Chapter 20: TABING DAGAT

36 2 0
                                    

Chapter 20: TABING DAGAT



Ceejay's POV

"Baby boo, akin na yang mga gamit mo ilalagay ko na sa compartment ng kotse ko." Ibinigay ko naman kay Tristan ang mga gamit ko. Madami rin 'to sa totoo lang.

"Ceejay!" Napa-tingin ako kay Kk ng tawagin niya ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Problema ng babaeng 'to.

"Anong nangyayari sayo, Kk?" Naka kunot ang noo na tanong ko. Naka nguso siya habang naka-tingin sa akin.

"Can you give me a favor?"

"No." Napa ngisi ako ng lalo siyang ngumuso. Haha

"Ceejay naman! Pwedeng pasabay sa inyo. Wala akong sasakyan. Promise hindi ko naman kayo gugulohin ng Tristan mo. Just give me a ride. Pretty please." Pinagdikit niya pa ang palad niya at nagpacute pa sa akin.

"Hahaha. Oo na--."

"Hoy babae sa akin ka sasabay. Sisirain mo pa yong moment ng dalawa!" Bigla naka singit naman 'tong si Chris.

"Ayaw ko ngang sumama sayo! Kesa naman magkamoment ako sayo. Yuck!" Eto na naman po sila. Nag-aaway na sila sa harapan ko. Nasaan ba ang refeering si Alexa.

Hinanap siya ng paningin ko at nakita ko naman siya na may tinitingnan. Tiningnan ko naman kung anong tinitingnan niya. Naka-tingin siya kay Vince na kausap ni Tristan. Inlove talaga ang bruha.

"CHRISTOFER LEWIS! IBALIK MO ANG MGA GAMIT KO! AYAW KO SUMABAY SAYO! MAPAPATAY KITA!" Nawala ang atensyon ni Alexa kay Vince at napatingin sa direksyon namin dahil sa pagsigaw ni Kk.

Binigyan ko siya ng mapanuksong ngiti kaya pinamulahan siya ng pisngi. Hindi nagtagal naglakad siya papunta sa direksyon namin. Nandyan na ang referee.

"Ano na namang problema niyong dalawa?" Tanong niya sa dalawa.

"Iyang magaling mong pinsan! Binibwisit na naman ako. Ayaw ko ngang sumabay sa kanya!" Palaging high blood tong si Kk.

"Okay, ganito na lang. Ako na lang ang sasabay kay Chris at ikaw kay Kk kay Vince ka na lang sumabay. Papayag naman 'yon." Biglang nagningnging ang mata ni Kk sa narinig niya.

"Ha? Kay Vince? No need na friend kay Chris na lang ako sasabay at ikaw kay Vince ka na lang."

"No! Sa akin din sasabay si Alexa." Protective na pinsan.

"Diba gusto mo kong kasabay kaya tara na. Ayaw mo noon solong solo mo ko." Si Kk naman ngayon ang nang-aasar at kinacareer niya talaga ang pagiging cupid.

"Nakakadiri ka. Sasabay si-- Aray!"

"Lets go." Sabi ni Kk habang hila hila ang tenga ni Chris. Kawawang nilalang.

"Teka lang naman, KK. Sa inyo--"

"Hay nako, Alexa. Sunggaban mo na ang pagkakataon. Seven years, Alexa. Seven years mo siyang tinatanaw sa malayo. Don't miss the chance to be with him." Sabi ko. Yumuko siya na parang nahihiya. Totoo naman. Sobrang tagal niyang tinanaw lang sa malayo ang taong gusto niya.

Nagulat pa nga pa nga ako ng ikwento niya ang tungkol doon. Isang Alexandra Lewis na akala ko dati walang magugustuhang lalaki.
"Nahihiya kasi ako, Ceejay. Paano ko sasabihin na sasabay ako sa kanya?"

"Yun lang ba? Ako bahala." Yabang ko no.

"Ha?!" Gulat naman siyang tumingin sa akin. May nakakagulat ba?

Hinawakan ko siya sa wrist at pumunta kina Tristan na busy sa pag-uusap. Sa bahay bakasyunan kasi nila kami pupunta. Gulat kayo no. Bakasyon na kasi namin noong isang araw at napagplanuhan namin to.

SPELL Turns into LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon