Chapter 6

1.1K 72 2
                                    

Day 4

Hinagilap ko ang cellphone ko nang biglang tumunog ang nakabibingi nitong alarm na nagpagising sa akin.

"Hello"

Tinignan ko ang alarm clock sa bedside table at napaungol ako ng makita kong alas onse na ng umaga. Madaling araw na kasi ako nakatulog kahapon dahil tinapos ko pa iyong libro na pinahiram sa akin ni Steven.

(Kagigising mo lang?)

Nang marinig ko ang boses sa kabilang linya ay napapbangon ako at napakunot ang noo. Ibinaba ko ang phone para tignan kung tama nga ang hinala ko at nang makita kong siya nga ay tuluyan na ngang nasira ang simula ng araw ko.

"Pakialam mo ba?Istorbo ka sa tulog"

(Bakit kasi ngayon ka lang nagising?Tanghali na)

"Ano bang kailangan mo?"

Ang dami kasing satsat hindi nalang sabihin sa akin kung anong sadya niya at nangsira pa siya ng tulog.

(Date tayo)

"Busy ako"

Tumayo ako at inayos na ang kama, ini-loudspeaker ko nalang yung phone ko at inilagay sa bedside table habang inaayos ko ang pinaghigaan ko

(Weh? Anong gagawin mo?Sasamahan nalang kita)

"Mga bagay bagay lang"

(Like what?Samahan nalang nga kita)

"Hindi ka pwede dun"

Tinanggal ko na ang pagka-loudspeaker ng phone ko at lumabas na ng kwarto

(Bakit saan ka ba pupunta?)

Saan nga ba ako pupunta? Ibabalik ko lang naman ang libro kay Steven, so sa cafe ako ng kaibigan niya pupunta.

"Sa Cafe ni Steven"

Binuksan ko ang ref para maghanap ng maluluto kong pagkain. Napailing na lang ako ng makita kong halos wala ng laman ang ref ko, mukhang kailangan ko ng mag-groceries.

(Paanong hindi ako pwede dun eh kaibigan ko may-ari nun)

"Bahala ka"

Nang may nakita akong bacon ay inilabas ko iyon. Alam kong masyado ng late para sa breakfast pero nagugutom na ako eh.

(Yey!!)

Biglang tumahimik ang kabilang linya kaya tinignan ko kung nandoon pa siya, at on going pa rin naman ang tawag.

"Hello?"

(Claire?Hmm pwede mo na ba akong pagbuksan ng pinto?Nangangawit na akong tumayo)

"Ha?"

Pumunta kaagad ako sa may pinto at binuksan yun, nandoon nga siya sa labas.

Ngumiti siya sa akin at kumaway bago pumasok sa bahay ko kahit hindi ko pa naman siya iniimbitahan.

Umupo siya sa sofa ko kaya wala na ako nagawa kundi ang isara na lang ang pinto. Masyadong makapal ang mukha niya, feel at home na feel at home pa siya tsk.

"Bakit ka nandito?---ah nevermind, kanina ka pa nanjan sa labas?"

Hindi ko na pala kailangan itanong kung bakit siya nandito, kasi siguradong date nanaman ang dahila niya.

"Oo, kumakatok ako kanina kaso walang sumasagot kaya tinawagan nalang kita"

Tumango nalang ako at itinuloy na ang pagluluto ng pagkain ko, masyado sigurong mahimbing ang tulog ko kaya hindi ko na narinig ang pagkatok niya. Madaling araw na rin kasi ako natulog kahapon dahil tinapos ko pa ang librong hiniram ko kay Steven.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon