Chapter 9

952 51 2
                                    

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan nila na manood ng sine kaya ngayon ay ito kaming tatlo nila Shane at Steph sa harap ng cinema habang hinihintay yung mga lalaki na bumili mga pagkain. Sila kasi ang inutusan ni Shane dun samantalang kami naman ang pumili ng movie na papanoorin, well silang dalawa lang talaga ni Steph ang pumili at tumango lang ako.

"Nakakatuwa para tayong nati-triple date!!" kinikilig na sabi ni Stephanie habang inuuyog-uyog pa ko

"Anong parang?Triple date talaga ito 'noh!"

Napangiti nalang ako sa kanilang dalawa habang pinapanood ko silang kiligin.

Kung iisipin, ngayon lang ulit ako nakaranas ng ganito, yung maghang-out kasama ang mga kaibigan ko. Hindi ako nagsisisi na sumama ako sa kanila kanina.

"Oh yan na pala sila"

Lumapit yung tatlong lalaki sa amin at tinulungan naman agad namin sila sa mga dala nilang pagkain.

"Siguraduhin mo lang na maganda yung pinili niyong movie ah" may pang-aasar na sabi sa akin ni Timothy habang pumapasok kami sa cinema, hindi naman ako yung pumili ng movie kundi si Shane kaya imbis na sagutin siya ay inirapan ko nalang

Sa taas namin napiling pumuwesto para hindi masyadong masakit sa mata. Magkatabi si Theo at Shane, si Alex at Stephanie, at nasa gitna naman ako ni Steph at Timothy.

Hindi kami nag-uusap at focus kami sa panonood dahil korean ang language ng movie at kailangan naming magbasa ng subtitles.

Nang nasa kalagitnaan na ang pinapanood namin ay naririnig ko na ang paghikbi ni Stephanie dahil sa nakakaiyak na scene sa movie, napapansin ko na rin ang palingon-lingon sa akin ni Timothy na para bang hinihintay niya kung umiiyak rin ako.

Nakakaiyak talaga ang movie kaya kahit na anong pigil ko sa mga luha ko ay napaiyak na rin ako, pinunasan ko agad ang luha ko para hindi niya mapansin. Maya-maya lang ay hinawakan niya ang ulo ko at inalalayan pasandal sa balikat niya kaya napatingin ako sa kanya

"Ano?" pabulong kong tanong , nilingon niya rin naman ako at nakangiting iminuwestra ang balikat niya bago inilagay ulit ang ulo ko doon

Hinayaan ko nalang ang gusto niya mangyari at sumandal nalang ako sa balikat niya habang pinapanood ang movie. Hinayaan ko na ring tumulo ang mga luha ko dahil sa mga nakakaiyak pang scene.

Hahayaan ko muna ang sarili kong maging vulnerable kahit ngayon lang, tutal ay madilim naman at wala namang makakakita except kay Timothy na alam kong naririnig ang mga mahihina kong hikbi.

"Grabe nakakaiyak talaga, bakit ba kasi namatay yung tatay!?"

"Kaya nga, nakakainis kasi yung matandang yun dapat nagpakamatay nalang siya, nangdamay pa!"

Kanina pa kami nakalabas ng cinema pero si Shane at Stephanie ay di pa rin maka-move on at panay pa rin ang rant dahil sa naging ending ng movie.

Nakakatawa nga kanina kasi paglabas namin sa cinema ay lahat kami pula ang mga mata, nakuha pa nga nila magpicture-picture eh kasi daw mukha kaming mga vampire.

"Arcade tayo!" biglang tumakbo si Theo kasama si Shane sa may arcade kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanila.

"Ang tahimik mo ata" puna ko kya Timothy habang naglalakad kami, kanina ko pa kasi napapansin na hindi siya masyadong umiimik, nakikipagpaliksahan ata sa akin sa pagiging tahimik

"Tss"

Nagulat ako sa reply niya sa sinabi ko kaya napatigil ako at hinarap siya bago tinaasan ng kilay

"Anong problema mo?" mataray na tanong ko sa kanya, medyo nahuli na kami sa apat dahil huminto kami sa paglalakad

"Basta" hinila niya na ako pasunod sa loob ng arcade kaya nawiwirduhang tumingin nalang ako sa kanya. Ang moody niya ha.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon