Chapter 17

834 50 2
                                    

Day 10 (The Last Day)

Nagising ako sa  kwarto sa isang pamilyar na kwarto. Hmm oo nga pala at umalis na kami ng isla kagabi.

Tumayo ako sa higaan at nag-ayos na ng sarili ko. Himala yata at walang nanggising sa akin ngayon. Tinignan ko ang orasan at kaya naman pala walang nang-istorbo sa akin ay dahil alas sais palang ng umaga. Maaga ata akong nagising.

Lumabas ako sa cabin na tinulugan ko at pumunta sa open deck para tignan ang dagat at para na rin alamin kung malayo pa ba kami.

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang dagat ng maalala ko kung anong araw na ngayon. Last day na pala ng pagiging girlfriend ko kay JK. Ano kaya ang gagawin namin?

Akalain mo yun nag-enjoy din talaga ako ng sobra sa mga nakalipas na araw na kasama ko siya at tulad nga ng sinabi ko nung pagpirma ko ng kontrata, mabilis lang matapos ang sampung araw, at huling araw na nga ngayon ni hindi ko man lang namalayan.

Hmm paano kaya kung ako nanaman ang magplano ng lakad namin?

Tama tama, lagi nalang kasi siya ang nagdadala sa akin kung saan saan. Time na siguro ngayon para ibalik ko yun sa kanya.

Nag-isip ako ng mapupuntahan namin at mga pwede naming gawin. Napangiti ako ng biglang may pumasok sa isip ko, sigurado akong magiging memorable 'to. Pinlano ko sa utak ko lahat ng gagawin namin at napapangiti nalang ako habang ginagawa yun. Siguradong matutuwa yung abnormal sa si JK, mababaw pa naman kaligayahan nun.

Teka, nasaan na ba siya? Dati rati naman ay pinupuntahan agad ako nun.

Pumunta ako sa upper deck dahil baka nandoon sila, doon kasi sila lagi tumatambay nung gamit namin tong yate papuntang isla. Pero pagdating ko dun ay wala akong nakita kahit anino man lang nila.

Maaga ba masyado akong nagising?

Dahil wala naman akong magawa at wala naman akong mababasang libro doon ay pumunta nalang ako ng kusina para maghanda nalang ng almusal nila. Mabuti nalang ay may mga ingredients pa doon kaya hindi naman ako nahirapan, pagkatapos kong magluto ay wala pa rin sila kaya naisipan kong gumawa na rin ng cookies para sa kanila tutal kompleto rin naman lahat ng kailangan dun. Sinisipag talaga ako ngayong araw.

Habang nagbi-bake ako ay hindi ko maiwasang isipin yung mangyayari mamaya. Okay lang naman siguro kung dadalhin ko siya dun tutal ay last day na naman ngayon kaya dapat maging memorable talaga.

Si Shane kaya? Siguradong gagawa yun ng paraan para piliin pa rin siya ni Theo.

Eh si Stephanie? Parang wala lang naman sa kanya yung 10 days, minsan nga iniisip ko na napilitan lang din siya katulad ko na mag-apply dun kasi hindi naman siya kasing excited ni Shane. Mukhang hindi pa nga siya kinikilig kay Alex.

"Mi Alma" napalingon ako sa pinto ng may nagsalita dun, alam ko namang si JK yun dahil siya lang naman tumatawag sa akin ng Mi Alma na hindi ko naman alam yung ibig sabihin.

"Hey, Good Morning" sinulyapan ko saglit ang orasan na nakakabit sa pader at nakita kong 7:30 na pala, isang oras na din pala ako dito sa kusina.

"Pumunta ako sa kwarto mo pero wala ka na dun, pumunta rin ako sa upper deck wala ka rin. Nandito ka lang pala" lumapit siya sa akin at naupo sa highchair sa tabi ko, pinatong niya ang braso sa counter at humilig siya sa kamay niya habang nakatingin pa rin sa akin.

Hinagod ko siya ng tingin at narealize ko nanaman kung gaano siya kagwapo. Maputi, ang ganda ng mata, kinis ng mukha ng akala mo'y walang pores, tangos ng ilong na sobrang bumagay sa kanya- ang sarap niya tignan dahil ang linis linis niya sa paningin, not to mention mabango.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon