Chapter 18: FRUSTRATED
Ceejay's POV
"Hi Ate Ceejay." May kumaway sa akin kaya kinawayan ko na lang din.
Tumalon talon ung freshman at mukhang kilig na kilig na ewan. Ano siya kinikilig dahil sa akin? Weird.
"Good Morning, Ate Ganda." Ako ba yon? Sa akin siya nakatingin pero tumingin naman ako sa likod wala namang tao. Ayoko mag assume kahit maganda naman talaga ako. Haha.
"A-ako ba?" Nag aalinlangan pa kong tumuro sa sarili ko.
"Kayo nga po. Kyaaaaa!! kinausap niya ko!" Nagtatakbo siya kaya naglakad na lang ulit ako. Napangiwi ako. Ano ba ko artista? Well, artistahin naman talaga ako. Enough for kakapalan ng mukha kasi naman sila e kung anu-ano ang sinasabi.
"CEEJAAAY!" Sino na naman ba ito? Nagulat ako nang may tumapik sa likod ko. Gusto ata akong mapadapa kung makatapik.
"Chris?" Eto palang lalaking ito ang sumigaw at may lihim pa yatang galit sa akin.
"Good Morning, Ceejay. Sabay na tayo pagpasok." Magiliw niyang sabi.
"May lihim kabang galit sa akin?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad na kami.
"Ha? Wala bakit mo naman nasabi yan?"
"Kung makatapik ka sa likod ko parang may balak ka--."
"H-hoy! W-wala--- H-HAH! Napag utusan lang ako." Anong sinasabi nito? Nagawa lang naman ako ng conversation namin dalawa masyado naman siyang defensive..
"Napag-utusan?"
"H--HUH!? Wala akong sinasabing ganoon!" Sigaw niya sa akin.
"Problema mo, Chris? Para kang natatae?" Tanong ko ang weird niya lang.
"Uu-uhhh... Oo na tatae nga ako. Punta lang ako C.r."
"Oy! Teka!" Saan yon pupunta dito nga may c.r papasok na kaya kaming building. Ganoon ba ang natatae pati utak naapektuhan?
Nagkibit balikat na lang ako at naglakad na.
Napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng mga bulungan kapag nakakalagpas ako sa kanila.
"Ang sweet!"
"Sila na! Kyaaa!"
"How corny? Iwww. Yuck!"
"No! This can't be!"
Ano bang problema nila? Ako ba ang pinag uusapan nila? Anong yuck? Anong sweet? What's happening in this school?
Hanggang makarating ako sa room may mga bubuyog akong naririnig.
"Good Morning, Ceejay!" Bati sa akin nina Alexa at KK.
"Good Morning." Umupo na ko at napansin kong wala pa yung katabi ko. Napansin ko lang naman. Baka bigyan niyo ng MALISYA. Hindi ako defensive NAGPAPALIWANAG LANG! Hindi ako nasigaw natural na to! Baka may umaangal pa!
Para na kong baliw nito. What's happening to me? Nagagaya na ko sa mga students dito.
"Ceejay, Anong pakulo 'to?" May tinaas na poster si Alexa na may mukha ni Tristan.
"Kahapon magkaaway ko ngayon ligawan portion na. Aba matinde." Kk.
Nakita ko nga na may nakasulat doon sa poster.
"I'm already courting this lady, Ceejay Nicole Buenaventura. She will be mine soon!"
"A-ano yan?" Turo ko pa sa poster.
BINABASA MO ANG
SPELL Turns into LOVE
Teen FictionWhat if dahil sa isang SPELL , sa isang pagkakamali magkakakilala sila. Hindi nila aakalaing mamahalin nila ang isa't - isa. Pero hindi rin nila akakalain na ang pagmamahal na iyon ang magiging dahilan para magtanim sila ng galit sa isa't -isa.