Chapter 6: Bad Luck.

161 5 1
                                    

Chapter 6: BAD LUCK

Ceejay's POV

Isang linggo ng nakakalipas wala pa rin kaming balita kay Aubrey. Ano na kayang nangyari sa kanya? Nag-aalala na kami.

Pero kung hindi iyon safe na nakauwi edi sana tinawagan na kami ng parents niya.

Tsaka isang linggo na ring nakakalipas nung nawala ang V....

Whaaaa !! Huhu. Nevermind! Erase! Erase! Erase ! Kalimutan na lang natin. OKAY! Kahit masakit kasi naibigay ko sa isang stranger ang V.... Whaaa! Kalimutan na nga diba?!

Focus na lang sa study. Baka tumaas pa ang grade ko. Nalulungkot lang kasi ako kapag naiisip ko yon and in the same time nahihiya ako! Nahihiya ako sa lahat, sa sarilo ko.

Hay! By the way, nandito nga pala ko sa school. Wala na kong katabi. Umalis na nga diba si Aubrey.

Kung itatanong niyo kung nasaan ang dalawa ko pang kaibigan. Ayon, nasa likod ko nagawa ng assignment. Ay! Let me rephrase it. Nasa likod ko sila at KINOKOPYA ang assignment ko. Galing no, may assignment ako. Pinaghirapan kong isearch, kokopyahin lang ng magagaling kong kaibigan.

"Bilisan niyo paparating na si Ma'am." Lalo silang nataranta. Haha! kakatawa ang itsura nila. Pinapaganda nila ang simula ng araw ko. Maya-maya matapos din sila sa pagkopya.

"Yes! Tapos na rin. Ang sakit sa kamay." Alexa. May pataas-taas pa siya ng kamay habang naka close fist pa. Boyish talaga.

"Yeah right! Buti hindi nasira ang nail art ko." Maaeteng sabi ni.... Sino pa nga bang magsasabi nun, edi si KK. Buti nagkakasundo silang dalawa, magka-ibang magka-iba kaya sila.

"Reklamo pa kayo. Kinopya niyo na nga lang, buti nga hindi kayo nag search." Kinuha ko yung notebook ko sa kanila. Tumingin na ko sa harapan.

Tapos biglang dumating si Ma'am. May kasama siya kaso hindi naman pumasok sa room.

"Class may new classmate kayo. I want all of you to treat him well." Wow. May special treatment. Tska bat yan nakapasok dito? Duh! Tapos  na kaya ang midterm para sa first sem. Sabagay ano nga bang nagagawa ng money and power.

"Mr. Lee. pwede ka ng pumasok." Kaartehan. May special entrance pa. Dami niyang special. Ano siya special child? Pfft. Baka nga special child.

Tiningnan ko naman yung pumasok. Titingnan ko kung isa siyang speci----

Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon. OHH MY!! This is a bad luck ! Hindi siya isang special child isa siyang RAPIST!

Hindi ako maka-galaw sa kina uupuan ko. Totoo bang andito siya sa school na pinapasukan ko.

PAKSHET! Bakit dito pa siya pumasok!? Kinakalimutan ko na nga yong pangyayaring yon, tapos papakita itong bakulaw na ito.

"Mr. Lee, Please introduce your self." Si Ma'am nagpacute pa. Buset!

"Hi girls! I'm Tristan James Lee. And I'm the man that every woman dreams." Grabe! Hindi lang pala rapist, madami ring hangin sa katawan.

"Kyaaaa!" Irit nung mga babae. Hindi ba nila napapansin puro kayabangan lang alam niya. Kitang kita na sa itsura pa lang.

Irapan ko nga. Kaso nakita niya ata. Shet nakita niya ko, baka maalala niya ko. PATAY NA!

Na-recognized niya ata ang face ko kasi hindi niya inalis sa akin ung tingin niya. Tapos nginitian niya ko. Huhu. Nakilala niya ata ko! Ang malas malas ko naman. Kinakabahan na ko dito.

"Alexa, nginitian ako ni Mr. Handsome." Narinig ko sabi ni KK sa may likod, tapos naki irit na rin. Pwe!

And sana nga, akala ko lang na ako yung nginitian niya. Sana nga si KK ang nginitian niya.

SPELL Turns into LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon