Chapter 9: MISUNDERSTOOD

118 5 0
                                    

Chapter 9: MISUNDERSTOOD


Ceejay's POV

Mag-isa akong naka-upo sa classroom namin. Maaga kasi akong pumasok kasi ang galing-galing mang-asar ni Manang Rose. Hindi ko na nga siya sinusungitan kasi maganda na ang pakiramdam ko. Pero mukha atang gusto niya na masungitan ng masungitin.

Kesyo ka-gwapo raw ng manliligaw ko. Sagutin ko na raw kasi mukha namang matino. Pabisitahin ko daw ulit sa bahay para mas makilatis niya. Sinong hindi maiirita diba? Ilang beses ko ng sinabing hindi ko yon manliligaw na nang-aasar lang yon kaya pumunta sa bahay kahapon pero parang wala siyang naririnig. Buset!

Okay! Too much for that. Naiinis lang ako lalo pag naaalala ko si Manang.

Hindi naman nagtagal nagdatingan na ang mga kaklase ko. Syempre kasama ang dalawa kong kaibigan.

"Good Morning, Ceejay. Balita ko kaya hindi ka nakapasok kahapon nagkasakit ka nanaman daw." Narinig kong sabi ni KK pag-upo nila sa may likuran ko.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. "Yup and ayos na ko ngayon." Nginitian ko sila.

"Buti naman, napapadalas na iyang pagkakasakit mo?" Patanong na sabi ni Alexa.

Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit napapadalas ang pagsama ng pakiramdam ko.

"Pakopya na lang ako ng mga lectures niyo. Mahirap ang walang notes." Yun na lang ang nasabi ko.

"Sige bigay ko sayo mayang uwian." Sagot sa akin ni Alexa.

"Thanks, Alexa." Nginitian ko siya.

Tinitigan ko siya. May napansin ako kay Alexa, may iba. Parang nawawala ang pagka-boyish niya. I mean nag-aayos na siya ng sarili.

Hindi katulad dati kailangan mo pang sabihan na magsuklay suklay naman kasi mukha na siyang bruha.

May time pa nga na tamad na tamad siya magsuklay kaya nagprisinta akong suklayan siya.

Pagsuklay ko sa buhok niya hindi ko siya ma-push pababa. Sobrang ganit ng buhok niya. Nagbuhol-buhol na nga ang buhok niya. Isang oras ko nga ata siyang sinuklayan at sumakit din ang kamay noon. Sa kanya lang ako naka-encounter ng ganoong buhok.

"Oy, Ceejay makatitig sa akin wagas, problem?" Sabi niya ng napansin niya ang pagtitig ko.

"May napansin lang ako. Nag-aayos kana. Dalaga ka na nga. May pinagpapagandahan kaba? Haha." Tukso ko sa kanya.

Nakita ko naman na namula ang pisngi niya at umiwas ng tingin. Hmmm. So meron nga?

"Oy, alam mo ba Ceejay." Singit ni KK kaya napatingin ako sa kanya.   "Kaya iyan ganyan kasi---"

"Shut up, KK!" Putol ni Alexa sa sasabihin ni KK. So, meron akong hindi alam?

Tatanungin ko na sana sila kung anon meron ba akong hindi nalalaman ng biglang may magsalita.

"Hi girls." Napatingin ako sa nagsalita at sana hindi na lang ako tumingin kasi nasira na naman ang araw ko. Naalala ko din ang paglapastangan niya sa labi ko kahapon.

Nginitian niya kami at umupo sa tabi ko. Inayos ko naman ang upo ko at tumingin  sa unahan.

Tatahimik na lang ako, napag-isip-isip ko na  hindi ko kailangang ma-stress sa lalaking ito.

"Hello, Tristan." Narinig kong sabi ni KK.

"Kamusta ang pagbisita mo kay Ceejay kahapon?" Napatingin ako kay Alexa dahil sa sinabi niya.

"Paano niyo iyon nalaman?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Sabi niya kasi kahapon bibisitahin ka daw niya. Kayo ha, anong meron sa inyo?"  Tukso pa ni Alexa. Makahulugan silang tumingin sa akin kaya inirapan ko sila.

SPELL Turns into LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon