His Side

1K 61 6
                                    


Timothy's P.O.V

"So before you're debut we decided to make you feel having a relationship"

Napaungol nalang kaming lahat nang natapos ng ipaliwanag sa amin ni manager ang plano nila.

What the heck?

Sa tingin ba nila desperate na kaming magkagirlfriend at talagang may audition pa

Napanguso nalang ako haang iniisip na ang first girlfriend ko ay dahil pa sa contract.

Damn

Sana lang talaga hindi nila ako mahanapan ng sinasabi niyang 'perfect match'

"Hindi ba kayo pupunta sa company ngayon?" Tinignan ko lang si Nathan habang nagsusuot siya ng sapatos niya.

Umiling kami lahat sa kanya. Ngayong araw kasi yung audition para sa magiging girlfriends daw namin. Hindi naman kami interesado dun, si Nathan lang ata ang excited. Gustong gusto ng makaroon ng girlfriend, wala kasing pumapatol.

"Ang arte niyo!Sama na kayo sa akin.Malay niyo may type kayo dun" hinila niya kami isa-isa patayo at kahit anong ayaw namin.

"Oo na!Ito na!" tinignan namin ng masama si Kyle nang tumayo siya pero tinapunan niya lang kami ng unan "Tumayo na kayo jan, alam niyo namang hindi titigil yang abnormal na yan"

Kaya naman wala na kaming naging choice kung hindi ang sumama sa kanila papunta sa company.

Napakaraming babae ang bumungad sa amin ng makapasok na kami sa loob ng Y.R.L.

Dumiretso nalang ako ng lakad at hindi man lang tumingin sa kanila when one girl caught my attention. Unlike the other girls, she doesn't look like she's excited at all. Tahimik lang siyang nakasandal sa pader habang nakikinig sa headset na nakasuot sa kanya.

She looks so cool.

"Hey, Timothy" nawala ang atensyon ko sa babae ng tinapik ako ni Kyle sa balikat, lumingon siya sa tinitignan ko kaya naman nagsalita ako agad para malipat ulit sa akin ang atensyon niya.

Ewan ko ba, ayaw kong tignan siya ni Kyle. Mamaya magka-interes pa sa kanya 'to.

"Saan si Manager?" kumunot ang noo niya sa tanong ko pero sinabi niya rin sa akin kung saan


Hindi ko maitago ang ngiti ko ng lumabas ako galing sa office ni Manager.  May ipinakiusap kasi ako sa kanya at pinagbigyan niya naman ako.

I really don't know what's with that girl but she really got my attention and I'd like to know her better kaya naman kinausap ko si Manager na sana ay if ever na makapass yung babae ay siya ang maging girlfriend ko.

Hindi lang doon natapos ang hiningi ko ng pabor, tinanong ko rin kung pwede bang nandoon ako habang ini-interview yung babae at kahit naguguluhan ay pumayag si Manager kaya naman napanood ko ang buong interview niya habang nasa loob ako ng room na may tinted glass.

Her name's Claire. Claire Ylena Buenavista.

Habang sumasagot siya sa mga tinatanong sa kanya ay wala lang siyang reaksyon at sobrang lamig ng mga mata niya.

Hindi siya yung type ko sa mga babae. Ayaw ko ng mga cold at poker face dahil boring kasama pero there's something about her that I can't pinpoint. I am so interested with her.

Unang araw palang ay pinagplanuhan ko na talaga kung paano ako magpo-propose sa kanya para maging boyfriend niya, kahit hindi na naman kailangan. Nagsearch pa ako sa internet kung saan magandang mag-first date.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon