timothy sa tanong ko. Ni hindi niya man lang sinabi kung saan, tinanong ko rin si Shane pero sinabi niyang wala rin siyang ideya.

Mabuti nalang at tatlong pares ng damit ang dinala ko, pero I doubt kung magiging sapat na yun, magastos pa naman ako sa damit.

Good thing na pupunta muna kami sa mall para mamili daw ng pagkain sa biyahe at iba pang mga kailangan kaya pwede akong mamili kahit ng undergarments lang. Mas maganda sana kung babalik nalang kami sa bahay para makapag-ayos ako ng mga gamit kaso sabi ni Shane at Stephanie sila na daw bahala sa iba ko pang damit dahil lahat daw ng pinamili namin kahapon ay dala nila, and medyo nakakahiya rin kung magpapa-espesyal pa 'ko.

Pagdating namin sa mall ay nagpasama muna ako kila Shane at Stephanie para bumili ng kailangan ko samantalang ang mga boys naman ay nauna na sa grocery.

"Buti nalang hindi sinabi sa'yo ni Tim na magdala ng maraming damit, magagamit mo yung pinamili kahapon na pinili mo"

"Ang sabihin mo Steph, buti ay pumayag si Claire na sumama. Ayaw niya kaya yang dinidiktahan siya, huhuhuhu ilang beses niya kaya akong napagalitan dati"

Napangiti nalang ako dahil sa sinabi ni Shane. Ako kasi talaga yung taong ayaw ng pinangungunahan at dinidiktahan, naalala ko tuloy nung pinilit akong isama ni Shane sa akala kong job interview, sinungitan ko pa siya nun. Kung tutuusin dapat magalit ako ngayon kasi bigla nalang nilang sinabing mababakasyon pala kami at parang pinangunahan nila ako sa desisyon ko. Pero imbis na magalit ay parang wala lang sa akin, naisip ko kasi na wala namang mawawala kung sasama ako.

Pagkatapos kong bilhin ang mga kailangan ko ay sumunod agad kami sa mga lalaki sa grocery.

Malayo palang kami ay nakita na namin sila dahil bukod sa agaw eksena talaga silang pito ay marami ring nakatingin sa kanilang babae, yung iba siguro nakikilala na sila o kaya naman nagagwapuhan.

Nabanggit sa akin dati ni Timothy na hindi pa sila nakaka-debut kaya hindi pa masyadong marami ang nakakakilala sa kanila. At sa mga lakad namin, hindi nga siya masyadong pinagtitinginan at parang ordinaryong tao lang  din siya kahit na hindi pa siya magdisguise.

Maski nung kasama namin silang tatlo ay ganun din, may tumitingin pero hindi naman mukhang nakikilala sila bilang S.Rain.

Pero ngayong magkakasamasilang pito, agaw pansin talaga sila at marami na rin ang kumukuha ng pictures nila.

Bago pa sila malapitan ng mga babae ay pinuntahan na namin sila at niyaya ng umalis

"Bakit?" nagtatakang tanong sa akin ni Timothy dahil sa pagyaya naming umalis na

"Marami na kasing nakakakilala sa inyo" tumango naman silang lahat at pumunta na sa counter para bayaran lahat ng mga pinamili nila. Mga pica-pica lang naman yun na makakain namin sa biyahe.

Pagdating namin sa van ay nagtuloy na agad kami. Habang nasa biyahe ay pinag-usapan namin ang grupo nila. At dahil ako ang wala masyadong alam ay nakikinig talaga ako at nagtatanong din minsan

"Paano ba kayo nabuo?"

Nilingon kami ni Brian bago niya sinagot ang tanong ni Shane

"Sa school lang kami nabuo, si Kyle kasi mahilig sa mag-cover ng mga sayaw kaya naghanap siya ng mga kagrupo niya. Magkaibigan na silang tatlo nun ni Nathan at Cody kaya sila yung first three. Ako yung pang-apat na naging member nila, isang araw nakita nila ako ng sumasayaw tapos syempre na-impressed sila-"

"Pwe!"

"Mandiri ka nga Brian"

Bago niya pa matuloy yung isnasabi niya ay  nagreact na si Nathan na nasa likod namin at si Kyle na nagdadrive, sinamaan naman ng tingin ni Brian si Kyle at tinaas ang middle finger niya para makita ni Nathan.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon