Chapter 13

976 48 3
                                    


Matapos sabihin sa amin ni Tobi ang lahat ng kailangan naming malaman ay umalis na rin siya dahil kailangan niya na daw bumalik dahil aayusin niya pa ang mga kabayo. Napag-alaman ko rin na kahit sa kanya pala itong bahay ay hindi siya tumutuloy dito kundi doon sa Villa Isabella kasama ang buong pamilya nila.

Maya-maya lang din ay dumating na ang nag-aalaga ng Villa na si Nana Anding kasama niya ang asawa niyang si Tata Tonio, sila raw ang mag-aasikaso sa amin habang naroon kami. Tumanggi nga kami nung una dahil nakakahiya naman pero si Tobi na rin ang nagpumilit.

"May apat na guests rooms rito mga hijo at hija, 1 rito sa baba at iyong tatlo eh nasa taas" tumango kaming lahat kay Nana Anding at pinag-usapan na rin namin kung sinu-sino ang magsasama sa kwarto at syempre kaming tatlong babae ang nasa isang kwarto.

"Hindi ba pwedeng magkasama kami ni--" bago pa matapos ni JK yung sinasabi niya ay siniko ko agad siya sa tiyan niya para matigil siya.

Magsasalita nanaman kasi ng walang kakwenta-kwenta

Pinili namin nina Shane at Stephanie yung kwarto sa taas, ganun din naman sila JK, Theo, at Alex  pati sila Brian at Nathan samantalang sa baba naman sila Cody at Kyle.

Maganda ang napili naming kwarto nila Shane, overlooking sa malawak na kagubatan at sa medyo malayo ay natatanaw ko ang dagat. According sa sinabi ni Tobi kanina ay may Resort sila dito, siguradong maraming turista dun.

"Waahh ang laki ng bed! Kasyang kasya tayong tatlo!"binitawan ni Shane ang dala dala niyang bag at tumalon talon sa kama. Sinenyasan niya pa kami na sumali sa kanya kaya umiling ako agad, wala akong balak na mag--

"Halika na Claire!" hinila ako ni Stephanie papunta sa kama kaya nagmatigas agad ako sa pwesto ko para di niya ako matangay

"Ayoko nga!" pero kahit anong pigik ko ay natulak pa rin ako sa kama lalo na nung pinagtulungan na nila akong dalawa

And before I know it, I am already jumping on our queen size bed with them.

Tawa ako ng tawa habang tumatalon kami sa kama, ang ironic nga eh kasi umaarte pa ko kanina yun naman pala mag-eenjoy din ako.

Nang napagod kaming tatlo sa pagtalon ay sabay sabay kaming nahiga sa kama habang humihingal.

Nagulat nalang ako ng biglang yumakap sa akin si Shane at umiyak, nagkatinginan kami ni Stephanie at pareho atang kaming hindi alam ang gagawin. Anong ba kasing nangyari? Kanina lang tawa siya ng tawa tapos ngayon naman iiyak. Mag-away ba sila ni Theo?

"Shane" umupo si Steph sa kama mula sa pagkakahiga niya at dahang dahang hinila si Shane paupo rin. Ganun din naman yung ginawa ko kaya ngayon ay parang nakapabilog kami. Tinignan lang namin si Shane habang umiiyak siya at bago lang kami nagtanong nung medyo nahimasmasan na siya

"Anong nangyari?" tanong ni Stephanie na agad ko namang sinundan ng isa pang tanong

"May problema ka ba?" alam kong halata sa boses ko ang concern which is very unlike me pero hindi ko na yun pinagtuunan ng pansin. Syempre kahit ganito ako at parang hindi pinapahalagahan si Shane, kaibigan ko pa rin siya.

"Wala naman huhuhuhu, masaya lang kasi ako" and nce again humagulgol nanaman siya ng iyak, nagkatinginan lang kami ni Stephanie at alam kong parehas kaming nagtataka at nawiwierduhan na kay Shane

"Shane umayos ka nga, wag kang umiyak ng umiyak at sabihin saamin kung anong meron sayo. Sa totoo lang natatakot na ako" seryosong sabi ni Steph na medyo nagpangiti sa akin. Hndi na siguro siya makatiis, ganun din naman ako.

"Kasi..." suminghot singhot pa siya at nagpunas ng luha niya bago itinuloy ang sasabihin niya "Sobrang masaya lang ako kasi ang close na nating tatlo tapos si Claire tumatawa na eh dati para siyang walking ice!" tumingin siya sa akin at napatawa naman ako dahil sa itsura niya at sa sinabi niya

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon