Chapter 10

1.1K 55 7
                                    


Day 6

This past few days talaga lagi ko nalang nakikita ang sarili ko sa isang lugar kung saan hindi ko naman binalak pumunta. Tulad nalang ngayon, nakasakay ako sa van kasama ang buong S.Rain at sina Shane at Stephanie

"Excited na 'ko sa bakasyon natin!" napapikit ako sa sobrang lakas ng boses ni Shane

Bakit nga ba ako ulit nandito?

Tuloy-tuloy ang pagtunog ng doorbell kaya naman agad napabangon ako para tignan kung sino nanaman ang taong nang-istorbo sa tulog ko.

Nakabusangot na binuksan ko na pinagbuksan ko ng pintuan ang walanghiyang istorbo

"Anong ginagawa mo dito?!"

Mas lalong sumimangot ang mukha ko ng makita ko kung sino ang nasa labas, walang iba kung hindi ang pambansang istorbo ng tulog na si Timothy!

Wala akong pakialam kung wala pa akong hilamos-hilamos o kaya toothbrush man lang! Basta naiinis ako na naputol ang tulog ko!

"Good Morning!" nginitian niya ako at walang anu-anuman na pumasok siya sa loob ng bahay KO

Dumiretso agad siya sa kusina at hinalungkat dun ang mga supot na dala niya, na ngayon ko lang napansin.

Napailing nalang ako ay hinayaan siya sa gusto niyang gawin. Pumasok ulit ako sa kwarto para ayusin ang kama ko at para na rin maligo at makapag-ayos na ng sarili.Wala na rin kasing pag-asa na makakabalik pa ko sa tulog.

Pang-ilang beses na ba akong inistorbo ni Timothy sa pagtulog ko. Pakiramdam ko simula nang magsimula itong 10 days contract ay lagi nalang akong iniistorbo ng mga tao.

Nang lumabas ako sa kwarto ko ay nakahanda na siya ng pagkain at hinihintay na ako sa lamesa para kumain.

"At talagang nagluto ka ng hindi nagsasabi sa akin ah" umupo na ko sa mesa kaharap siya at nilagyan niya naman agad ng pagkain ang plato ko

"Boyfriend duties" simple niyang sabi at kumindat pa sa akin bago siya kumuha ng sarili niyang pagkain

"Feel na feel lang masyado ang pagiging boyfriend ko?" may halong pang-aasar ang tono ko pero hindi ko inaasahan na pagtingin niya sa akin ay madili ang mukha niya, natanggal agad ang ngiti ko at napatingin nalang sa kanya na medyo masama na ang tingin sa akin

"What?" nagtataka kong tanong sa kanya, bigla bigla nalang kasing tumitingin ng masama. May masama ba akong nasabi?

"Tss, we're a couple so I really should act like a boyfriend...I want to act as a real boyfriend to you" umiwas siya ng tingin sa akin at bumaling na lang sa pagkain niya

"O-kay" naguguluhang sabi ko nalang dahil hindi ko makuha kung anong ipinupunto niya.

Ano daw bang dahilan ng pagtingin niya bigla ng masama?

Pinabayaan ko nalang siya at kumain nalang ako, inaatake nanaman siguro ng pagiging weirdo.

Masarap talagang magluto si Timothy kaya marami akong nakain, mas nauna siyang natapos sa akin pero hindi siya agad umalis sa lamesa at hinintay pa akong matapos.

Oo nga pala, hindi ko pa natatanong kung bakit siya pumunta dito ng ganito kaaga.

Tapos na akong kumain at tatanungin na sana siya pero nauna siya sa aking magsalita.

"Ako na maghuhugas" niligpit niya lahat ng nakalagay sa lamesa at dinala ito sa lababo, tumayo naman ako agad at sinabing ako na ang maghuhugas. Siya na nga ang nagluto tapos siya pa rin ang maghuhugas.

"I'll do this, just watch some shows on tv or read a book or something"

Hindi ako pumayag sa gusto niya at pinilit pa rin na ako na ang maghuhugas kaya sa huli ay kami nalang dalawa. Siya ang tagabanlaw at ako naman ang nagtutuyo.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon