Chapter 16

927 51 9
                                    


Marami pa kaming water activities na nagawa sa buong araw na yun tulad ng sea walking, banana boat, water skiing, nag jet ski rin kami ni JK. Inggit na inggit nga si Shane, buti nalang marunong si Brian kaya natuwa naman siya.

"Thank you talaga Brian ah!! Whoo ang saya pa
ang mag-jet ski!" nakaupo kami ngayon sa buhangin at nakatingin lang sa dagat. Napagod kasi kami kaya umupo muna kami para magpahinga.

"Sus!Walang anuman yun atsaka nag-enjoy din naman ako. Hoy Timothy gusto mo mag-race tayo eh!" umayaw sa kanya si JK kaya kinulit kulit njya pa ito pero hindi ayaw talaga ni JK dahil wala rawng kwenta dahil matatalo niya rin si Brian.

Pssh mayabang. Pero parang totoo naman.

Lumayo ako kaunti sa kanila para pumunta sa mga puno ng niyog at naupo ako sa ilalim ng isa sa mga yun. Pinikit ko ang mga mata ko at hindi ako nagmulat kahit na may naramdaman akong umupo sa tabi ko

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang nakapikit pa rin. Even if can't see him, I know it's him because of his presence and his scent. Hindi ko nga alam siguro dahil lagi ko siyang kasama kaya nakikila ko na ang kahit maliliit na bagay sa kanya tulad nalang ng amoy niya, ang creepy nga eh.

"Kasi nandito ka and para na rin magkaroon tayo ng alone time, masyado nang nakaka-istorbo sa atin yung mga ugok na yun" napatawa ako dahil sa sinabi niya kasi parang inis na inis talaga siya.

Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya at naabutan ko siyang nakatingin rin sa akin. Ako ang unang umiwas ng tingin at ibinalik iyon sa dagat.

Natahimik kami saglit at walang ibang maririnig kundi ang hampas ng alon.  I like this feeling, it feels so serene having him beside me and just enjoying the music of the waves. If only this can stay forever.

"Can I ask you something?"  but of course that's not possible because he just can't stay silent.

"Do I have a choice? Kahit naman ata humindi ako itatanong mo pa rin" he laughed and agreed at what I've said

"Ano na nga? Make it fast, I might change my mind" huminto siya sa pagtawa at gumalaw para mas lumapit sa akin. Ngayojn nararamdaman ko na ang braso niya sa akin.

"What's the reason?"

"Ha?" binalingan ko siya dahil hindi ko naintindihan ang itinanong niya.

Anong ano ang dahilan?

Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa dagat nang sumagot siya.

"Noong una kitang nakilala parang wala kang pakialam sa mundo. Alam mo bang sobrang nagandahan ako nun sa mga mata mo pero wala akong makitang emosyon dun, blanko. Bakit?"

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Expected ko rin naman na magtatanong siya at perfect timing nga naman ngayon. Dati kapag naiisip ko yung oras na 'to ay ang balak ko ay umiwas pero parang ayaw kong gawin yun ngayon.

"Ok lang kun--"

"When I was a kid I never experience the normal life a child should have. Home-schooled ako hanggang sa nag-grade 9, pinilit ko ang parents ko na lumipat sa school para mag-grade 10 at pumayag naman sila"

Napangiti ako at naalala ang Kuya ko. Hindi naman kasi talaga ako pinayaga talaga, pinilit lang sila ni Kuya kaya wala na silang nagawa. Sobrang strict ang parents ko sa akin dati at lagi nilang sinasabi na kaya nila ginagawa yun ay dahil gusto lang nila akong maprotektahan. Hindi ko yun maintindihan dati, kanino naman kasi nila ako kailangan i-protect?

"I've always wanted to have friends at hindi naman ako nabigo dahil maramk akong naging kaibigan. Sobrang saya ko dahil finally nararanasan ko na yung mga bagay na napapanood ko lang noon sa t.v. But then I've found out that they just used me"

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon