Ceejay's POV
"CEEJAAAAAYYYY NICOLEEEE!!" Gosh! Masakit sa tenga yung pagtawag nila kasi naman, tatlong babaeng may megaphone ang bunganga ang tumatawag sa maganda kong pangalan. Ang lapit lapit na nga nila kung makatawag wagas.
"Ceejay okay kana ba ha?!" Aubrey Jane Lewis. One of my BFF. Fashionista, mahilig magparty, at higit sa lahat SOBRANG KULIT!. Isang rin siyang Amasona sa totoo lang. And take note maganda yang babaitang yan pero mas maganda ko. Charot lang!
"May masakit ba sayo ?" Nag-aalalamg sabi ni Alexandra "Alexa" Lewis. Isa rin sa mga kaibigan ko . Magpinsan sila ni Aubrey. Mahilig siya sa gatas ung BEAR BRAND. Pinapapapak niya. Ang baliw lang ! Yung tipong nakikipagsapakan siya makabili lang ng gatas. -_- Medyo boyish pero maganda . Mahilig magparty hindi lang halata.
" Umupo ka muna baka mabinat ka." Karen Kate " KK" Silva. Party girl din. Pinaka wild sa lahat ng babaeng nakilala ko. Playgirl for short. Maganda rin syempre.
Ang OA nila sobra ! Nahawa na sila kay Aubrey! Bakit ba may mga kaibigan akong ganito?! Nagkalagnat kasi ako kahapon kaya nagpapaka- OA sila. Normal na iyan sa kanila.
" Ang OA niyo. Ayos na ko. Nakapasok na nga diba ?" Sabi ko sa kanila habang umupo sa upuan. Andito nga pala kami sa room waiting for our professor.
"Pero bakit parang pumayat ka ? Hindi ka ba kumakain ?" Hindi pa ring tumitigil na sabi ni Aubrey.
"Yeah right!" Segunda naman nang dalawa. Napabuntong hininga na lang ako.
" Itigilan niyo nga yang pagiging OA niyo. Umupo na kayo." Umupo na nga sila .
Katabi ko si Aubrey. Yung dalawa sila naman yong magkatabi sa likuran namin.
"Okay ka na ba talaga ?" Hay! Aubrey!
"Hindi ka ba titigil Aubrey?!"
"Oo na . Oo na. Titigil na pero sabihin mo lang if you need som--"
"Aubrey Jane Lim, ANO BA TALAGA GUSTO MO AWAY, GULO, GERA!?" Ang kulit niya SOBRA! Naiinis na ako! Obvious naman diba!
"Excuse me, Ms. Buenaventura can you please shut your mouth up." Nagbago ang ekspresyon ko nang makita ko na nasa may harap na si Sir at ang sama sama ng tingin sa akin! Shet ! Andyan na pala si Sir.
"Sorry po, Sir." Sabi ko bago umupo at nang maka upo ako sinamaan ko ng tingin si Aubrey. Nag peace sign lang sya. Irapan ko nga. Pahamak talaga!
Pagkatapos ng dalawang subjects namin pumunta kami sa cafeteria to eat lunch. 11am to 1pm kasi ang vacant namin.
"Girls nabalitaan niyo ba iyong manghuhula doon sa bayan. Well, hindi lang siya manghuhula may alam din daw siya sa mga spell. Ang galing no? Take note totoo daw talaga iyon" Napairap ako sa kawalan dahil sa sinabi ni Aubrey.
"Naniwala ka naman doon. High tech na kaya ngayon. Duh!" Sabat ko.
"At bakit naman hindi? Diba Alexa?" Kontra ni KK sa akin. Pati si Alex dinamay pa.
"Nanloloko lang iyon. Masyado kayong naniniwala sa ganoon" Kontra ko din.
"Bakit ganyan ka, Ceejay? Nagkasakit ka lang ganyan kana? Ang sungit sungit mo." Naka-taas ang kilay na tinginan ko si Aubrey na naka nguso. Paawa ang isang to!
"Oo na. Oo na . maniwala na kayo." Ayaw ko ng makipagtalo sa kanila. Wala naman akong kakampi diba. Psh!
Pagkatapos namin kumain umupo kami sa isang bench malapit sa building namin. Wala akong kibo dahil hanggang maubos ang free time namin at makapunta ng room iyong manghuhula lang iyong usapan nila. Gosh, hindi pa ba sila na iirita sa pinag-uusapan nila kasi kung ako amg tatanungin iritang irita na ko! Seriously? Naniniwala talaga sila doon?
BINABASA MO ANG
SPELL Turns into LOVE
Teen FictionWhat if dahil sa isang SPELL , sa isang pagkakamali magkakakilala sila. Hindi nila aakalaing mamahalin nila ang isa't - isa. Pero hindi rin nila akakalain na ang pagmamahal na iyon ang magiging dahilan para magtanim sila ng galit sa isa't -isa.