Chapter 14

913 53 2
                                    

Day 8

Shane's P.O.V

"Clairey!Gising!" inuyog ko ng inuyog si Clairey para magising na siya pero hinampas niya lang yung kamay ko

Napanguso nalang ako at nagpatuloy pa rin sa paggising sa kanya pero hindi talaga siya nagigising, tinago niya pa yung ulo niya sa ilalim ng unan.

Itulak ko nalang kaya siya sa kama?

Napahagikhik ako sa naisip ko kasi ang evil evil nun hahaha. Pero pwede rin...wahhh hindi!

Siguradong hindi ako papansinin ni Clairey ng isang buwan kapag ginawa ko yun. Bakit naman kasi ang hirap niyang gisingin eh!

Biglang may kumatok sa pinto kaya napatingin ako dun, nabura agad pag-pout ko at napalitan ng sobrang laking ngiti ng makita ko si Theo sa may pinto. Ang cool cool niya lang tignan habang nakasandal sa may hamba ng pinto. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko! Yieee boyfriend!

"Hindi pa ba siya gising?" ngumuso ako ulit at umiling

Pupunta kasi kami ngayon sa town proper sabi ni Kyle kanina, so sa Puerto Princesa. Naiintindihan ko naman na pagod si Clairey kasi gabi na talaga kami natulog at kilala ko naman siya na tanghali talaga magising.

"Ang hirap niyang gisingin,babe" pinigilan ko ulit tumili ng tawagin ko siyang babe. Nakakakilig naman kasi yung endearment namin hihihi

Feeling ko kinapos ako ng hininga ng bigla siyang ngumiti sa akin at inilahad yung kamay niya papunta sa akin.

"Si Timothy nalang pagisingin natin sa kanya, baba na tayo babe. Gutom na 'ko" hinimas niya pa yung tiyan niya at ngumuso pa sa akin. Yiiieee ang cute cute niya talaga.

Tumango tango ako at tumalon talon papunta sa kanya, hinwakan niya agad ang kamay ko at bumaba na kami papunta sa kusina.

Nasa kalagitnaan na kami ng hagdan ng bigla siya tumigil at tumingin sa akin.

"Hmm?"

"Nakatulog ka ba ng maayos babe?"  at nahulog nga ako sa hagdanan dahil sa pagtawag niya sa akin ulit ng babe.

Joke!

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango habang nagbi-beautiful eyes. Syempre kunwari demure ako kahit sa loob loob ko gusto ko na siyang halikan--waaahh rated SPG.

Nilagay niya sa likod ng tenga ko yung mga takas na buhok sa mukha ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. OMO! Ito na ba yung kiss na hinihintay ko?

Pinikit ko ang mata ko at ngumuso pa ng kunti pero imbis na kiss ang naramdaman ko ay yung pagkurot niya sa pisngi ko ng sobrang higpit.  Nagmulat agad ako ng mata at nakita siyang tuwang tuwa sa naging reaction ko.

"Ang cute cute mo talaga!" ngumuso ako at titignan na sana siya ng masama pero di natuloy yun nang marinig ko yung weird niyang tawa. Napangiti nalang ako ng makita na yung bibig niya nag-rectangle nanaman dahil sa tawa niya, yiiee ang cute cute talaga ng boyfie ko.

"Ang cute cute mo rin babe!"  kinurot ko rin ang pisngi niya kaya natawa nalang kaming dalawa.

Pagbaba namin sa sala ay nandoon na silang lahat, si Clairey nalang talaga yung kulang. Ang mantika niya naman kasi matulog eh.

"Tulog pa rin siya?" yan agad ang bungad  ni Timothy pagkakita niya sa amin. Tumango naman kaming dalawa ni Theo sa kanya kaya tumayo agad siya sa pagkakaupo niya.

"Sige ako nalang gigising" kinamot niya ang ulo niya tapos tumingin sa taas habang parang pinipigilan ang ngiti niya. Tumango siya sa amin bago siya umakyat na para gisingin si Clairey.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon