Chapter 7

1.1K 59 2
                                    


"Anong ginagawa natin dito?" bumaba na ako sa motor at tinanggal ko ang helmet na suot ko at iniabot sa kanya

"Date"

Tinignan ko lang siya ng masama bago ko ibinalik ang titig ko sa buong amusement park. Tinitignan ko palang ang mga nagtataasang rides ay feeling ko masusuka na ako.

"Ayoko dito"

"Bakit?Masaya kaya dito. Lika na bilis!" hinila niya ako papasok sa amusement park at siya na rin ang nagbayad para sa aming dalawa habang ako ay tinitignan pa rin ang buong lugar.

First time ko makapunta sa isang amusement park. Mas gusto ko kasi sa loob ng bahay kaya bihira lang ako lumabas.

Bumalik ang tingin ko kay Timothy nang may sinuot siyang wristband sa akin matapos niya kunin ang kamay ko

"What's this?"

"Wrist band" nakangiti niyang sabi sa akin.

Pinigilan kong irapan siya. Walang kwenta naman kasi ng sagot niya, syempre alam kong wristband ito. Ang ibig kong sabihin dun eh kung para saan.

"Come on!"

"Pwede bang kumain muna tayo?" I eyed the rides nervously bago ko ibinalik sa kanya ang tingin ko

"Gutom ko na ba?"

Tumango ako sa kanya kahit sa totoo ay hindi pa naman talaga ako nagugutom. Gusto ko lang talaga i-delay ang pagsakay namin sa mga nakakatakot na rides.

Tinagilid niya ng unti ang ulo niya at tinitigan ako na para bang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo.

Pinilit kong itago ang kabang nararamdaman ko at tinignan rin siya ng diretso.

"Gutom ka ba talaga?"

"Oo nga!"

"Baka naman natatakot ka lang" pang-aasar niya pa.

Halatang halata sa mata niyang inaasar niya lang ako, at nag-eenjoy pa siya!

"Ako takot?Hindi noh. Nagugutom lang talaga ako" nagkunwaring lumingon lingon ako sa paligid

"Saan ba may nagbebenta ng masarap na pagkain dito?" nang may nakita akong parang bakeshop ay naglakad ako papunta dun at iniwan si Timothy

Alam kong nakatingin siya sa akin pero wala akong pakialam. Nang medyo malapit na ko sa bakeshop ay nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

Nakatingin pa rin siya sa akin. Ngumisi siya na parang aliw na aliw at umiling bago naglakad palapit sa akin.

Tinalikuran ko naman agad siya at nauna na akong umorder ng pagkain.

Nauna na akong um-order at dahil hindi naman talaga ako gutom ay cheese cake at softdrinks lang ang pinili ko.

Tahimik kaming kumain, paminsan- minsan ay tinitignan ko siya at nakikita ko kung paano siya nakatingin sa akin nang nakangisi na para bang naaaliw ko siya.

And trust me, I really want to wipe that smirk off his face, it really irritates me.

"Busog ka na? Pwede na tayong sumakay sa mga rides?" bakas sa boses niya ang panunuya pero hindi ko nalang pinansin yun

"Katatapos lang natin kain, baka sumakit ang tiyan natin" malamig kong sagot sa kanya

"Okay" mas lalong lumawak ang ngisi niya kaya umiwas nalang ako ng tingin sa kanya para mapigilan ko ang sarili kong layasan siya.

I busied myself looking at the rides that I will probably ride later. Nalulula talaga ako sa mga matataas na rides, but I can't say that I can't ride it, I haven't even tried.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon