******
Bryanna's POVHanggang ngayon preoccupied parin ang utak ko. I'm still in a HALLOW mood. This is my Current mood. Buti nalang at wala pa rito si mama sa bahay dahil kung hindi pinagalitan na niya ako dahil nagabihan akong umuwi galing sa klase. Nakakainis na robert yan dahil sa kanya pinalabas ako at pinapunta sa library dahil di raw ako nakikinig sabi ng math teacher ko. Si Miranda? Ayun tuwang-tuwa nag gesture pa siya ng Big L sa noo niya using her right hand sabay sabing LOSER.
"Nakakainis ka talaga!!!" Sabay palo ko sa kama ko. Hindi ko na alam gagawin ko. Lahat nalang ba sila galit saken? Nakakainis naman wala naman akong ginagawa eh. Eh kung! Lumipat nalang kaya ako ng school? Pero 'di pwede baka mahirapan si mama dahil nandito sa cavite yung trabaho niya. "Anak anong nakakainis?"
"Aahahhhhh!!!" Aalis na sana ako sa kama ko para magtago napabalikwas ako dahil sa pagmamadali mali ang pagkakabagsak ko sa sahig at unang bumagsak ang right foot ko, ang sakit ng right foot ko!!!"anak! Ano ba?! Para ka anamng nakakita ng multo?" Si mama? Si mama pala yun ano bayan pati mama ko nakakalimutan ko na. Dali-dali siyang pumunta saken yung mukha niya di maipinta.
"Ma? Bat mo naman ako ginulat?" Parang wala nang hangin tong katawan ko sa pagsasalita."Anak. Hindi kita ginulat. Sumigaw ka ng nakakainis talaga!"
Napatawa nalang ako sa expression ng mukha ni mama dahil sa pagkakasabi ng nakakinis ka talaga.
"Oh? Anong nakakatawa? Akala ko kung may kasama kanang lalaki rito at kinikiliti ka!" Lumaki yung mata ko sa sinabi ni mama. Ako nagdadala ng lalaki sa bahay?! 'Di ako ganun ah!"Ma! Kung anong pinagsasasabi mo. Hindi ko gagawin yung magdala ng lalaki rito sa bahay, tsaka ma mukha bang natatawa yung boses ko sa pagsalita nun?"
Biglang umamo yung mukha ni mama na para bang nabunutan siya ng tinik sa dib-dib.
" halika na at tulungan kita riya. Mag gabihan na tayo."Pagkapunta namen sa lamesa ay nagdasal muna kame at kumain na. Hanggang ngayon makirot parin yung paa ko pero ipapahinga ko lang to. "Kamusta araw mo nak?" Biglang tanong ni mama.
Alangan namang sabihin kong; ma pinalabas ako ng teacher kasi hindi ako nakikinig sobrang hallow ako dahil yun kay robert. Sabi niya he like me raw. Hanggang ngayon ano bang gagawin ko?
"Bryanna! Tinatanong kita. Wala sa bintana ang kausap mo nasa harapan mo"Nagulat ako sa pagsigaw ni mama. Pero hindi naman siya galit.
Dumungaw si mama sa bintana kung ako nakatingin kani-kanina lang.
"Sorry naman ma. Ang ano. Ang g-ganda kasi ng stars eh"
Sabay ngiti ko ng pilit kay mama. Parang di kumbinsido si mama. Patay.
"Ma malamang maganda yung araw ko kasi buhay pako, tsaka kasama kita"
Paglalambing ko kay mama. Ngumiti si mama saken na para bang ako lang masaya na rin siya. Sa totoo lang gustong-gusto kong tanungin si mama kung nasaan si papa. Pero natatakot ako na baka umiba yung aura. Hanggang ngayon taglay parin ni mama ang pagiging Dyosa niya.Siguro marami na ang nagbabalak na may manligaw kay mama. Siguro puro sila busted hahahaha.
"Ma? Wala bang nanliligaw sayo?"
Tanong ko sakanya. Napatigil si mama at tumingin sakin. Humawak siya sa mga kamay ko.
"Meron. Pero alam mo ang sabi ko. Ayos na ako kahit walang lalaki sa buhay ko dahil meron namang binigay ang Dios saken na isang anghel na nagmamahal saken. Masaya ako dahil binigyan ako ng Dios na masunurin na anak. Kahit na wala siyang ama pinaparamdam niya saken kung gaano niya ako kamahal. At mahal na mahal ko ang anak ko."Nakangiti si mama biglang tumulo yung luha ni mama hindi dahil sa lungkot kundi dahil nararamdaman kong mahal niya ako at dahil masaya siya. Tuloy, nahawa ako kay mama kaya napaiyak na rin ako.
"Ma. Ikaw na ang the best parent na binigay saken ng Dios. Kasi mama kana nga may halong papa pa."
Saorang saya ko kahit na wala akong papa siya lang ayos na ayos na ako."Anak. Sorry ha. Hindi ko maibigay yung pamilya na pinapangarap mo. Alam ko na gusto mo rin ng papa. Nararamdaman ko yun pero pasiyensa na ha. 'Di ko manlang maibigay-bigay yun. Kahit na pag luho mo."
Hinawakan ko ng mabuti si mama sa kamay. Dahil napapasinok na siya.
"Ma. Hindi naman ako mahilig sa materyal na bagay eh. Hindi ko naman kailangan ng buong pamiya. Pero minsan naiisip ko masayang masaya ba kame kung buo kame? Pero ma nabubusog mo ako ng pagmamahal mo. Sapat kana saken at yung love mo.""Ay. Payakap ng nak." Dahil 'di ako makalapit kay mama kay siya na ako lumapiy saken at yumakap siya. Ang sarap-sarap sa pakiramdam na mahal na mahal ka ng mama mo.
"Bryanna baka naman may nanliligaw na sayo?"
Pag oosyoso ni mama saken.
"Ma naman. Nag dra-dramahan tayo. Tapos isisingit mo yan."
Natatawa kong saad kay mama habang pinupunasan yung luha ko at ganun yung ginawa niya. Pagkatapos nameng kumain nag kuwentuhan pa kame at until we said good nights to each other."Good Morning world!!!" Masayang masaya kong bati sa sarili ko.
Ang sarap sarap sa pakiramdam na ang gaan ng loob mo paggising mo. Ang saya kagabi kasi sa buong buhay ko kagabi lang kame nagkuwentuhan ng masasaya ni mama. Halos kasi dumadating siya gabi na. Minsan sabay nga kameng kumakain pero kailangan ko namang matulog ng maaga. At ngayong oras na to pumasok na si mama sa trabaho niya. Naligo na ako at lumabas ng kuwarto ko. Nag Iwan siya ng almusal ko. Pagkatapos kong kumain. Pumasok na ako sa school.***
"Good Morning class" bungad samen ng teacher namen sa christian living education. Ang topic namen ngayon is about family isa-isa kameng pinapunta sa harap at magbigay ng simple word about family.
It's my turn.. "Ms. Antonio what can you say about family?""Family. Kahit na wala akong papa. Ayos lang saken kasi nandiyan naman si mama para mahalin niya ako. I don't need material things. Dahil walang katumbas ang pamilya sa mamahaling bagay na meron sa mundo. Pagmamahal yan yung kauang ibigay ni mama saken kaya nabubuhay ako kaya kayo wag kayong magalit sa mga magulang niyo kung kung minsan pinapagalitan nila kayo o hindi nila nabibili yung gusto niyo. Sana isipin niyo nag sasakripsyo sila sa mga trabaho nila para makapag-aral kayo sa ganitong eskuwelahan. Mahalin niyo parents niyo, hindi lahat may kumpletong pamilya."
Ang tahimik nila. At unti-unti kong naramdaman yung pagpapalakpak nila. "Well done Ms. Antonio"
This is amazing.*******
Vote and comments guys!!!
BINABASA MO ANG
My Love (On-going)
Подростковая литератураThis is my first time to make a story that will make your heart pound ㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁㅁ Alam mo young feeling na para kang nasa Cloud 9 Dahil Sakanya nag bago ka, The Silent and Introvert inside you nilabas niya...