Chapter 8: BWISITA
Ceejay's POV
Hindi pa rin ako bumabangon sa kama ko. Ang sama-sama kasi ng pakiramdam ko.
Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi. Nag-collapse ba ako kahapon? Pero para namang hindi. Naihatid ba ko ni Manong? Urrgh. Nasakit ang ulo ko sa pag-iisip kung ano nangyari kahapon.
Ang mahalaga naman nakauwi ako at nandito sa sariling kama ko. Hindi katulad noong last time na wala akong maalala, paggising ko nasa ibang kwarto ako at nawala ang pinaka-iingatan kon--- Whaaa! Bakit ba lagi kong naaalala 'yon? Ohmy! Diba ung rapist ang huli kong nakasama kahapon? Pinakiramdaman ko ung sarili ko. Parang okay naman kaso ang sama ng pakiramdam ko at ang sakit talaga ng ulo ko.
Tok! Tok! Tok!
"Ceejay bumangon kana baka malate ka pa." Narinig kong sabi ni Manang Rose.
Pinilit kong bumangon para mapagbuksan ko ng pinto si Manang. Ang sama-sama talaga ng pakiramdam ko.
"M-Manang..." Sabi ko pagkabukas ko ng pinto. Naubos ata ang lakas ko dahil sa paglalakad ko.
"Jusko pong bata ka. Anong nangyari sayo?" Hinawakan ni Manang ang noo ko. "Mainit ka anak, kaya pala ang aga mong natulog kahapon." Maaga pala akong natulog kahapon. Bakit ba wala akong maalala? May malubha na ba akong sakit? Huhu.
Inalalayan ako ni Manang papunta sa kama ko. Hinanghina talaga ako.
Humiga ulit ako sa kama dahil hindi ko na talaga kaya kahit naka upo lang ako nanghihina ako.
"Bakit ba may sakit ka nanaman? Pangalawang beses na ito. Ano bang pinag gagagawa mong bata ka?!" Eto na ba ang sinasabing sermon?
"Whatever Manang Rose. Too much questions? Kuha niyo na lang po ako ng gamot. I think it's the right thing to do." Masungit kong sabi kaya Manang. May sakit na nga tapos sesermonan pa ko.
"Ikaw talagang bata ka. Nagsusungit ka na naman. Kailangan ata painumin kita ng madaming gamot para mabilis kang gumaling at para mawala na iyang kasungitan mo." Patawa lang si Manang. Umirap na lang ako.
"Fine, basta bigyan niyo na po ko ng gamot."
Umalis naman si Manang Rose. Tama naman si Manang Rose pangalawang beses na kong nagkakasakit. Ano bang pinaggagawa ko?
Maya-maya dumating na si Manang may dala siyang isang basong tubig at.... mga gamot?? Ano, iinumin ko lahat yan?!
"Manang Rose, ano po iyan?" Turo ko sa dala niya. Obvious na gamot siya pero kailangan madami dapat ang dalhin?
"Gamot iyan anak, hindi ka pa ba nakakakita niyan?" Pilosopo lang si Manang. Napa-irap tuloy ako.
"What I mean is, bakit po ang dami niyan? Gusto niyo ba ko ma- over dose?"
"Hindi naman, nagbabaka sakali lang na mawala iyang kasungitan mo. Tsaka nakakapanget iyang pagsusungit anak.Sige ka."
Naku! Si Manang nahawa na ata kina Alexa. Hindi ko na papapuntahin ang mga iyon dito.
"Whatever Manang, akin na nga po iyang gamot ng makainom na po ko." Inilahad ko pa ang palad ko para ibigay na niya talaga.
"O eto inumin mo anak, pwede itong inumin kahit wala kapang kinakain at nakakapagpapaalis din yan ng kasungitan." Pabirong sabi niya.
Whoo! Ceejay relax ka lang. Si Manang Rose yan na nag-alaga sayo noong bata kapa at nag-aalaga sayo hanggang ngayon.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Manang. Kinuha ko ang gamot sa kanya at ininom.
BINABASA MO ANG
SPELL Turns into LOVE
Teen FictionWhat if dahil sa isang SPELL , sa isang pagkakamali magkakakilala sila. Hindi nila aakalaing mamahalin nila ang isa't - isa. Pero hindi rin nila akakalain na ang pagmamahal na iyon ang magiging dahilan para magtanim sila ng galit sa isa't -isa.