Chapter 20

1 0 0
                                    

ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ
Bryanna's POV

Nagiaing ako dahil may naramdaman akong nakatitig saken.
Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko.
Si Papa pala.

"Pa. Ano pong ginagawa niyo rito?"
Takang tanong ko kay papa.
Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan

Nakakalula kasi ang tagal kong di nakita ang papa ko.
Nararamdaman ko na mahal na mahal ng papa ko ang mama ko.
At ganun dun si mama kay papa pero in denial si mama.

"Good Morning anak. Nagising ba kita?"
Nakangiting tanong ni papa saken

"Yung totoong sagot po?"
Tanong ko kay papa
At tumago siya bilang sagot.

"Opo. Pero ok lang po. May pupuntahan po ba tayo.?"
Takang tanong ko kay papa. Sabado ngayon, pero may trabaho si papa.
Masasabi ko sa aura ni papa na may pupuntahan kame.

"Kumain na anak! Mag umagahan muna ikaw anak bago ka maligo"
Sigaw ni mama galing sa may kusina.
"Opo!"
Pagsasang-ayon ko.

"Halika na anak."
Pag-aakay saken ni papa.
Kaya bumaba kame at pumunta sa kusina.

Kaya umupo na ako para kumain
Inaya ni mama si papa na kumain pero tumanggi si papa kasi kumain na raw siya.
Kaya kameng dalawa lang ni mama ang kumakain.
Pagkatapos nameng mag-almusal ay pinagligo na ako ni mama.

Ako nalang ang di nakaliligo si mama kasi ang maagang gumagising sameng dalawa.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at dali daling bumaba.
Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nina mama at papa.
Kaya tinawag ko sila para sabihing ready na ako.

Napagtanto ko na sa R Vilalage kame pupunta.
Nasa Manila ito sa Quezon City
Halos dalawang oras din ang biyahe mula sa Cavite.

Ito ay isa sa mga pag-mamay ari nila Miranda.
Alam nameng lahat ang tungkol sa kaniya dahil isa siyang anak ng mayaman pero di ko akalain na papa ko pala yun.

Nakakagulat kasi alam ko yung tungkol sa buhay ng mga classmates ko pero simpleng impormasyon hindi ko alam tungkol sa papa ko.

Pero nung tumigil ang kotse ni papa sa isang maganda at malamansiyong bahay patang palasyo.
Ito atang bahay na to ang pinakamalaki at magandang bahay sa R Village.
Pagmamayari pala nila to.

Kaya nung pumasok kame sa mansiyong bahay nagulat ako dahil nginitian si mama at ako.

"Naku! Lalo kang gumaganda Lyna, ay! Eto naba yung anak mo?"
Tumawa si mama dahil masaya at kilala siya ng mga kasambahay sa bahay na to'

"Si ate Esther talaga. Opo eto po pala yung anak ko si Bryanna. Bryanna anak, si ate Esther ang mayordoma nila at kaibigan ko."
Aaahhhh! Kaya pala kilala si mama eh.

"Hello po. Magandang umaga po sa inyong lahat"
Pagbati ko kina manang Esther at sa mga kasama niya.

"Naku!!! Ang ganda na mabait at magalang pa itong batang ito"
Pagpupuri saken nang isa sa mga kasama ni Manang Esther.
Kaya nginitian ko nalang silang lahat.

"Manang mauna na po kame sa sala."
Pagpaparamdam ni papa sakanila.
"Ay! Sorry po sir. Talagang naaliw lang po talaga kame kay Lyna at sa anak niya"
Kaya bumalik na sila sakanilang mga kani-kaniyang trabaho.

Pero parang may kakaiba.
Nahuli ko ang isa sa mga kasambahay na masama ang tingin saken.
Kaya hinayaan ko nalang ito.

Habang nag memeryenda kame nila papa
Ay nakita ko si Miranda na papasok

"Miranda! You're here"
Pah we-welcome ni papa kay Miranda.

"Obviously dad yes. Pumunta ako rito para dalawin si mommy. But I didn't expect our visitors."
Tumingin samen si Miranda.

"Your mom is not here umalis siya"
Kaya dire-diretso si Miranda na umakyat sa second floor
Nakita ko sa mga mata niya yung luha na gustong kumawala sakaniyang mga mata.

"Pagpasiyensiyahan niyo na si Miranda sadyang ganun lang talaga siya."
Pagpapaumanhin ni papa samen ni papa

"Ayos lang po papa sanay nako sakaniya. Classmate ko naman po siya."
Pag-papaalala ko kay papa.

"Tignan mo nga naman it's not a coincidence."
Tumawa si papa kaya nahawa na rin kame ni mama sa pagtawa.

"Ah!"
Nagulat kameng lahat dahil sa sigaw na malakas.
Kaya dali-dali kameng umakyat at pumunta sa bandang dulo siguro kuwarto to nila papa.

Kaya binuksan agad ni papa ang pinto.
Lalapitan na sana ni papa si Miranda ng biglang mat tumulak sakaniya.

"Mommy?"
Takang tanonh ni Miranda. Nang makita niya ang Mommy niya.

"Iwan niyo na kame! Umali kayo rito! Alis!"
Tinulak kame ng mommy ni Miranda papalabas ng kuwarto at ini lock agad niya ang pinto.

Kaya umalis nalang kame. Habang bumababa kame ay dali-daling
Bumaba si Miranda sa hagdan at umalis ng walang lingon.

Nagpakawala si papa ng hangin tanda na dismayado siya.
"Alam ko sana masya tong araw na to. Sorry ha. Ihahatid ko na kayo."
Kaya nung nakalabas kame ay sasakay na sana ako sa kotse ni papa ng naiwan ko yung shoulder bag ko.

"Pa! Sandali kang po naiwan ko po yung bag ko. Kukunin ko lang po saglit"
Kaya nung nakuha ko ang bag ko.
Ay nakita ko ang Mommy ni Miranda.

"Paalala lang. Hindi kayo tatagal dito"
Sinabi niya iyon ng may ngisi sa kaniyang mga ngiti.

Nagtataka ako sa sinabi niya.
Tatagal saan? Dito?
Hindi naman kame titira rito.
May bahay naman kame.

Kaya nung pumasok ako sa kotse. Ay hindi ko alam ang nararamdaman ko.
Kinakabahan ako.
Siguro nahalata ni mama ang aura kaya nagtanong siya.

"Anak may problema ba?"
Nag-aalala si mama saken kaya nginitian ko nalang siya.

Habang bumibiyahe kame ay biglang tumigil ang sasakyan
Akal ko nasa bahay kame pero nasa isang restaurant pala kame.
Sa sobrang pre-occupied yung utak ko akal ko nasa bahay na kame.

"Anak kain muna tayo."
Kuya bumaba na kame at kumain.
Sa sobrang dami kong naisip
Andame kong nakain.

"Oh! Anak dahan dahan lang"
Pagpipigilmsaken ni papa.

"Sorry po papa gutom lang po talaga ako"
Kaya kumain nalang kame.

Nung malapit na kame sa bahay may nakasalubong kameng Truck ng Bumbero.
Anong meron may sunog?

Hindi na makapasok yung sasakyan ni papa dahil sa sobrang daming mga tao na nagkakagulo.

Kaya bumaba na kame.
Saktong nakita ko si Tita Mia.
Isa sa mga katrabaho ni mama at kapitbahay namen.

"Lyna! Jusko! Bakit ngayon lang kayo?"
Natatarantang tanong samen ni Tita Mia

Nasulyapan ni mama ang makapal na usok sa ulap.
"Jusko! Sunog! San nanggaling yan?!"
Natataranta si mama.

"Lyna calm down"
Pagpapakalma ni papa kay mama.

"Yun na nga eh! Yung sunog galing sa bahay ninyo!!!"
Biglang tumigil ang mundo dahil sa narinig ko.
Nabibingi naba ako?

ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ ㅁ
Jusko! Anong nangyayre sa bahay nila Bryanna?

Palala lang po ang inyong nababasa ay fictional lamang pati ang mga  pangyayari, at ang mga pangalan pero yung school totoo yun.

Spread the love!
Share, comment and vote!

My Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon