Chapter 15: SAVIOR

87 5 0
                                    


Chapter 15: SAVIOR



Ceejay's POV

Whoa! I'm nervous! Buwan ng Wika na kasi kaya eto na, malapit na ma-opening.

Ipapakita na namin ang tinuro sa amin nang dance instructor na bakla.

"Relax, kanina kapa nagbubuntong hininga. Kinakabahan ka." Napatingin tuloy ako kay Tristan na katabi kong naka upo sa back stage.

"I'm not." Simpleng sabi ko at napa-buntong hininga na naman ako. Kasasabi ko lang na hindi e. Hay!

"Deny pa." Sabi niya na sinabayan niya ng iling habang naka-ngiti.

Inirapan ko na lang siya. Tsk, kasi naman, hindi naman talaga ako nasali sa ganito.

"Relax, ang ganda ganda mo pa naman. Confidence lang, Baby Boo. Bagay na bagay sayo ang damit na suot mo ngayon." Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa at tumigil ung tingin nya sa may dibdib ko.

PAK!!

"ARAY!" Hinawakan niya ung likod ng ulo niya na sinapak ko.

"Napaka-maniac mo talagang bakulaw!" Nakakainis talaga ang lalaking to.

"Masama bang tingnan? Hindi ko naman hinawakan ah!"

PAK!

"ARAY! Nakakadalawa kana!" Hawak niya parin ung ulo niya.

"Kasalanan mo yan! Maniac ka kasi!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Ginawa ko lang yon para mawala ang kaba mo. Tingnan mo nakalimutan mo ng panandalian." Inirapan ko na lang siya.

Tama bang titigan yung ano dibdib ko?

Kahit na yun pa ung dahilan niya.

Maya-maya tinawag na kami dahil magsisimula na. Naramdaman ko na my humawak sa kamay ko at bumulong.

"Baby Boo, ang lamig ng kamay mo. You can do it."

Lumayo na siya para sumama sa mga lalaking contestant din.

Tristan. Hindi ko alam pero ung sinabi niya lang na 'You can do it' parang nawala ang kabang nararamdaman ko.

Narinig ko na nagsisimula na ung music at isa isa kaming pumasok. This is it!

Nakita ko sa mga audience si KK, Alexa at Chris.. May hawak silang mga placards para sa amin ni Tristan. Saan nila nakuha yan?

Sayang wala si Aubrey. Ano na kayang nangyari sa babaeng iyon?

Hindi sinasadyang napatingin ako sa pwesto ni Tristan. Nang nakita niya na nakatingin ako sa kanya kinindatan niya ako. Sa halip na irapan ko siya nginitian ko lang siya. Siguro dahil tinulungan niya kong mawala ang kaba ko.

Tumingin na ulit ako sa harap at nagfocus sa ginagawa ko. Natapos ang intro. na hindi naman ako nagkamali sa mga step at tapos na rin ang pagrampa gamit ang suot naming may theme na pang-angel. Ewan ko kung bakit ganito ang theme for intro.

Nagsimula na akong magbihis para sa talent nagulat ako ng nandito si KK. Siya daw ang stylist ko.

Simple lang naman ang suot ko. Isang sky blue na dress.

"Perfect! Napaka-ganda mo talaga." Matapos niya kong iretouch at ayusan ng buhok.

"Lalong ma iinlove sayo si Baby Boo mo." Napa irap na lang ako. Ayan na naman po si KK.

"Magready na kayo ung contestant no.2 na yung nagpeperform. Next na kayo." Biglang pasok ni Alexa sa dressing room man itong maituturing.

Tumayo na ko para makapunta na sa back stage.  Napa buntonghininga na naman ako dahil sa kaba.

SPELL Turns into LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon