Chapter 13: Baby Boo

102 5 0
                                    

Chapter 13: Baby Boo


Ceejay's POV

"Okay, Guys! Break muna! Haggardo Versosa na ang mga handsome and beautiful face niyo. You can go na!" Announced ng dance insrtuctor na bakla na nagtururo samin para sa intro. Sa darating na buwan ng wika.

Umupo naman ako sa bleachers. Napagod talaga ko mag-iisang oras na ata kaming pinapasayaw ng baklang dance instructor. Siguro napagod din kaya nagbreak muna.

"Ms. Ceejay?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Napakunot ang noo ko ng mapagtanto ko na hindi ko naman kilala ang lumapit sa'kin.

"Yes?" Tanong ko na lang.

"May nagpapabigay po." May inabot siya sa aking isang bote ng tubig. Kinuha ko naman. Sa akin daw e. Tsaka uhaw na ko. Pagkuha ko ng tubig umalis agad yung lalaki kaya hindi na ko naka-pag thank you.

Bubuksan ko na sana nang may makita ko na may sticky note na nakadikit sa bote. Binasa ko naman ung nakasulat.

Hope you will drink this. It will feel you better. :)

Mukhang kilala ko na nagbigay nito. Hindi na talaga ko tinigilan. Isang linggo ng nakakalipas ng sabihin ng bakukaw na si Tristan na girlfriend niya raw ako. Kapal talaga!

Ininom ko naman yung tubig sayang naman e. Grasya rin 'to hindi na ko tatanggi.

Ilang beses niya na ko binigyan ng tubig pero bago yung ngayon may sticky note. Dati kasi personal niyang binibigay.

Minsan naman binibilhan niya pa ko ng snack or pang lunch. Galante no? Kaso ayaw ko siyang maging boyfriend. Siya lang naman ang feeling.

Minsan umaandar pa ang pagiging maniac/pervert, kung hindi ka naman mainis. Sarap din minsang manakit ng tao. Yung tipong puputulin mo yung kamay.

Kung saan-saan humahawak e. Sa bewang, mang-akbay tapos ang hilig manghawak ng pisngi tapos biglang kukuritin. Masakit kaya!

Yung bibig din ang sarap lagyan ng zipper tapos ilolock mo na forever para hindi makapagsalita. Kung anu-ano kasing ka greenan ang sinasabi. Kahit siya pa.. ang eeerr. basta! Kailangan ko pa ring magpaka-conservative no. Isang pagkaka-mali lang ang nangyare dati.

"Baby Boo!" Napatigil ako sa pag-iisip ng may narinig akong nasigaw.

Ininom ko na lang yung tubig na natitira. May energy na ko ulit para magkekembot.

"Baby Boo!" Naibuga ko ang iniinom ko ng may bumulong sa tenga ko.

Feeling ko may lumabas na tubig sa ilong ko. Kinuha ko yung towel na nakasampay sa balikat ko at ipinunas sa bibig ko at ilong.

"Baby Boo, okay ka lang?" Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin. Obvious naman ako na hindi okay diba?!

"Sabi ko nga hindi ka okay." Hindi ko na lang siya pinansin. Pinunasan ko na lang ung legs ko na nabasa dahil sa pagbuga ko ng tubig. Nabasa rin ng konti ang suot kong short.  Kasalanan 'to ng bakulaw na si Tristan.

"Bakit bumili ka pa ng tubig? Diba binibilhan kita lagi." Huh? Tiningnan ko yung bote na kakaunti na lang ang laman na tubig. Hindi siya ang may bigay nito?

"Hindi ba 'to galing sayo?" Bigla kong naitanong.

"Hindi. Bakit sino may bigay niyan sayo?" Seryosong tanong niya.

"Ewan. Akala ko nga ikaw may bigay." Opps. Nasabi ko ba yon? Wrong choice of word.

Nakita ko na napalitan ng nakakalokong ngiti yung kanina lang ay seryoso niyang mukha.

SPELL Turns into LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon