Chapter 5: I LOST MY...
Ceejay's POV
Gising na ko pero hindi ko pa rin inumulat ang mga mata ko kasi feeling ko ang sakit sakit ng katawan ko. Para akong nagsaka o kaya naman nagsayaw magdamag, iyon talaga ang pakiramdam ko.
Tapos para pang may nakadagaan sa akin. Masakit pa ung ulo ko. Dami kong reklamo. Hayyy!!
Biglang may gumalaw sa tabi ko. Napamulat talaga ako!
Hala! Ano iyon? Ano iyon multo ? Ang aga naman niyang manggambala.
Dahan-dahan akong tumingin doon sa side na may something na gumalaw. Mas nanlaki ang mata ko.
BAKIT MAY KATABI AKONG... LALAKI SA KWARTO KO!!?
"WHAAAAAA!!" Napa-sigaw ko!
Biglang nagmulat yong mata niya. Ngayon ko lang narealize na ang lapit-lapit nung face niya sa face ko.
Dahil na naman sa gulat naitulak ko siya. Kaya nahulog siya sa kama.
Tapos.. Tapos bigla siyang tumayo. Nanlaki na naman yong mata ko.
Napaupo ako sa kama, binalot ko ng kumot ung sarili ko. Nang narealize ko na dapat akong pumikit. Ginawa ko naman at tinakpan ko ung mata ko.BAKIT KASI WALA SIYANG DAMIT!?
"WHAAA!! PLEASE WEAR SOMETHING!!" Sigaw ko dun sa guy.
Ang virgin eyes ko. Tiningnan ko siya, yung MUKHA LANG AH! Kita sa mukha niya yung pagkataranta.
Wait! Parang may mali sa akin. Bakit nararamdaman kong parang..... NO! wala akong damit!?
Tiningnan ko ung sarili ko.. CONFIRM! WALA AKONG SUOT KAHIT ANO!! Huhu
Tapos. Tapos... masakit yong ano.. yung ano.. BASTA alam niyo na iyon. I lost my VCARD, wala na for sure!! Hindi naman ako ganoon kainosente para hindi malaman.
Tumingin ako doon sa walang hiyang lalaking lumapastangan sa maganda kong katawan.
Naka-tapis na siya ng towel. Pakshet! Bakit ganyan lang yung suot niya. Pero wala na kong paki alam kung anong isusuot niya. Nagagalit ako sa kanya. Feeling ko anytime sasabog ako dito!
"HOY! Lalaking RAPIST! WALANGHIYA KA! Anong ginawa mo sa akin!?"
"Hey Baby, calm down" Mahinahong sabi niya. May hand gesture pa nalalaman.
"Potek na baby calm down na iyan! Paano ako hihinahon nirape mo ko!"
"Hey, Hindi kita nirape." Tinuro niya pa ko. " Ikaw ang agresibo at nagpupumilit."
F*ck! Ako pa din. Ako pa din. Wala nga ako maalala. SHET!! Wala akong maalala. Nalasing ba ko kagabi!?
NO! NO! NO! Siya ang may kasalanan! Hindi ako! Hindi akooo!
"And sa tingin ko you're drunk last night and ikaw din ang nag-insist sa lahat ng nangyari sa atin." Whaa!! Ayan na ipamukha ba sa akin na nalasing ako kagabi. Pero hindi! Siya ang may kasalanan. Ako ang biktima dito.
Nakakita ko ng mga books and kung anu-anong gamit. May mga ganito ba kong gamit?
Pero okay na din, magagamit ko ito ngayon. Hinawakan ko iyong isang libro.
Tumingin ako sa kanya ng masama. Syempre yong isa ko pang kamay nakasuporta doon sa kumot baka makitaan pa niya ko.
"Hey! Baby, calm down. Anong gagawin mo dyan!?"Ayan nanaman iyang baby baby. Ano ko sanggol!?
Binato ko siya nang book kaso naka-ilag siya. Bwiset!
"Wag mo kong mababy-baby! Ikaw yong lalaking lumapit sa akin kagabi sa bar. Naalala ko na!!"
BINABASA MO ANG
SPELL Turns into LOVE
Teen FictionWhat if dahil sa isang SPELL , sa isang pagkakamali magkakakilala sila. Hindi nila aakalaing mamahalin nila ang isa't - isa. Pero hindi rin nila akakalain na ang pagmamahal na iyon ang magiging dahilan para magtanim sila ng galit sa isa't -isa.