Chapter 11: PARTNER

102 5 0
                                    

Chapter 11: PARTNER


Ceejay's POV

"Hoy kayong dalawa! Ano ba yang pinaggagagawa niyo?" Tanong ko kay KK at Alexa. Nandito kami ngayon sa isang bench. Wala kaming klase.

"Faster Alexa, pasa mo na sa akin." KK

"Wait lang naman. Bukas na ba bluetooth mo?" Alexa.

"Oo kanina pa! Gosh!" Maarteng sabi ni KK.

Ang galing diba parang hindi nila ko kasama. Wala man lang sumagot sa tanong ko.

Tsaka kahapon sinermonan ko talaga silang dalawa dahil doon sa hindi nila pagtetext sa akin kahapon na walang first class.

Naikwento ko din si Marty at ayon okay naman daw yung hindi nila pagsasabi nakameet naman daw ako ng boylet. Tss. Nakakasura diba?

"Done! Thanks Alexa." Masayang sabi ni KK.

"So, pwede niyo ng sagutin ang tanong ko?" Singit ko sa kanila.

Tumingin naman sila saakin na parang hindi nila alam ang tinutukoy ko. Nakikipagtitigan ako. Aba't mukhang hindi nga nila alam. Langya! Para talagang hindi nila ko kasama. Mga kaibigan ko ba talaga sila?

"Tinatanong ko kung ano yong ginagawa niyo kanina?" Inirapan ko pa sila.

"Ahh. Iyon ba? May pinasa lang sa akin si Alexa na video. Video mo." What? Video ko?

"Huh? Anong video ang sinasabi mo?" Nakatingin ako sa kanila. Nag-aantay ako ng isasagot nila

"Bakit mo sinabi? Magagalit iyan" Bulong ni Alexa kay KK pero rinig ko naman.

"Sorry nadula---"

"Ano ngang video yan? Kanina pa kayo. Anong gusto niyo wala  na lang pansinan? "Naiinis na talaga ko. Tungkol pala sa akin ang pinagkakaabalahan nila tapos wala man lang akong alam.

"Oo na! Oo na sasabihin na. Video nung nakipag-away ka kahapon. Now, you know." Sagot ni KK. Pakikipag-away?

"Galing mo talaga Ceejay." Dagdag nitong si Alexa.

"Oo nga. Ang galante pa." Napa-tingin naman ako kay KK.

"Binigyan mo ng 2000 yung babaeng yon. Samantala sa amin ni Alexa hindi mo man lang kami mailibre." Pagpapaawa ni KK.

"Oo nga yung street food lang dyan sa kanto." Isa pa tong si Alexa.

Pansin niyo ba hindi na ko nakapagsalita. Magaling

"Magpatapon din kaya ako ng ju--" Kk

"Hep!" Pagpipigil ko kay KK. Nilagay ko yung kamay ko sa bibig niya. Nakakarindi na e.

"Bakit mo tina---" Tinakpan ko rin ang bibig ni Alexa.

"Ayan tahimik na, pwede na kong magsalita. Pwede na diba?"Tanong ko sa kanila. Sabay naman silang tumango. Hindi ko inalis ang kamay ko sa bibig nila.

"Patingin ng video." Seryoso kong sabi. Binigay naman ni Alexa ang phone niya. Pinanood ko ang video. Confirm ako nga ang nasa video. Ako lang talaga yung kita kasi malapit sa likod ng babae ang pagkakakuha ng video. Naputol ang video ng umalis na ung babaeng nakausap ko.

"Sagutin niyo tanong ko ha?" Sabi ko pagkatapos kong panoorin ung video. Tumango naman sila.

"Saan niyo nakuha ang video na iyan?" Bakit kasi kailangan pang kuhanan ng video? Bwiset! Wala sigurong magawa sa buhay ang gumawa nun.

Nagkatinginan naman yong dalawa.

"Sumagot kayo!" Sabi ko sa kanila.

Napatingin naman sila sa akin. Naiinis na naman ako. May pagka moody talaga ako e.

SPELL Turns into LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon