Chapter 20

949 54 7
                                    

The Decision

Pagkasing na pagkagising ko palang kaninang umaga ay nakatanggap agad ako ng text galing sa Y.R.L na dapat daw pumunta ako sa company ng 10 am kaya naman kumilos agad ako.

Mabuti nalang talaga at nagising ako ng maaga kaya nakapagluto pa ako ng breakfast. Medyo naninibago nga ako dahil medyo nasanay na ako ng may kasabay. Oh well, dapat siguro masanay na ulit ako ng mag-isa akong kumakain ulit.

Nakapagtataka pa nga na nasa bahay na ako eh, ang pagkakatanda ko kasi ay doon ako sa rooftop nakatulog kasama si Timothy.

Speaking of him. Magkikita kaya kami ngayon?

Just the thought of seeing him excites me kaya naman nagmadali agad akong kumilos. Pero nawala rin agad yung excitement ko ng maisip ko na baka ngayon na rin ang huling beses na makita ko siya.

Napangiti nalang ako ng mapait at tinanggal muna yun sa isipan ko. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay tinawagan ko sila Shane at Stephanie kung nasa company na sila at sinabi naman nilang oo kaya pumunta na rin ako kahit mag-aalas nueve palang.

Huminga ako ng malalim ng nasa labas na ako ng Y.R.L Company. Parang kailan lang nung huling beses na nandito ako at pero parang ang tagal tagal na nun dahil sa dami ng nangyari.

Nang pumasok ako sa loob ay sinabi ko lang sa guard kung ano ang sadya ko at inihatid niya na rin ako sa kwarto,or more like office, kung saan naabutan ko sila Shane at Stephanie.

"Clairey!" tuwang tuwa na lumapit sa akin si Shane at pinaupo ako sa gitna nila ni Stephanie.

"Mukhang masaya ka ata Shane" puna ko sa kanya dahil sobra sobra yung excitement niya na kung tutuusin ay dapat nga kaming tatlong kabahan dahil sa mangyayari ngayong araw. Si Stephanie din ay relax lang, ako lang ba talaga ang natetense?

O dahil lang 'to sa magiging desisyon ko mamaya?

"Syempre naman Clairey, feeling ko talaga ngayon na kami magiging official talaga ni Theo babes eh!" tumalon talon pa siya sa harap ko habang kami si Steph ay nakatingin lang sa kanya.

How I wish kaya ko ring maging kasing excited niya.

"Nag-usap na kayo?" I asked them both nang kumalma na si Shane at tahimik nalang na naupo sa tabi namin.

"Yes"

"No"

Sabay na sagot nila, kumunot naman ang noo ko ko dahil ang nag-'no' ay si Shane pero hindi muna siya ang pinagtuunan ko ng pansin.

"What did you talk about?" tanong ko kay Steph, curious kasi talaga ako kung napag-usapan ba nila ni Alex na itutuloy yung relationship nila o tatapusin na talaga.

Nakakatawa lang na basta basta nalang matatapos, kung matatapos man, ang mga love life naming tatlo.

"Yap, mutual naman yung decision namin. Pero hindi ko sasabihin sa inyo, mamaya nalang" ngumiti siya sa akin at sa ngiti niya palang ay nararamdaman ko na na itutuloy nga nila ni Alex. Hindi naman kasi siya mukhang malungkot.

"What about you Shane? Hindi pa kayo nag-uusap ni Theo?" nagtataka kong tanong sa kanya, sa reaction niya kasi kanina ay akala kong nag-usap na sila at nagdecide to continue their relationship.

"Nope, pero feel at alam ko talaga na we will not end. Ang sweet sweet kaya naming dalawa at parang inlove na rin sa akin si Theo" humagikgik pa siya at ngumiti ng pagkalaki laki.

Nginitian ko nalang silang pareho. I'm both happy for them.

Nagkwentuhan pa kami  ng tungkol sa kung anong mangyayari pero yung isip ko ay lumilipad naman sa ibang bagay.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon