Chapter 14.2: PRACTICE
Alexa's POV
"KK, let's go. Hindi na siguro mainit ang ulo ni Ceejay." Hinila ko na siya palabas ng restroom.
"Makahila Alexa! Para ka talagang hindi babae. Kung makikita ka lang ng crush mo ewan ko na lang, hindi kapa nga nakikilala turn off na agad." Binitawan ko ang wrist niya and I glared at her.
"Ayan! Binitawan na kita. Maglakad ka mag-isa mo." Inis kong sabi. Nauna na kong naglakad. Sinabayan niya naman ako.
"Alexa, joke lang. Pag yung crush mo ang pinag-uusapan napaka-seryoso. Pero talagang masakit ka talagang manghila." Hinawakan niya pa ung wrist niya na hawak ko kanina. Inirapan ko na lang siya.
Pagdating namin sa sala. Yung dalawang lalaki nakatingin sa taas nandun sila sa harap ng hagdan
"Oy, nasa si Ceejay?" Tanong ko sa kanila. Kaya napatingin sila sa akin.
Napakamot si Tristan sa ulo.
"Nasa kwarto niya?" Patanong na sagot ni Tristan.
"Anong ginawa niyo kay Ceejay? Umalis lang kami saglit ginalit niyo na. Mga lalaki talaga." Hay! -_- Napakadaldal talaga nitong si KK.
"Maka-NIYO ka naman. Si Tristan lang ang may kasalanan." Turo niya pa kay Tristan. Napatingin naman kami kay Tristan na hindi maipinta ang mukha. Para siyang natataeng ewan o mas magandang term boyfriend na may nagawang kasalanan sa girlfriend niya. I smiled secretly. Bagay talaga sila ni Ceejay kaso wag niya lang sasaktan/lolokohin si Ceejay kung di kami ang makakalaban niya. Sayang wala si Aubrey. Siya pa naman ang amasona sa aming apat. Kamusta na kaya siya? Wala pa rin kaming contact sa kanya. (Naalala niyo pa b si Aubrey, ung sa farewell party^_^)
"Hoy! Tristan, anong ginawa mo kay Ceejay!?" Nabalik ako sa realidad dahil sa sigaw ni KK.
"I'm just kidding a while ago. I didn't meant it. " Nagkamot na naman siya ng ulo. Ano ba 'tong lalaking 'to may kuto?
"Wala na yon sa mood. Sayang naman kung hindi kayo magpapractice. Kakausapin namin." Sabi ko na lang.
"Sige and I want to talk to her too." Sabi na lang ni Tristan.
Hinila ko si KK pataas ng hagdan. "Sa tingin mo? Ano nagyari kay Ceejay? May walk out pang nalalaman." Sabi ni KK habang pataas kami.
"Baka hindi maganda ang naging biro ni Tristan may pagka pikon din naman kasi si Ceejay." Sagot ko.
"Madalas naman tahimik lang yon kapag pikon pagnasobrahan lang naman tsaka yun nananapak."
Tumigil kami sa tapat ng kwarto ni Ceejay.
"Pero pwede rin namang nagkasakit siya? Masungit at sobrang pikunin kapag masama ang pakiramdam." Sabi ko.
"Pwede rin namang.... may red tide siya?" Dagdag ni KK.
"Kung kumatok na kaya tayo para malaman natin. Hindi yung nanghuhula tayo." Sabi ko.
Nagsimula namang katukin ni KK ang pinto ng kwarto ni Ceejay.
"Ceejay?" Tawag ko pero walang sumasagot.
Naka-ilang katok pa kami pero wala talaga kaya binuksan na namin ang kwarto niya.
Sumalubong sa amin ang malamig na hangin galing sa aircon. Parang horror lang no?
Pagpasok namin hindi namin nakita si Ceejay. "Nasaan na 'yon?" Biglang tanong ni KK.
Narinig namim na nagbukas ang CR. Lumabas doon ni Ceejay ... na... bakit ang creepy niya? Parang magsalita lang kami magwawala na siya. Ano ba kasing sinabi ni Tristan? Napasobra ata siya.
BINABASA MO ANG
SPELL Turns into LOVE
Teen FictionWhat if dahil sa isang SPELL , sa isang pagkakamali magkakakilala sila. Hindi nila aakalaing mamahalin nila ang isa't - isa. Pero hindi rin nila akakalain na ang pagmamahal na iyon ang magiging dahilan para magtanim sila ng galit sa isa't -isa.