Chapter 17: THE START

73 6 0
                                    

Chapter 17: THE START 

Ceejay's POV

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko kay Bakulaw habang nagdadrive siya. Hindi ko na napigilang hindi magsalita. Kanina pa kasi ako nakasakay sa sasakyan niya. Napaka awkward naman kung napaka tahimik tapos ung kasama mo may galit sayo.

Tiningnan niya lang ako with his cold stare. Mabilis rin naman siyang humarap sa unahan.

Anong ibig sabihin non? Dedma lang ang beauty ko? Baka mainis lang ako dito dahil sa treatment niya sa akin. Hindi pa ko makapag thank you at sorry. Kaya hindi na lang ulit ako nagsalita. Mapapahiya lang ako.

Sumandal na lang ako at ipinikit ang mga mata. Magtulog tulugan na lang kaya ako? Para hindi naman masyadong awkward tutal wala naman siyang balak kausapin ako.

Hinarap ko ang ulo ko sa right side. Nakaharap ang mukha ko sa side kung saan nandoon ang bintana. Para hindi halata na fake lang 'to.

Mas mabuti nang ganito kaysa gising na gising naman ako at mapapanisan na ng laway. Bahala na rin kung saan niya ako dadalhin. Hindi niya naman siguro ako ipapasalvage. Naku! Wag naman sana. Magsosorry na nga e.

Maya maya naramdaman ko na tumigil na ung sasakyan niya.

Ano bang dapat kong gawin? Magpagising sa kanya kunyare o maggising gisingan kunyare?

"Stop pretending you're sleeping. I know you're still awake." Cold niya pa ring pagkakasabi.

Hindi ba kapani paniwala na tulog ako? Wala ba kong future sa pag acting? Balak ko pa namang mag artista. Sayang. Kidding.

Iminulat ko ang mga mata ko at humarap sa direksyon niya. Wala pa rin ka emo-emosyon ang makikita sa kanya.

"Hindi ako nagtutulog tulugan no! Bakit ko naman gagawin yon?" Inis na sabi ko sa kanya para mapagtakpan ang pagkakahuli niya sa akin.

"I don't know. Bumaba kana." Pagkasabi niya noon bumaba na siya kaya naman no choice ako kung hindi bumaba rin sa sasakayan niya. Naiinis na ako.

Pagbaba ko ngayon ko lang napansin na ang ganda pala dito sa pinagdalhan niya sa akin. Inilibot ko ang tingin sa tanawin. Napagtanto ko na isang park 'to. Parang pamilyar siya, parang nakita ko na ang lugar na ganito.

Hindi ko muna ginulo ang pag-iisip ko sa isiping yon. Binusog ko muna ang mga mata ko sa magandang tanawin na nakikita ko ngayon. Ang ipinagtataka ko lang, bakit walang tao? Sa ganda ng lugar na ito paniguradong madaming pupunta dito.

Kitang kita mo na alagang alaga ang mga halaman at wala kang makikitang basura. Makikita mo ang berdeng damo at ang mga bulaklak na alagang alaga na makikita sa magagandang kulay ng mga ito. Kapansin pansin rin sa hindi naman kalayuan ang puno na napakalaki na nasa isang burol. Napaka gandang tingnan.

"Are you done?" Napatingin ako kay Tristan na nasa harapan ko na pala ngayon. Wala pa ring pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya.

"Huh?" Nagulat kong sabi. Masyado akong naging focus sa tanawin kaya nawala sa isipan ko kung bakit ako napapunta sa lugar na ito.

"Ano.. yung s-sabihin ko pala." Nauutal kong sabi ng matauhan ko. Hindi ako makatingin sa mga mata niya na walang ekspresyon.

Humugot ako ng lakas loob na magsalita sa pamamagitan ng pag buntong hininga.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita ng unahan niya ko.

"Follow me." Tinalikuran na niya ko at nagsimulang maglakad. Nakarinig ako ng parang pigil na tawa pero nawala rin naman.

SPELL Turns into LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon