Chapter 12: GIRLFRIEND??

91 4 0
                                    

Chapter 12: GIRLFRIEND?


Ceejay's POV

Whoa! Nasaan ako? Inikot ko naman ang mga mata ko.

Ang ganda naman dito. Nakakita ako ng ibat- ibang klase ng bulaklak. Ang ganda talaga. Malawak din ang kapaligiran na naoapalibutan ng berdeng damo. Napapikit ako dahil sa pag-ihip ng hangin.
Napamulat ako nang marealize ko na bakit ako lang ang tao. Mag-isa lang ako?

"Ceejay." May narinig akong tumatawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa likuran dahil doon ko narinig ang boses ng tumawag sa akin.

Pagtingin ko si Marty!  At... at  ... Ang GWAPO niya sa suot niyang white shirt. Pagtingin ko sa damit ko white dress naman. Couple kami. Hihi.

Naglakad siya palapit sa akin habang nakangiti.. Bakit ang gwapo niya sobra?!

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko nakatingin lang ako sa kanya. Kinakabahan ako.

Tumigil lang siya sa paglalakad ng isang dangkal na lang yung layo niya sa akin. Shet! Bakit ang lapit niya? Tapos makikita mo yung ngiti niyang  pamatay. Ohmyghad!

Malaya kong natitigan ang mukha niya. Matangos na ilong, mapupungay na mata, makinis na mukha at.... mapupulang labi na may naka-ukit na ngiti. Sa madaling salita gwapo.

"You're so beautiful." Naramdaman kong hinawakan niya ang pisngi ko. Biglang namang nag init ang mga ito. Shet! Namumula ako. Tapos speechless pa ang lola niyo. Ang ganda ko daw e.

"I like you." Whaa! I like you daw o. Ang bilis niya ha!  Pero okay lang gusto ko din naman siya. Landi ko!

Napatingin ako sa mga mata niyang singkit. Pumikit siya at unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin.

Anong gagawin niya? Hahalikan niya ba ko? Kaso hindi na siya ang first kiss ko gawa ng walangyang bakulaw na si Tristan. Oo, ang malas no siya first kiss ko siya din ang errrr basta!

Habang palapit ng palapit ang mukha niya unti unting kong nararamdaman ang pagbigat ng mga mata ko.

"Open your eyes." Open your eyes daw. Hmmp sige na nga. Mas maganda sana kung nakapikit para damang dama. Landi talaga!

Nagmulat ako ng mata. Whaa! Bakit si Bakulaw ang nandito? Nasaan si Marty my loves?

"Don't move." Ayan na papalapit na yung mukha niya? What should I do? Gusto ko si Marty e.

Kring! Kring! Kring!

Napamulat ako sa narinig ko. Una kong nakita ang kisame ng kwarto ko. Kwarto ko? Napabangon naman ako. Panaginip lang pala este bangungot pala. Pwe.

Palagi talagang panira ang bakulaw na si Tristan pati sa panaginip nakiki-epal.

Andoon na! Si Marty na yon. Si Marty na gwapo, si Marty na yummy, si Marty na ay butiki!

Nagulat ako sa narinig kong pagkatok ng sinuman sa pinto ng kwarto ko.

"Ceejay! Gising na! Nandito yung dalawa mong kaibigan!" Sabi ni Manang habang nakatok sa pinto. Si Manang panira rin ng nag-iimagine pa ko e.

Ano naman ginagawa ng dalawang iyon dito? Kaaga-aga e nambubulabog.

"Opo bababa na." Sabi ko kay Manang. Hindi na ko nag-ayos pa. Yung dalawa lang naman iyon hindi na kailangan pang mag-eefort para sa dalawang yon. Nyahaha.

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi na kayo welcome dito." Nakatayo ako sa harap nila. Naka-upo kasi sila sa sofa.

"Grabe ka naman Ceejay kinaganda mo yan. Tingnan mo nga yang sarili mo haharap ka sa amin ng ganya. Mukha kang baliw." Mahabang sabi ni KK. Sabay subo ng cookies na bigay siguro ni Manang.

SPELL Turns into LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon