Chapter 4

1.5K 91 9
                                    

"I'm home!--eh? Bakit walang tao?" hinila niya ako at pinaupo sa sofa sa sala nila

"Stay there" nairap ako dahil sa sinabi niya. Ano ako aso?

Iniwan niya ako sa sala nila habang siya ay hinanap sa buong condo yung mga groupmates niya.

Malinis ng condo nila, hindi mo aakalaing mga lalaki ang nakatira dahil walang nakakalat na kung anu-ano sa paligid. Black and white ang kulay ng halos lahat ng mga gamit.

Ano kayang itsura ng mga kwarto?

Tss ano bang pakialam ko?

Maya-maya lang ay bumaba siya galing sa second floor, I assume na nandoon ang mga kwarto nila, naka-pout siya at parang may ginawang atraso. Tsk parang alam ko na kung anong nangyayari.

"Wala sila?" umupo siya sa tabi ko at tumango

"Yeah, akala ko talaga nandito sila. Saan nanaman kaya pumunta ang mga yun?Sayang gusto na pa naman kitang ipakilala sa kanila"

Halata nga. Mukhang disappointed na disappointed kasi siya na wala dito mga groupmates niya.

"Nagugutom na ko, ipagluto mo ako" tinanggal ko sa balikat ko ang bag ko at binuksan ang tv nila.

"Talaga?" hindi ako tumingin sa kanya at nakatingin lang ako sa tv, kahit hindi naman talaga ako nanonood, pero halata sa boses niyang di niya ine-expect na sasabihin ko yun.

Sa totoo lang gusto kong bawiin yung sinabi ko. First time ko ngayong makapunta sa bahay ng isang lalaki at hindi ako komportable, lalo na at dalawa lang kami dito.

Kaso ako yung taong hindi binabawi ang sinasabi kaya pangangatawanan ko na na yun, tutal wala namang mawawala sa akin.

"Yeah yeah" sinamahan ko pa yan ng hand gesture para sign na wag niya na akong guluhin.

Agad-agad naman siyang tumayo at pumunta sa kusina nila,may pahum-hum pa siyang nalalaman. Abnormal talaga.

Hindi ko nalang siya pinansin at ibinigay ko nalang ang atensyon ko sa tv.

Wala bang magandang palabas?

Palipat-lipat na ako ng channel na pinapanood pero wala man lang kahit isang nakakatuwang---wait.

Napatigil ako sa paglilipat ng tumapat sa MYX yung sumunod na channel na napindot ko, hindi naman ako mahilig manood dun pero kasi nakita ko yung pagmumukha ni Timothy.

Ibinaba ko ang remote na hawak ko at nagfocus sa panonood. Music Video nila yung pinapalabas, narinig ko na yung kanta pero ngayon ko lang napanood yung mismong video. Magagaling nga talaga sila sumayaw pati kumanta.

Katulad nga ng sinabi ni Timothy ay pito sila; siya, si Theo, si Alex at yung apat ay hindi ko pa kilala.

"Claire, lunch is ready!" kinuha ko kaagad ang remote at pinatay ang tv. Mamaya maabutan niya pa akong nanonood ng MV nila, kung ano ano pang isipin niya.

Ililipat ko na kasi dapat kanina yung channel pagkatapos nung MV nila pero yung sumunod ay sa kanila pa rin, hanggang sa pinakadulo music video pa rin nila yung pinapalabas. Muntik ko na ngang isipin na baka may time slot talaga na panay kanila lang yung ipapalabas.

Tinawag niya ulit ako kaya pumunta na ako sa kusina.

"Ito tikman mo ito, masarap yan" napataas ang kilay ko dahil sa kinikilos niya. Pagkaupong-pagkaupo ko ay kung ano-anu na yung pinaglalalagay niya sa plato ko.

Marami siyang niluto, nagtataka nga ako kasi saglit na oras lang pero ang dami niyang naihanda. Sinungitan ko pa nga siya kanina kasi akala ko left-overs yung iba pero pinilit niyang siya talaga yung nagluto kaya hinayaan ko nalang, at hindi rin namang mukhang left-overs yung mga pagkain.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon